He's fucking serious.

Napakagat ako ng labi.

Damn.

This is going to be bloody.

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- i think this is no longer a prank o.o

- that stitch looks so real sksskkssksk

- sino nanakit kay gunner? Kelangan natin magusap +_+

- alpha, mahal kita uwu

- bakit madami scar si gunner?

- underground player siya eh.
kinalaban niya dati si Zero sa UG.
superrrrr intense nila eye----

- oooooooh hot 🔥

- si echo mukhang badtrip

- tulog parin kasi si dorothy :<

- di ko alam kung kanino kung ishiship si Java

- ichiro + java padin ako HAHA

- someone get some help i think this is not a prank

- it is a prank. calm your teeth

- teeth? wut?

- nagbebenta po ako manok na pula

- ako po nagbebenta ng garapatang pink

- i swear walang matino sa comment section

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o BABE

Hindi ko kayang tingnan!

Naririnig ko daing ni Gunner mula sa pwesto ko. Tinatanggal nila Alpha at Claude ang tahi sa balikat niya. Nakapwesto silang tatlo sila sa ikapitong kama. Nakaupo si Gunner sa bed habang ang dalawa naman ay nakatayo. Nakaalalay si Claude habang tinatanggal ni Alpha ang tahi para hindi masyado malikot si Gunner.

"Alpha, dahan-dahan naman!" sigaw ni Flame.

"Malapit na..." sagot ni Alpha.

Mabilis akong tumingin at nakita kong patuloy na naagos ang dugo ni Gunner mula sa sugat. Pulang pula ang likod niya dahil sa dugo. Dahan dahan tinanggal ni Alpha ang tahi at halos manlambot ako nang binuksan niya ang sugat nI Gunner sa balikat nang maubos niya 'yon. May sinubukan siyang dukutin. Mas lalong sumirit ang dugo.

Mas lalong lumakas ang daing ni Gunner.

"Shit. Hindi ko na kaya panoorin." namumutla na sabi ni Hera. Si Flame naman ay nanood pa din, salubong ang kanyang kilay sa galit, sobrang tapang na naman ng kanyang mata dahil sa nangyayari.

"Takte. Kaya mo yan, Gunner." sabi ni Ichiro.

"Echo, paano tinanggal ang tahi?" tanong ni Java na hindi din nanonood.

"Kinakamay ni Alpha."

"What the hell..." bulong ni Java.

Ibinalik ko ang mata sa tatlong lalaki.

May nakita akong nakuha si Alpha na bakal. Pagkatapos niya makuha iyon ay inabot niya ito kay Claude at tinakpan na muli ang sugat. Pinaikutan niya iyon ng tela ng ilang beses. Halos manlanta na si Gunner sa daming dugo na naubos.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now