"You're just gonna hurt yourself more sinasabi ko sayo."

"It's okay, sanay na ako sayo pero kaya kong magtiis. Hanggat wala ka pang naipapakilalang Ama nila, I won't stop."

"I'm sorry..."

"Not your fault babe, ako ang may gusto nito. Ahh please don't mind me just eat your ice cream it's all over your hand. What a mess Mommy," tapos tumawa ulit siya.

Hays napaka selfless naman niya. Naiinis ako.

Why can't I teach my heart to love him?

Tapos parang biglang may pumitik sa utak ko. Right, I'm still in love with the asshole, jackass, jerk named Zyrone.

Na kahit ilang beses ko siyang tanggalin sa isip at sa puso ko ay hindi ko magawa.

Leche naman. Sa aming dalawa ako nalang ata ang hindi makalayo sa nakaraan. Ang hindi maka-move on. Ang mahal pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyari. What the fuck right?

I'm fucked up.

Pati ice cream na natunaw na ay hindi ko napansin.

Really fucked up.

Binigay sa akin ni Beyb ang panyo niya. Pero hindi ko ito inabot at umiling, malagkit pa rin kahit punasan man.

"Maghuhugas nalang ako," sabi ko.

"Ah okay."

Tumayo ako, nilingon ko ang mga bata at ubos na nila ang ice cream nila. Sa kanila nalang ginamit ni Beyb yung panyo para punasan ang mga nguso ng anak ko.

"Bibili na rin ako ng tubig. Ikaw muna ang bahala sa kanila okay?"

"Yes Ma'am."

"Mama, gusto ko makipag laro," it's Akira.

"Mama ako rin?" Kyara.

"Pero---" kokontra pa sana ako kasi wala akong dalang extra na damit nila kapag pinawisan at isa pa may sugat si Kyara.

"Ako na ang bahala Kyana. Let them play kahit saglit lang," sabi ni Beyb. Kaya nae-spoil ang mga bata dahil kila Amira at Beyb eh. Hays.

"Okay fine. Kyara baby, hindi ba masakit ang tuhod mo?" I asked. Umiling siya.

"Just a little but I'm fine, Mama."

"Be careful okay? Kayong dalawa," paalala ko.

"Ako na ang bahala, Mommy. Don't worry." Tumango nalang ako.

"I'll be back," paalam ko. At umalis na para maghanap ng banyo at mabibilhan ng tubig. Hindi naman malayo kaya agad akong nakarating at nakabili.

Bumalik na ako agad at pinainom muna silang tatlo ng tubig. Bago umupo ulit ako doon sa inupuan namin kanina at pinapanuod silang maglaro.

Pinanuod ko lang ang mga anak ko habang nag-slide sila. Pagkatapos ay nagswing naman habang tinutulak ni Beyb ang swing ng mahina. Nakipaghabulan din silang tatlo sa iba pang mga bata.

I was just smiling while watching them. Ganitong-ganito ang gusto kong makita, my twins with their father playing. Ang pinagkaiba lang hindi nila tunay na Ama si Beyb.

Nahagip ng mata ko ang nadapang bata sa 'di kalayuan. Napatayo ako dahil doon, mag-isa lang siya. He was running pero natalisod at nadapa. He's now crying. Lalapitan ko na sana pero may mas nauna sa aking lumapit. Pinatayo ni Zyrone ang bata tapos inaalo naman nung kasama niyang babae na nakita ko sa restaurant. Nang hindi tumigil sa pag-iyak ang bata ay kinarga niya ito. The woman was checking his elbow and knee dahil siguro sa nasugatan ang bata.

Bigla akong nanlamig. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at sa mga anak kong naglalaro. Hindi ganon kalayo ang distansya nila sa isa't isa.

Shit, they're here. He's here.

Nagsimula akong kabahan, hindi maaaring makita niya ang mga anak ko. Dahil isang tingin lang sa kambal ay sigurado akong malalaman niyang anak niya ang mga ito. Mata palang kuhang-kuha na nila sa kanya.

Damn it. Napatingin siya sa gawi ko, maybe because I was staring at them. Nag-iwas agad ako ng tingin pero ramdam ko pa rin ang nga titig niya.

Nagsimula akong bitbitin ang bags ng kambal at lumapit sa kanilang tatlo.

"Beyb, let's go."

"Di pa kami tapos Mommy," sagot niya.

"Beyb. Let's go." Seryoso kong sabi, natatakot ako ngayon palang. Maraming 'paano kung' ang dumadaloy sa isip ko na ang gusto ko nalang sa ngayon ay makalayo sa kanila.

"Oh okay. Ang seryoso mo naman. Okay ka lang ba?" Pagkatapos ay tinawag niya ang mga bata.

Posibleng nakikita niya na kami ngayon. Pero okay lang basta hindi niya makita ang mga anak ko sa malapitan dahil kung mangyari man 'yon, gulo ito.

"Akira, Kyara. Let's go home," tawag ko sa mga bata.

"Pero mama?" Nakasimangot na sabi ng anak ko. Kinuha sa akin ni Beyb ang mga bags nila.

"We'll continue to play sa bahay with your Lolo and Lola okay?" Tumango sila pero nakasimangot pa rin.

"Mama, carry!" Si Kyara na nakataas na ang mga kamay. Kinarga ko naman siya. Pinunasan ko na rin ang kanilang pawis, mabuti nalang at may towel sila sa bag.

"Tito Beyb, ako rin." Akira. Sinunod naman ni Beyb at kinarga siya habang nakasabit sa braso niya ang bags ng dalawa.

Napagod siguro ang mga bata.

"Tara na," sabi ko at nagpatiunang naglakad ng mabilis. Sumabay naman sa akin si Beyb sa paglalakad.

I can still feel that stare sa likod ko. Damn it.

"Why you look so scared?" Tanong ni Beyb.

"H-hindi ah." Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa makarating kami ng kotse.

Pinasok ni Beyb ang dalawa sa backseat at sinuotan ng seatbelt. Doon nalang bumalik ang normal na paghinga ko. Muntik na 'yon. At hindi pa ako handa. Hindi pa ito ang tamang oras.

Pumasok na ako sa loob. At huminga pa ulit ng malalim.

Damn, bakit ba biglang sumusulpot ang dalawang 'yon?


Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now