Dollhouse 009

Magsimula sa umpisa
                                    

"Please say something..." I murmured, my face is starting to pale.

My eyes are shaking.

Gunner opened his mouth and I'm pretty sure he said a word.

Pero tangina, hindi ko na siya naririnig. Maski ako ay hindi ko na marinig ang sarili ko. Alam kong nasigaw ako kanina pero wala akong marinig na kahit anong tunog. What happened? Anong ginawa nila sa'kin? Bakit ganito?

Bakit ako naging bingi?

Pinapakalma ako ni Gunner pero hindi nagana kasi hindi ko naman marinig pinagsasabi niya.Mas lalo akong naiyak kasi inaamo niya 'ko.

"Gunner, hindi kita marinig. S-Sorry." bulong ko saka umiyak.

Natigilan siya bigla.

Nabasa ko ang labi ni Gunner.

"Ano?" daw.

Tinuro ko ang aking tenga saka umiling nang dahan-dahan sa kanya. Nagbagsakan ang luha ko. "Gunner, hindi na kita naririnig. Wala na kong marinig na kahit ano." sabi ko sa kanya.

Bumukas ang labi ni Gunner. Malutong na mura ata ang sunod niyang sinabi. Mas lalo akong naiyak nang niyakap niya ko bigla.

"Gunner, ayokong mamatay." sabi ko sa kanya.

Umiling siya tapos may sinasabi siya ulit kaso hindi ko nga siya maintindihan. Nang-aasar ba to? Gunner naman eh.

"Si Alpha..." bigla kong sabi.

Sandali akong inilayo ni Gunner at tinignan niya ko.

"They did something to Alpha, too. 'Yon ang huli kong narinig nung nagising kami ni Alpha sa isang kwarto. Puro sigaw niya ang narinig ko. I think they tortured him."

If Gunner is my bestfriend, then Alpha is like my brother.

Madalas kami nagtatalo nun pero alam kong alam niya na mahal ko siya bilang kaibigan. He was a Kuya to everyone. Pinakasupportive gaya ni Dorothy. Siya 'yong nagpupumilit sa'kin na itigil ang pag-inom at paninigarilyo.

Sana walang masamang nangyari sa kanya.

Nagsasalita na naman si Gunner. Kinakausap niya 'ko. Frustrated akong napahawak ng sentodo.  Tangina, Gunner. Tangina talaga.

Napakamot siya ng ulo nang maalala niyang hindi ko siya naririnig. He mouthed "sorry".

Its not his fault, why is he saying sorry? Nakonsensya naman ako at baka feeling niya ay sa kanya ko ibinubuntong galit ko.

Hinawi ni Gunner ang buhok sa mukha ko at sinilip ang aking tenga. Eww. Awkward. May pinahid siya at pinakita sa'kin. Dugo. Nagdudugo pala tenga ko?

"Sa'kin 'yan?" tanong ko.

Sumama timpla ng mukha niya.

"Hindi. Akin. Akin." he mouthed.

Para kaming tanga. Mamamatay na kami't lahat-lahat, gaguhan parin.

Aish! Bakit ba kami ganito?!!

Napabugtong hininga ako. Tinuro niya sa'kin ang nagiisang mesa sa kwartong to na nasa gitna mismo. Lumapit kami dun parehas.

Sa gitna ng mesa ay ang mga individual na litrato naming Decagon. So bale may sampung litrato. Tapos merong isang wooden box din na nakasarado. Akmang bubuksan ni Gunner ang wooden box nang pinigilan ko agad siya.

"Baka may bomba.." sabi ko.

Umiling siya.

Umiling din ako.

Hala. Sige. Mag-ilingan tayong dalawa.

Pinaatras niya 'ko. Parang sinasabi niya na lumayo ako kasi bubuksan niya ang box. Sira ba to? Edi siya lang napahamak? Tapos makokonsensya ako ulit??

Tss.

Hindi ako lumayo.

Ang ginawa ko, kinuha ko ang kahon mula sa kanya at binuksan ko agad. Mukhang nagulat si Gunner, tinampal niya tuloy ang kamay ko.

"Pasaway." he slowly mouthed to me.

Inirapan ko lang siya.

Anyway, nabuksan nga ang box. Sa loob ng box ay mga.... polaroid pictures?

May sampung litrato ulit.

Isa-isa ko 'yon inusisa....
  
 

. . . . . THE TEN POLAROID PICTURES . . . . .
 

 
 
1. Picture ng isang viral video na kumalat lately sa Lancaster.

2. Picture ng isang babaeng hindi ko kilala.

3. Picture ng isang X-Ray result. Bungo, specifically. May kasama ding CT Scan result. The hell?

4. Picture ng isang Prof.

5. Picture ng isang sunog na bahay.

6. Picture ng isang camera.

7. Picture ng dalawang tao natakbo. Likod lang ang kita.

8. Picture ng isang babaeng nakatayo sa labas ng classroom. Sobrang zoom out ng pic.

9. Picture ng mga lalaki na hindi ko din kilala. May inaakbayan silang babaeng binura ang mukha. 'Yong babae may suot na uniform gaya ko. Sino to?

10.  Isang blangko na picture. Wala lang. Puti lang. Hindi nadevelop ng ayos? Kulang sa ink?

. . . . . . . . .

Nagkatinginan kami ni Gunner.

Parehas nagtataka ang aming mata.

Inilatag niya ang sampung litrato mula sa box sa mesa. Sunod niyang inilatag ang sampung litrato naming decagon.

Napalunok ako.

Connect the pictures? Bawat polaroid pictures ay dedicated sa isang miyembro ng decagon? Ganoon ba?

If that's the case, then which one of these pictures is for Gunner? One of the ten polaroid pictures surely belongs to him. Because I'm pretty sure I know which polaroid is mine.
    
 
  
TO BE CONTINUED

Til next update. Probably this Friday na.
Lab ko kayooooo ♡ Happy rainy Wednesday!

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon