Chapter Thirty Five

Magsimula sa umpisa
                                    

"At sino nagsabi sa'yong pumapayag ako sa date mong 'yan?!" Mataray ko pa ring sabi sa kanya. I even crossed my arms around my chest.

"Ako lang." Sabi niya sabay upong muli sa sofa namin. Mahina kong pinasalamatan ang sarili ko dahil tulog si Dad. Kung hindi, kanina pa n'ya nasapak itong gagong nasa harapan ko ngayon.

"Pwede ba?! Umalis ka rito! Hindi nga kita kilala tapos sasama pa ako sa'yo? At alam mo bang pwede kitang kasuhan ng trespassing?!" Iritable kong sabi sa kanya.

"Di kasuhan mo, pakielam ko roon." Kaswal at prente niyang sagot sa akin. Naningkit naman bigla ang mga mata ko sa kanya. Bakit ba ang taas masyado nang tingin ng lalaking 'to sa sarili n'ya? I calmed myself. Ayokong manakit sa sarili kong pamamahay dahil hindi ko naman ugali iyon.

"Get out." Maawtoridad kong sabi sa kanya.

"Magbihis ka na, mag-dedate tayo." Sagot naman niya sa akin. Mariin akong napapikit at pilit na kinakalma ang sarili ko. Ilang ulit akong huminga nang malalim.

"Hindi ka aalis—" Magsasalita pa sana ako ng bigla niya iyong putulin.

"Just date me." Seryoso at kalmado niyang sabi habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Bigla ay naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.

"Please, date me." Dagdag pa niya. Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Tila ba mayroon siyang malaking epekto sa sistema ko.

"N—Nicollo, we can't date. I have already—" Bigla akong natigilan at lihim kong minura ang sarili ko. What now? Am I going to tell him that Axcel is already my fiancé? When the fact that he saw the three of us together? I smiled bitterly.

"After ba nito, titigilan mo na ako?" Kalmado kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mukha n'ya.

"I'll try." Nakangising sabi niya sa akin. Muli akong huminga nang malalim at mariing pumikit.

"Thirty minutes." Saad ko sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran upang umakyat sa kwarto. Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Ayokong maabutan ni Daddy si Nicollo kaya binilisan ko lahat ng kilos ko. Wala pang thirty minutes ay natapos na ako at nagmadaling bumaba pero halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Daddy na kausap si Nicollo at nagtatawanan pa sila!

"Oh hija, andyan ka na pala. Kanina mo pa raw pinaghihintay si Nicollo, mga apat na oras na raw." Sabi ni Daddy. Nanlalaki naman ang mga mata ko na napatingin kay Nicollo. I glared at him but he just smirked. Lumapit naman ako kay Daddy at agad na humalik sa pisngi niya.

"Hindi mo sinabi sa aking kilala mo na pala itong batang 'to." Sabi ni Daddy sa akin na ang tinutukoy ay si Nicollo.

"Kilala mo siya Dad?" Kunot noong tanong ko.

"Uh-uh, he is the first son of my special friend. Mr. Madrigal Lorenzo. I've heard he already met you?" Tanong sa akin ni Dad. Napaisip naman ako bigla at agad kong naalala iyong matandang lalaki na nakausap ko sa birthday ni Axcel.

"I—I think, Dad. I just didn't remember but I think I've already met him." Sagot ko naman kay Daddy.

"O siya sige na, umalis na kayo at pinaghintay mo pa itong batang 'to ng ilang oras." Sabi ni Daddy. Nagpaalam lang ako saglit kay Daddy at tsaka kami umalis ng bahay.

Agad kong hinampas ang braso niya pagkasakay namin sa Lamborghini niya. "Bakit mo sinabing pinaghintay kita ng apat na oras?! At bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala ang Daddy ko?!" Iritable kong tanong sa kanya.

"Nagtanong ka ba? Di sana kung nagtanong ka sasagutin ko." Kaswal niyang sagot sa akin. Nag-init naman lalo ang ulo ko pero hindi ko na siya pinatulan pa. Alam ko ang mga hilatsa ng bituka niya at alam kong maasar at maasar lang ako sa kanya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon