Chapter 4 - Mga Gastos at Milagro

5 0 0
                                    

Pagkagising ko, hindi ko magalaw ang mga paa at kamay ko. Ang totoo, wala akong nararamdaman. Pero buti na lang, mukhang hindi naman naalog ang utak ko. Hindi rin napuruhan ang leeg ko, naigagalaw ko pa noon.

Pinilit kong maghanap ng orasan o kaya kalendaryo sa kuwarto ko. Ang hirap kapag hindi ko naiaangat ang katawan. Malamig din sa loob ng kuwarto. Nag-iisa rin ako. Ibig sabihin, pinasok ako sa isang mamahaling ospital.

Nag-alala ako. Paano na to? Ang laki siguro ng babayaran namin sa ospital na ito, naisip ko. Sinong mokong ang nagdala sa akin dito? Sana sa public na lang. Kahit paano maliit pa ang gastos. Kung hindi nila ako mailigtas, ok lang, hayaan na nila akong mamatay. Masmaliit ang gastusin kapag libing. Makikita ko pa ang mga boss ko.

Napaisp ako, si Angel Mae pa rin kaya sasalubong sa akin? Ok lang siguro, basta anghel. Wala rin akong pakialam kung habambuhay (o habampatay) akong magtatrabaho sa purgatorial department. Huwag lang taga-impiyerno ang sumundo sa akin sa higanteng putting kuwarto.

Oo nga, hindi naman ako banal, pero hindi naman ako pumapatay ng tao (kahit napagkakamalang mamamatay-tao), o nananakit ng babae (kahit mukhang manyak at napagkakamalang rapist), at hindi naman ako magnanakaw (kahit napagkakamalang snatcher tuwing sumasakay sa jeep). Ginawa ko naman ang lahat para mabuhay nang marangal. Siguro naman, hindi ako karapat-dapat na mapunta sa impiyerno. Kung mamamatay ako ulit, sana anghel ang sumalubong sa akin. Kahit hindi na kasing-cute ni Angel Mae, basta anghel.

Sinilip ko ang mumurahing orasan na nakakabit sa kaliwang dingding. 10:45 pm. Gabi na pala. Kalendaryo naman hinahanap ko nun kaso wala akong makita. Gaano na kaya ako katagal dito sa ospital? Nalaman na kaya nina Nanay at ng mga kapatid ko ang sinapit ko. Ang higit sa lahat, kakayanin kaya naming ang gastusin dito sa ospital?

Bumukas ang pintuan sa dulong pader ng kuwarto kung saan nakaturo ang mga paa ko. Pumasok ang isang nars na hindi ko maaninag ang mukha dahil hindi ko kaya iangat ang katawan ko. Hinintay ko na lang na lumapit siya sa tabi ko.

"Oy Boogie! Buti naman nagising ka na!" sabi ng nars. Teka, pamilyar yung boses niya ah. Parang narinig ko na kung saan. Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko ang mukha ng nars na nakangiti sa akin. Mahabang buhok, matamis na ngiti, mapungay na mata, maputing kutis. Nakita ko na ang bababeng to ah. Si Angel Mae!

"A-Angel Mae! Susunduin mo na ba ko ulit?!" bulalas ko. "Grabe ka ha. Ba't mo ko hinayaang mahulog galling mula dun sa taas. Kinabahan ako dun ah." Naghalo ang tuwa at kaba sa dibdib ko. Mas hiniling ko na lang na kunin niya ko ulit.

"Ano ka ba?! Huwag ka maingay!" tinakpan ni Angel Mae ang bibig ko. "Chine-check lang kita. Pasensya na sa ginawa ko. Kaya nga sabi ko sandali lang yun e," paliwanag niya sa akin. "Kaya corporeal pa ang katawan mo noon at hindi mo kayang lumutang, buhay ka pa kasi. Kailangang ibalik kita kaagad sa lupa bago pa may makakita sa'yo." Tinanggal ni Angel Mae ang kamay niya sa bibig ko at nilapag sa isa kong braso. Gaya nang inasahan, hindi ko maramdaman ang dampi niya.

"Normally, patutulugin dapat kita tapos tatawag ako ng mga tagahatid. Pero yun na ang pinakamabilis na paraan e, yung ihulog ka galing sa langit. May nagkamali talaga nung araw na yun, sinundo ka kahit hindi ka pa patay." Dinig na dinig ko ang gigil sa boses niya. Kung may pakiramdam sana ang braso ko, baka napasigaw na ko sa sakit sa sobrang higpit ng kapit ng kamay niya sa braso ko.

"Gaano na ba katagal mula nung nagising ako? Anong petsa na ba ngayon?" tanong ko.

"Isang buwan ka nang tulog," sagot ni Angel Mae. "Lasog-lasog ang katawan mo kaya dito kita pinadala sa Medical City. Kapag sa public hospital kita nilagay, baka susunduin na naman kita sa departure area ng kabilang buhay. Tinatamad na kong manundo nung araw na yun no? Na-stress na ko kay Lance."

The ProxyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon