Chapter Thirty Six

Magsimula sa umpisa
                                    

"Heena." Narinig ang boses niya kaya kahit naiilang ako, nag-angat ako ng tingin sa kanya at nasalubong ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"I'm sorry for the last time, I didn't mean it." Seryoso niyang sabi sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Wala 'yon, ano ka ba." Sabi ko at tsaka ko siya ningitian.

"Sorry if I haven't contact your for days, I was busy with the conference and I came straight here, just to see you."Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niyang 'yon. Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran pero bigla akong napatigil ng magsalita siya mula sa likuran ko.

"I miss you, Heena." Seryoso niyang sabi. Bigla akong napapikit at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.  

I miss you too. Gusto kong isagot pero wala akong lakas para sabihin iyon sa kanya. Wala akong lakas dahil siya ang nagsisilbing lakas ko. Marahan kong pinahid ang luhang bumagsak sa pisngi ko at tsaka ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.

Alam kong isang araw, gigising na lang ako na wala ng sakit dito sa puso ko ng dahil sa taong mahal ko.

TINITITIGAN ko si Axcel na ngayon ay kumakain sa harapan ko. Tulog na ang lahat ng tao sa loob ng bahay kaya kaming dalawa na lang ngayon ang gising pa. Ipinagluto ko rin siya ng makakain niya.

"K—Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kaya na walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa. Ayoko ng ganitong pakiramdam, ayoko ng pakiramdam na malayo siya sa akin.

"Bakit mo siya kasama, Heena?" Nagulat ako sa isinagot niya sa akin. I swallowed hard.

"H—He invited me to go with him in the mall." Sagot ko sa kanya.

"At inabot kayo ng ganitong oras?" Seryoso pa rin n'yang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya.

"Axcel, nagseselos ka ba?" Diretsa kong tanong sa kanya. Tinignan naman niya ako ng diretso sa mata.

"Paano kung sabihin ko sa'yong, oo? Titigilan mo na ba ang pakikipagkita sa gagong 'yon?" Seryoso at mariin niyang sabi. Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niya. Bakit gugustuhin niyang tigilan kong makipagkita kay Nicollo?

"T—Tapusin mo na lang 'yang pagkain mo para makapagpahinga ka na." Sabi ko na lang sa kanya at tsaka ako nagmamadaling umalis doon.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at tsaka nahiga. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa isinagot niya sa akin kanina. Gusto kong malaman kung nagseselos nga ba siya kay Nicollo.

Para ano? Para kung sakaling sabihin n'yang oo, umasa lang ako? Sabi ng kabilang bahagi ng isip ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit kong matulog pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Lumipas ang ilang minuto at narinig ko ng bumukas at sumara ang pinto ng kwarto ko at wala pang ilang saglit ay naramdaman ko na ang paghiga niya sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kanya at hindi ko kayang humarap sa kanya.

"Heena." Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ako sumagot, pinakiramdaman ko lang siya.

"I have to tell you something." Rinig kong bulong niya. Hindi ko napigilan ang hindi mapaharap sa kanya. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Tila ba mayroon akong dapat paghandaan sa mga sasabihin niya at sa mga mangyayari sa paligid ko.

"W—What is it?" Nauutal kong tanong sa kanya. I heard him sighed, a deep one. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng kwarto ko pero agad din iyong nabasag ng muli siyang magsalita.

"Nothing, just don't mind it." Sagot naman niya sa akin at bigla siyang humarap sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hinga sa mukha ko and I suddenly get conscious. I felt his arms snaked around my waist and I suddenly felt the electricity from him. Damn, sparks.

"I'm jealous." He whispered to my ear. I felt my heart beats faster. Bakit ganito na lang epekto niya sa akin? Sa tuwing malapit siya sa akin ay nagwawala ang sistema ko. I hate this feeling.

"W—Why?" Tanong ko. Damn you, Axcel. Please, stop giving me false hopes! Lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo.

"I don't know." Kaswal niyang sagot at tsaka siya pumikit at mahigpit akong niyakap.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang mukha n'ya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ito na ang huling pagkakataon na matititigan ko siya ng ganito. His action doesn't define his words. Iba ang ipinaparamdam niya sa akin at iba rin ang mga sinasabi niya. Hindi ko siya mabasa at hindi ko alam kung ano ba ang tunay niyang nararamdaman.

If I could easily say those three words to him, I will tell him right now. Pero iba na ngayon, may Thalia na at ayokong magulo ang isip niya. Ayokong mahalin niya rin ako dahil sa sinabi kong mahal ko rin siya. Ayokong magkaroon ng dahilan para mahilin niya ako pabalik, gusto kong mamahalin niya ako dahil iyon talaga ang nararamdaman niya. Pero hindi na dapat ako umasa, alam kong sa huli masasaktan at masasaktan din ako at alam ko sa sarili ko na malapit ng dumating ang araw na 'yon. At kung sakali mang dumating na ang araw na 'yon, sana handa ako. Handa akong tanggapin ang sakit na dulot noon.

Marahan kong hinaplos ang mukha ni Axcel at tila ba kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha niya.

"If I could just tell you how much you mean to me, Axcel Vinn Montemayor." I said then I closed my eyes and kissed him.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon