Chapter Thirty Five

Start from the beginning
                                    

Saglit na binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan niya. Wala ang isa sa amin ang nagsasalita pero agad din niyang binasag ang katahimakan sa paligid namin.

"Who is that asshole last time, Heena?" He suddenly asked. Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tanong niyang iyon.

"W—Why do you care?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"I've heard he's your fiancé? Harap-harapan kang niloloko?" Saad niya at tsaka siya ngumisi. Kinabahan naman ako sa sinabi niya at wala akong maisip na maisagot sa kanya.

"H—He is not—" Magsasalita pa sana ako ng putulin niya iyon.

"Don't fool me, sweety. I am not that fool not to understand my surroundings. You love him, right?" Dirediretso niyang sabi sa akin. Natigilan ako at napayuko sa sinabi niya. Should I deny it? Should I tell him the truth?

"Don't answer me, alam ko naman na ang sagot. Pero wala pa rin akong pakielam kung mahal mo siya o hindi. Tang ina pala niya 'no? You are almost perfect yet he has the guts to look at the other girls? Damn. If I were him, I won't wait to marry your right after we graduate, I'll marry you right now, right then. As long as I want, no one will block my way." Prente niyang sabi habang may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.

I just hope, Axcel could be that noble like him.

"Well, he should be ready because I'll steal you from him. Wait, hindi na pala kailangan dahil kapag sinabi kong akin ka na, akin ka na. Naiintindihan mo ba 'yon, sweety?" Seryoso at mariin niyang sabi. Hindi ko naman napigilan ang matawa sa mga pinagsasabi niya.

"Para ka kamong sira, Nicollo. Lately mo lang ako na-meet pero kumpiyansa ka ng agawin ako sa kanya." Natatawa kong sabi sa kanya. Bigla namang nagsalubong iyong makakapal niyang mga kilay.

"Bakit? Bawal ba? Tsaka mas pogi at mas matalino pa ako sa gagong 'yon." Saad niya na mas lalong nagpatawa sa akin.

Nalaman kong fifth year na pala siya at sa kursong Civil Engineering. His uncle is the owner of our University kaya sir ang tawag sa kanya ng mga tao roon. He don't want to be a business man dahil mas gusto raw niyang maging isang tanyag na Engineer at suportado naman siya ng mga magulang niya roon kaya walang problema. Mayroon pa naman daw siyang tatlong kapatid na pwedeng mamahala ng business nila.

"Damn, why do you need to be look so beautiful and sexy in my eyes?" He suddenly said when I got off to his car. I suddenly felt my cheeks burned.

"B—Baliw." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya. Narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa. He's wearing a black Rayban shades and I admit, he really looks good.

"Let's go." Sabi niya lang at tsaka mahigpit na umakbay sa akin. Naramdaman ko naman ang pagwawala ng sistema ko sa pag-akbay niyang iyon. Nakita ko ang ilang pares ng mga mata ang napapalingon at napapatingin sa amin. Marahil ay sadyang nakakasilaw ang kagwapuhan ng lalaking kasama ko ngayon. Aaminin ko, mas g'wapo siya kung ikukumpara kay Axcel. Mas matangkad din siya at may mas dating pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman sa kanya ang nararamdaman ko para kay Axcel. Iba siya sa paningin ko, ibang-iba.

"Kumain muna tayo, nagutom ako sa kakahintay sa'yo kanina." Sabi niya at tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Napatingin lang ako sa kamay ko na hawak-hawak niya. Hindi ko maiwasang hindi maikumpara si Axcel sa kanya. Kapag kasi si Axcel ang may hawak ng kamay ko, iba ang epekto sa akin. Ibang-iba na tipong ayoko nang bitiwan pa niya ang kamay ko. I sighed, I shouldn't think of it. I need to forget him, but I always wonder, how?

"May tinitinda kaya sila ditong isaw? Parang gusto kong kumain ng isaw." Sabi niya habang nakatingin sa mga menu. Napakunot naman ang noo ko at biglang natawa.

"Mahilig ka sa isaw?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo, mahilig ako sa isaw, dugo, at paa ng manok." Sabi niya sa akin.

"Ako rin, mahilig ako sa mga ganoong pagkain." Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin.

"Talaga?" May ngiting sabi niya. Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagtango.

"Di soulmate pala tayo? Sabi ko sayo eh, ako na lang pakasalan mo. Makakarami agad tayo kung papakasalan mo ako agad." May ngising sabi niya. Napasimangot naman ako sa sinabi niya at agad na hinampas siya.

"Ewan ko sa'yo." Nakasimangot kong sagot sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya nang hindi siya magsalita. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang iwasan ang titig niya. Tila ba napako ang mga mata ko sa mga mata niya.

"Shit." Mahina niyang sabi at tsaka ako tinalikuran.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now