26~The Most Awaited Revelations~

Start from the beginning
                                    

"Definitely....." mabilis na sagot ng ama. Naguguluhan naman ako sa sinasabi nito pero unti-unti ng nag-sink in sa utak ko ang kanina pa nais sabihin nina Mommy at Daddy 

"You mean...ikaw si Mr. William Steve?" nanlalaki ang mga mata kong tanong sa katabi kong matanda.

"Nakuha mo rin..."sabi nito at ngumisi pa. Laglag panga naman ako ng kumpirmahin nito ang hinala na naglalaro sa utak ko. Parang kidlat sa bilis magflashback ang ginawa ko dito na pang-aasar at pagbatok batok kanina. Ohmy I'm dead!

"Bibig mo iha! Pasukan ng langaw!" sabi ng matanda at tiningnan ako ng ano-ka-ngayon-look. Napalunok naman ako. Habang si Kristan ay parang walang paki-alam sa paligid at kumakain lang. Langya naman napakauseful naman ng boyfriend ko. Kinalabit ko siya at binigyan ko siya ng tulungan-mo-ako-look. Pero ang loko wala manlang ginawa at binaling ulit ang pansin sa pagkain. Just great.

"Ah eh..Mr. William Steve..hehe..ano ka ba naman bakit hindi mo naman sinabi agad na ikaw pala yan...hehe..pasensya ka na Mr. Steve ha...hehe", hindi ko naman mahagilap ng dila ko para makapagbigay ng mas magandang eksplanasyon sa behavior ko.

"Kami rin Mr. Steve, humihingi kami ng tawad sa naging behavior ng anak namin. Wala lang siya sa matinong pag-iisip.."singit naman ni Mommy kaya pinandilatan ko ito at pinandilatan naman niya ako pabalik. Grrrrrr...bwiset....

"Hahahaha..it's okay...alam ko namang mabait na bata itong si Megan..haha...wag niyo na iyong isipin.."masayang sabi naman ni Mr. William Steve.

"Oo nga naman TAN- este Mr. William Steeve pala..hehe...nilibre pa nga kita ng buko juice at bida di ba? Akalain mo iyon? Mayaman ka naman pala pero mukha kang palaboy laboy ng araw na iyon...hehe" sabi ko dito.

"Hahaha...talagang ganoon iha kapag sinusumpong ako..."balik sagot naman namin. Nagtataka namang ang mga kasama nila sa pinag-uusapan namin.

"ahh kasi ganito yan Daddy, ng minsang napunta ako sa Manila Bay ay mayroon akong nakilala na matandang lalaki at nagka-usap kami at nilibre ko pa eh hindi ko naman alam na siya pala si Mr. William Steve", pagkukwento ko.

"Ahhhhh" napa-ahh naman sila matapos kong magkwento. Nakita ko ring tumango-tango lang din si Kristan.

"Ahm anyway Mr. Steve, how do you find my proposal? Have you considered it already?" pang-aagaw naman ni Mr. Sy sa atensyon ni Mr. steve.

"Hmmm...yeah about that. That is the reason why I decided to come over here in the Philippines", pagsisimula naman ng matanda.

Nahigit naman namin ang hininga naamin habang naghihintay sa susunod na sasabihin nito. Sana pumayag ito...Napatingin naman ako kay Kristan ng hawakan nito ang kamay ko at binigyan ako ng everything-will-be-alright-look. Ngumiti naman ako bilang sagot.

"Hmmmm..can you see it for yourself Miguel...I wanna know your idea about it..."sabi nito at tinulak ang folder palapit kay Kristan..ehhhh? bakit nasali naman itong forever love ko? Anong alam niya jan..eh puro baril lang ang alam nito eh...

"Are you sure about that Mr. Steve? Baka naman walang ka-ide idea dito si-" 

"I am very sure Mrs. Sy", mabilis namang pinutol ni Mr. Steve ang sinasabi ni Mommy. Napapahiya namang ngumiti nalang si Mommy.

Kinuha naman ni Kristan ang binibigay na folder ni Mr. Steve at mabilis na binuklat ito. Napataas naman ng kilay si Mrs. Sy habang tinitingnan lang ang binata.

"Hmmmm, I can't see anything wrong with this proposal ...I want this to be approved immediately and start the project as soon as possible", sagot ni Kristan at kinuha ang ballpen at saka nilagdaan ito.

Napa what-are-you-crazy-look naman kaming lahat sa kanya.  Pero nagkibit balikat lang ito.

"Haha...I am vey sorry Mr. Steve. Joke lang po iyon ni Kristan...Pasaway kasi itong boyfriend ko...haha..feelingero talaga siya minsan", natatawa ko pag sabi dito kay Mr. Steve.

"What?!.....I am serious babe...."nanlalaki naman ang mga mata ni Kristan matapos marinig ang aking sinabi.

"Haha...I am sorry Mr. Steve...pasensya na kayo sa dalawang bata na ito. Siguro bagay nga talaga sila..dahil malapit na silang mabaliw pareho..." dagdag naman ni Mrs. Sy na halos mabaliw narin dahil sa ginagawa ng dalawa.

"Pfffftttt...hahahahaha". nagtataka naman kaming tumingin kay Mr. Steve matapos itong tumawa ng malakas.

"What is so funny?" irita namang tanong ni Kristan kay Mr. Steve.

"I have to agree with you Mrs. Sy...Bagay nga talaga sila......I like your choice this time Miguel" baling nito kay Kristan.

"Tch" sinungitan lang ito ni Kristan.

"S,o what is your final decesion Mr. Steve?" kinakabahan namang tanong ni Mr. Sy.

"Hmmm...diba tapos na?" nagtataka namang tanong ni Mr. Steve

"Hindi pa ho Mr. Steve....Kasi pinermahan ni Kristan kanina yung-"

"That's it, my son has already signed it. So it means, it has already approved."

"What?! " sabay sabay naming tanong nina Mommy.

"Hoy TANDA, anong son son ka diyan...linoloko mo ba kami? eh wala ka namang anak na dumating dito ah. Si Kristan ang ang-"napatigil ako sa pagsasalita ng mapagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari.

"Yes, you are right iha. He is my son. Kristan Miguel Villareal Steve is my ony son", balewalang sagot nito.

Laglag panga naman kaming lahat. Kulang nalang ay mahulog ang mga eyeballs namin sa baba at magpagulong gulong.

"Tch" 

~

Ayayay......:)

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now