KABANATA 29: Pangatlong Pagsubok: Ang Lobo na may Tatlong Ulo at Sampong Paa

424 31 0
                                    


NATAGPUAN ni Moymoy ang sarili sa kagubatan. Pakiramdam niya, ilang oras na siyang naglalakad. Kanina, sabi ni Udli, maglakad lang daw siya sa gitna ng kagubatan at makikita niya ang kanyang mga kasama.

"Hasmin!"

Nakita ni Moymoy si Hasmin. Nakasalubong niya ito. Gaya niya, pagod na pagod din ito.

"Moymoy..." Habol ang paghinga ni Hasmin. Umupo siya sa isang tipak ng bato.

"Kanina ka pa ba rito?" tanong ni Moymoy.

Umiling si Hasamin. "Kararating ko lang. Gusto ko nang sumuko."

"Pagod ka na, Hasmin. Baka kung ano'ng mangyari sa 'yo," nag-aalalang sabi ni Moymoy.

Tumango si Hasmin. "Di bale na, kaya ito." Nginitian niya si Moymoy.

Sinuklian siya ni Moymoy ng matamis na ngiti. "'Wag kang mag-alala, konti na lang 'to."

Natigilan sina Moymoy at Hasmin nang may narinig na paparating. Sa magkabibang direksiyon, nakita naman nilang dumarating sina Alangkaw, Wayan, at Ibalong Mulino.

"Alangkaw," nilapitan ni Moymoy ang kapatid pagkakitang-pagkakita sa kanya.

Pero bago nila magawang maglapitang lahat, biglang dumating si Udli.

Si Hasmin ang unang nagtanong sa kanya. "Udli, ano ang naghihintay sa amin dito?"

"May mababangis na hayop ba rito?" tanong ni Ibalong Mulino.

Nagtinginan sina Moymoy at Alangkaw. Hindi sila nagsalita. Hinihintay lang ang susunod na sasabihin ni Udli.

Nagsalita si Udli. "Ang dami niyo nang pinagdaanan at nakita sa pagsubok na ito. Ngayon pa ba kayo magtatanong? Sa isang saglit lang, makakarating kayo sa ibang lugar."

Mula sa itaas, may limang mumunting ginto ang lumutang-lutang at pumunta sa harapn ng bawat isa sa kanila.

"Mga diwani," sabi ni Udli.

Natigilan at di naalis ang tingin ng bawat isa sa diwani sa kanilang harap.

Napakunot-noo si Alangkaw. Tumingin siya kay Moymoy.

"Pansamantala lang na ibibigay sa inyo ang diwaning iyan. Gamitin niyo iyan sa pagsubok na ito," sabi ni Udli sa kanila.

Halos wala pang isang kisapmata ay biglang nagbago ang anyo ng paligid, kasabay noo'y naglaho rin si Udli. Biglang naging mainit ang kanilang pakiramdam. Nakita nilang puno ng apoy ang paligid. Naglahong bigla ang kagubatan dahil sinunog nito ng matinding apoy. Nagkumpulan silang lahat.

Nanatili ang apoy sa kanilang paligid pero hindi ito lumalapit sa kanila para tuluyan silang masunog. Nanatili lang itong lumalagablab paikot sa kanila. Bigla, may limang dambuhalang lobo na may tatlong ulo at may sampong paa ang lumitaw mula sa lumalagablab na apoy. Sa ilang saglit, naglaho ang apoy.

Magkakamukha ang limang lobong lumapit kina Moymoy, Alangkaw, Hasmin, Wayan, at Ibalong Mulino. Sabay-sabay na bumangis ang mga mukha ng mga ito kanilang harap. Luminga-linga si Moymoy. Nakita niyang isang bagay ang higit na kapansin-pansin: Iisa lang ang galaw ng limang lobo na kasalukuyang nakaharap sa kanila na nagbabantang umatake. Parang sa ano mang sandali, susugod ang mga lobong sa kanila.

Mabilis na kinuha ng bawat isa sa kanila ang diwaning lumulutang-lutang, maliban kay Moymoy.

Biglang lumitaw si Udli.

MOYMOY LULUMBOY: BOOK 5: ANG LIHIM NG LIBRO; ANG LIHIM NG KUWENTO (COMPLETED)Where stories live. Discover now