Damn. Nag-aaway away na lahat.

"That's too vague, Hera. Anong pakielam namin kay Peter? Bakit tayo nandito at bakit tayo ang kinuha? 'Yon ang gusto namin malaman!" inis na inis na si Gunner. "Ang problema kasi sa inyo, sinosolo niyo lang ang alam niyo-----"

"Because someone in this room is a fucking murderer!" pagputol ni Hera kay Gunner.

...... Oh.

Natigilan si Gunner.

Natigilan lahat.

Maski si Dorothy ay tumigil ng iyak.

"Someone in this room fucking killed someone and all of us will slowly pay for it unless that killer confessed his sin. Are you now happy, Gunner? Are you fucking happy that one of your friend is a goddamn killer?!" Inis na inis na tanong ni Hera.

Someone in this room is a killer.

If that's the case, then why is everybody silent?

Bakit lahat ay biglang tumahimik at hindi maka-imik?

Ano-ano ba ang sikreto ng mga kaibigan ko?

Pasimpleng nagtitinginan ang lahat.

Everyone is now a suspect.

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- ilan ba killer?

- feeling ko killer si alpha kasi bigla siyang nawala boiiiii

- malay niyo si flame. nagpanggap lang na nawala o.o

- ako feeling ko si dorothy kasi ung mababait ung madalas suspect eh. sila ung pinakasuspiscious hehe

- bakit feel ko si echo? may anger issues siya eh :<

- guys si peter tlga ang killer HAHAHAHAHAHA

- baka naman si hera tlga tapos inuuto niya lang ang mga friends niya

- what if.... what if wala talaga killer tapos magpapatayan sila sa loob kaya magkakaroon na ng legit killer sa kanila? ( •᷄⌓•᷅ )

- ooooooooh plot twist

- may something sa screen nila lookkkkk!!!!

▬▬▬▬▬▬▬

Biglang may nabuong words sa screen.

Kabado naming inabangan.
  
 

✦ ◉ •
── ♡├o PETER:
Good evening, dolls.

The world is watching.
They will control your life.
Prove them your innocence,
and they will save you.
Help them identify the killer,
and they eliminate them for you.
. . . . . . . .


Napasinghap kaming lahat.

The world is watching?

Ano ibig niya sabihin?

Someone, aside from him, is watching us?

Binasa ko ulit ang nakasulat. It seems like our fate in this house will be controlled by those people that watches us right now. Pero sino sila? Sino ang nanonood sa'min ngayon?

Tumunog na naman ang alarm na sobrang tinis.

Nagbago ulit ang nakasulat sa screen.

✦ ◉ •
── ♡├o PETER:
Time to sleep, dolls.
See you next morning.
. . . . . . . . . . .

Pagkatapos namin mabasa iyon ay biglang napuno ang kwarto ng pula na usok. Sobrang kapal ng usok. What the hell is this? There's no door or any window here. There's fucking no way out!

"They will make us sleep again. Huwag kayo hihinga!" sabi ni Gunner.

Mabilis kumuha ng makapal na kumot mula sa kama si Hera at ibinalot sa sarili niya. Ugh. Her mind. She's so freaking genius!

Ginaya namin siya.

Nagtago ako sa ilalim ng makapal na kumot. Sinigurado kong walang makakapasok na usok kahit sobrang kapal na. Habang nagtatago ako ay narinig kong sumigaw si Babe, sunod si Echo at Claude. What's happening?

Gusto ko sumilip kaso malalanghap ko ng usok.

Abala ako sa pagtatago nang may humila sa kumot ko. Agad akong napasigaw sa gulat!

There, I saw someone, wearing a giant creepy gas mask holding a huge syringe.

Shit.

Palapit siya nang palapit sa'kin. Nalaglag ako sa bed sa takot. Nasisinghot ko na din ang usok nang paunti-unti.

Nakakahilo.

"H-huwag ka lalapit...." sabi ko habang nauubo.

Ituturok na sana niya sa'kin 'ang hawak niyang syringe nang may humila sa kanya bigla.

Si Ichiro!

Takip takip niya ang kanyang ilong gamit ang isang kamay. Malakas siyang sinipa ng lalaking naka gas mask at tuluyan niya na din nasinghap ang usok gaya ko. Malakas napaubo si Ichiro. Nakonsensya ako. Damn. Sorry, Ichiro.

Everything started to get hazy in our eyes.

Maski ako ay bumabagsak na ang mata.

"Do you know who's the sinner?" tanong ng lalaking nakagasmask saka umupo sa harap ko.

I can't recognize his voice!

"I will give you my mask if you can name one." he added.

Shit.

Nahihilo man ay umiling ako sa kanya.

The guy laughed hysterically.

"Too bad. You had the chance to escape, Java. You just need to name one killer in this group."

The guy stopped laughing.

"Do you want to be like Dorothy?" he asked.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Dorothy knows everything. But she decided to keep her mouth shut about your sins because you are her friends. She decided to keep the darkest secrets with her even she can give the victims the justice they deserve. Dorothy is selfish. Dorothy is unfair. Dorothy will never say a word. So I did her a little favor---- I cut her tongue and shut her mouth forever."

'Yon ang huli kong narinig bago ako tuluyan nawalan ng malay.

I think what Alpha said was real.

We're all gonna die here.
  
 
TO BE CONTINUED.
 
sheena's note:
Dollhouse is definitely not a love story.
I should have put that as a warning lol.
so please brace yourselves kasi hehehe :>
Char! surprise update to hahaha :D
Im checking comments at nakikita ko ang
mga theories ng iba sa inyo. May ibang
muntik tumama, may iba ding mali hehe.
Keep guessingggggg (~ ̆▾ ̆)~

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now