- pumikit ulit si Alpha wtf

- bakit siya nagpapanggap na tulog?!!!

- kapag hindi niyo daw shinare ang broadcast na to mamalasin daw kayo kaya shinare ko agad :<

- This is safety turtle. He will protect you from chainmail and scary post 🐢

- aww :>

- gusto ko lang sabihin na gising na din talaga si echo at nakaupo na sa bed HAHAHAHAHAHAHA

- echo mah babe. Wakey wakey

- si echo nagkamot lang ng ulo tapos humiga ulit!!!! potekkkkkk katol pa!!!!

- bakit ang sasabog nila?!!

- si alpha nagpapanggap na tulog, si echo naman tulog is layp!!

▬▬▬▬▬▬▬

NATANGGAL ni Gunner ang kay Alpha. Weird nga. Bakit kapag sa'kin hindi niya matanggal?

Second bed belongs to Babe. Nasa tabi ni Alpha. Sa wakas ay kinaya ni Gunner na tingnan si Babe. Mahina siyang napamura ulit. I think they really broke up. Totoo siguro ang kumalat na issue sa Lancaster.

"Babe..." Tawag ni Gunner saka sumampa sa kama.

Hindi gumalaw o umimik si Babe. Umiling na lang si Gunner saka sinubukan kalasin ang posas. Ilang minuto niya 'yon sinubukan. Maski ang nasa paa ni Babe ay sinubukan niya. Pinagpapawisan na ang kanyang noo. Nahihirapan na siya. Pero wala. Hindi rin gumana.

"Come on..." Bulong niya saka nilagyan ng pwersa ang hila.

Ayaw pa din talaga.

Bakit-----

"Gunner, that's enough."

Natigagal si Gunner sa pwesto nang marinig ang boses. Hindi siya bigla makagalaw, ang pwesto niya ngayon ay nasa paaanan pa din ng babaeng nagsalita. Maski ako ay nanlaki ang mata at sinilip kung totoo ba ang narinig ko. That was Babe's voice.

She's... awake?!

"Kanina ka pa gising?" Tanong ni Gunner, galit ang boses. Hindi umimik si Babe at umiwas ng tingin. Napabuntong hininga lang siya.

"Tsk." Inis na umalis si Gunner sa ikalawang kama saka pumunta sa ikatlo. He left her just like that. Ano ba talaga nangyari sa kanila?

"Babe..." I called and she looked at me. "Are you oka---"

"I'm scared." Her voice broke.

Nalaglag ang luha sa mata niya. Napansin kong nilingon siya ni Gunner na ngayon ay nasa ikatlong kama. Kay Claude. Umiwas agad si Gunner ng tingin nang mapansing nakita ko ang reaksyon niya.

Tahimik na umiyak si Babe. "I'm scared. Kanina pa ko gising. I don't know what's happening. I just wanna go home."

Walang nagsalita sa'min kaya tanging ang iyak niya ang maririnig.

Napapikit ako. Kanina ko pa din gusto umiyak.... pero ayoko. Crying is my weakness. Once I cry, its over. My emotions will eat me. It will make me weak. I will crave for attention and comfort. And I don't fucking want that.

Natanggal ni Gunner ang posas ni Claude. Papunta na siya ngayon kay Dorothy. Abala ko siyang pinapanood nang bigla siyang natabunan sa paningin ko ng isang lalaking bumangon sa pagkakahiga.

Damn. He's awake too?!

"Alpha." I called.

Bumangon siya sa kama. Tuluyang napalingon si Gunner sa kanya at napatigil sa pagkalas ng posas ni Dorothy.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now