26~The Most Awaited Revelations~

Start from the beginning
                                    

" Pagkain..hmmmm..That sounds great..Kanina pa ako nagugutom."sabi naman nito at nagpahila naman sa akin.

"Tch...hey don't leave me here. hey old man..She's my date...."reklamo naman ni Kristan sa dalawa at sumunod nalang sa kanila. Habang nganga parin ang dalawang mag-asawa.

Kumuha na ako ng tig-iisa kaming plato ni TANDA pati rin si Kristan. Pinuno ko ng maraming pagkain ang plato ni TANDA dahil alam kong patay gutom ito eh. Haha.

"Ahh iha..I think this is enough.."pagrereklamo naman ni TANDA sa gabundok na pagkain sa plato nito.

"Ano ka ba TANDA..Wag kanang magreklamo jan. Alam ko namang patay gutom ka eh kaya dinamihan ko na", sabi ko dito at hindi mankadaugaga sa paglalagay ng iba't ibang putahe sa plato nito hanggang sa wala na talagang space.

"Pfffftttttt" pigil pigil naman ni Kristan ang tawa nito sa ginagawa ng nobya.

"Ikaw babe....gusto mo tulungan na kita sa pagkuha ng pagkain?" tanong ko naman sa nobyo.

"Nahh...I'm perfetly fine babe..."mabilis naman itong tumanggi

"Tchh ang daya..."narinig ko namang bulong ng MATANDA.

Pagkatapos ng 12345678910years..natapos narin kami sa pagkuha ng pagkain. Dumeretso na kami sa mesa kung saan naroroon na sina Mommy at Daddy. Agaw pansin naman ang pagkaing hawak namin ni TANDA pero pareho lang naming binalewala ang tingin ng mga tao. Duh eh sa gutom kami pareho eh. Pinaghila naman ako ng upuan ni Kristan. Matamis ko siyang nginitian at saka umupo na. Umupo naman ang nobyo sa right side niya habang sa left naman si TANDA.

 "Allijah Megan SY! What have you done...I am very sorry Mr Steve for my daughter's behavior..."hinging paumanhin ni Mommy habang nakatingin ito kay TANDA?!

"Eeh? Steve rin ang pilyedo mo TANDA?!" nagtatakang tanong ko dito.

"Ahuh..."balewala nitong sagot at nagsimula na kaming kumain.

"Alam mo TANDA kapilyedo mo yung bisita nina Mommy na mayamang negosyante. Steve din siya eh. Ewan ko nga ba roon, ang tagal tagal niya. Pa-importante pa", napanguso ko pang sabi dito habang kumakain.

"Ohmygosh...honey....kanino ba nagmana iyang anak mo...Paki-untog nga ang ulo ng matauhan..."gigil na sabi ni Mommy.

"Why Mommy?"naguguluhan ko namang tanong dito.

"Kanina pa dumating ang importante nating bisita anak....",mahinahon namang sagot ni Gabriel sa anak.

"Really Dad?! Asan siya? Ano ang itsura niya? I bet matandang uugod ugod na siya...." excited na sabi ko sa kanila.

"huk huk huk...."nabilaukan naman si TANDA  na nasa tabi ko lang at tahimik na kumakain.

"Ano ka ba TANDA dahan dahan lang kasi sa pagkain. Huwag kang mag-alala madami pang food. Huwag ka ngang masyado obvious diyan na patay gutom ka ..."pagalit ko dito habang hinahaplos haplos ang likod nito. 

"Pffffffttttttt" natatawa naman si Kristan sa tabi ko.

" Gabriel, pigilan mo ang bunganga ng anak mo baka siya pa ang dahilan para hindi matuloy ang proyekto mo!" histerikal nama ni Mommy.

"Anak, kanina mo pa nakita si Mr. William Steve, nakausap mo na rin siya actually...." sabi ni Daddy

"Really Dad, eh wala naman akong napansing uugod ugod na matanda dito eh", kunot noo ko pang tanong.

"Tingin ka sa left side mo anak...." Tumingin naman ako sa left.

"Ehh? eh si TANDA naman ang nakikita ko Daddy eh...."

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now