XOXO. Halloween Special

Start from the beginning
                                    

Nagpaalam na ako kay mars dahil kikidnapin na naman ako ni George, hala. Baka magalit si Domeng dahil hindi ako nagpaalam sa kanya.

"Text mo naman si Domeng, please." pang-aamo ko kay George at ngumiti naman s'ya.

"Natext ko na, Nica." nakangiting sabi n'ya.

Hilig naming maglakad sa buong village dahil nakagawian na namin na maglakad ni George. S'ya lang kasi ang masarap na kasama kapag naglalakad, madaldal e. Kapag hapon sa kanya ako sumasabay, pero pag sa umaga, kay Domeng dahil madalas s'yang magpapawis.

"Bakit ang daming kalabasa?" tanong ko noong makita ko ang hardin ng mga kapitbahay na puro kalabasa, "Bet ko silang ipakbet!" napapalakpak pa ako.

Tiningnan naman ako ni Georgy at bigla s'yang natawa, "Para sa halloween 'yan, cute mo talaga." sambit n'ya.

"Ay ganon?" sagot ko. Pero sa loob loob ko ay hindi ko alam ang halloween. Nakakahiya naman kung sabihan n'ya ako ng walang alam.

Hash tag, pretending.

"Infairness George ah, glow in the dark ang mga kalabasa nila. Super sarap siguro n'yan, limited edition?" tanong ko.

"Sira, di naman nakakain ang mga 'yan. Nakaugalian na 'yan dito sa village na maglagay ng props para sa halloween. Yearly kasi nagkakaroon ng trick or treat." mas lalo akong nacurios kung ano ba ang punyemas na halloweeen na 'yan.

Nakapagmura tuloy ako ng wala sa oras, mapapagalitan na naman ako ni Domeng nito e. Pero bayaan na lang, may puyat problems ata si Domeng. Di n'ya ako narinig, sorry na lang s'ya. Natawa tuloy ako ng wala sa oras.

"Kailangan ba may oras ang pagtawa?" tanong sa akin ni George.

"Hah?" di ko maintindihan na tanong.

"Ngayon ang iniisip mo ay kung paano mo sasabihin kay kuya na nagmura ka? At kung paano mo kukuhanin ang mga kalabasa?" napatakip ako sa bibig ko sa mga sinasabi ni Georgy.

"Nababasa mo isip ko?" tanong ko at tumango naman s'ya. "Wow super amazing ka naman!" puri ko.

"Trick or treat? Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Ah 'yung magssuot ko ng nakakatakot. Tho, pwede namang hindi nakakatakot. Pwede 'yung sa fairy tale." sabi n'ya.

May naisip na naman ako, "Pwede bang aswang?" tanong ko at tumango naman s'ya.

"Gusto kong mag trick or treat, Georgy!" napayakap ako sa braso n'ya habang naglalakad kaming dalawa.

"Pambata lang 'yun." giit n'ya. Sumimangot naman ako.

"Eh? Bakit mo pa sinabi?" nagtatakang tanong ko, "Di ba talaga pwede?" bumuntong hininga naman s'ya at hinawakan ang kamay ko.

"Pwede, sa costume parade tayo sumama." umuwi na kami kaagad sa mansion dahil excite na excite ako na sabihin kay Domeng ang balita.

"Wala man lang kadeko-dekorasyon ang hardin ni Domeng. Nakakainggit tuloy 'yung sa mga kapitbahay. Feeling ko, black sheep 'yung malaki n'yang bahay e." natawa si George sa sinabi ko.

"Anong balak mong gawin?" tanong n'ya sa akin.

"Lagyan ng design. Ano pa at naging fine arts student ako kung wala akong alam sa kaartehan sa buhay?" tumango tango naman s'ya.

"Marami akong gloves sa bahay. Mga lab gown." suggestion n'ya. Ay tamang tama, kailangan ko nga nun dahil gagawa ako ng mga zombie. Gusto nga pala maging doktor ni George kaya marami s'yang ganun. Pero bakit may lab gown?

"Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya pero mabilis s'yang umiling. "Bakit naggagown ka?" napaface palm si George sa tanong ko.

"Lab gown. 'Yung sinusuot ng mga doktor. 'Yung white at hindi 'yung pang-santacruzan." dahan dahan na lang akong napatango.

"May design rin ba ang bahay mo?" tanong ko at tumango naman s'ya, "Buti ka pa hindi black sheep. Tara pumasok na tayo para makapagstart na tayo." nauna akong pumasok sa loob ng mansion at sinundan naman ako ni George.

Pagkapasok namin sa loob ay nadatnan namin na natutulog pa rin si Domeng, "Pagod talaga s'ya." sabi ko kay George.

"Huwag ko na kaya gisingin?" tanong ko at biglang itinuro ni George ang lugar ni Dominique kung saan s'ya natutulog at dahan dahan akong napalingon.

"Sarap ng tulog ah!" dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan n'ya habang s'ya naman ay nag-iinat at humihikab.

"Kumain ka na ba, Eumi?" tanong n'ya kaagad sa akin at umiling naman ako.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Kahit ano. Nagsasawa na ko favorite mo." sabi n'ya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Huwag mo namang laiitin 'yung hotdog mo Domeng, masarap kaya. Tapos ang laki laki pa, di nga kasya sa kamay ko 'yun. Tapos kapag ipinasok ko sa bibig ko, ang taba taba. Di nga kasi magkasya. Nacchoke ako."

Napa-ahem si George at sabay kaming napalingon ni Domeng sa kanya. Tila, may kung anong tumatakbo sa isip n'ya. Parang gulong gulo s'ya.

"Huwag ka na mag-explain. Hayaan mo s'yang mag-isip." bulong sa akin ni Domeng at napangisi.

"Ano, Eumi, hotdog ko na naman kakainin mo?" nakangisi n'yang tanong gamit ang malakas na boses, "Di ka mabibitin dito. Di katulad ng iba, bitin." at tumawa si Domeng na parang nang-aasar.

"Asa. Performance level naman ako." protesta ni Georgy.

Tinapunan naman s'ya ng masamamg tingin ni Domeng, "But I can be both." dinilaan lang s'ya ni George. Parehong namumula tenga nila ah? Naku. Ano kaya ibig sabihin non?

"Tama na nga 'yang away n'yong dalawang magkapatid. Ano bang gusto n'yong kainin at ipagluluto ko kayo." tanong ko sa dalawang kalmado.

"'Yung may gulay naman, Eumi. Diet ako ngayon." sagot ni Domeng at isinuot ang pambahay n'yang tsinelas na mabalbon.

"Kung saan ka sasaya, Nica. Ayos lang sa akin." bwelta ni George.

"Okay, jan na lang kayo o sasama kayo sa kusina?" tanong ko at sabay naman silang sumagot na 'oo'.

Pumunta na kaming tatlo sa napakalaking kusina ni Domeng. Dati ay hindi ko talaga alam kung paano pindutin ang mga appliances n'ya. Di makaya ng brain ko ang mga high-tech na gadgets n'ya. Hays, pero infairness, napapadali nila ang buhay ko.

"What will you cook for me?" nakapangalumbaba si Domeng sa marble table. Ang cute n'ya, kung ganyan lahat ng magpapaluto ay magluluto talaga ako.

"Dude, correction. For us not for you, how rude." singit ni George.

"This is my house, I can do anything. Dun ka nga sa bahay mo." masungit na sabi nito.

"Ano ba naman 'yan. Pareho ko naman kayong ipagluluto e tapos nag-aaway pa kayo. Bad 'yan!" paalala ko sa kanilang dalawa.

Nilabas ko na ang mga kailangan kong ingredients sa pantry at ref ni Domeng pero naiinis ako dahil wala s'yang gulay na isa sa pinakamahalaga.

"Ikuha n'yo ko ng kalabasa. Marami sa kapithabahay, kuhanin n'yo o ako ang kukuha?" inosente kong sabi at pareho silang natingin sa akin ng may pagtataka.

"Ano bang lulutuin mo?" tanong nilang dalawa.

"Pakbet nga! Kaya kuhanin n'yo na 'yung mga kalabasa sa kapitbahay." pareho silang di nakareact sa sinabi ko. Mga slow, tsk!

.

.

.

.

.

.
Follow me here on watty. By the way, here are my SN's accunt.
.
Facebook: fb.com/gierome.wattpad
Twitter: @giedragon
Instagram: @giedragon
.

Hehe! Motivate me :)

These Three JerksWhere stories live. Discover now