- bakit seventeen?

- seven si gunner + ten si java = seventeen

- ang witty i kennat

- seventeen din sina hera at ichiro lol

- pero totoo ba tong nangyayari????

- feeling ko prank lang to ng decagon pramis

- true. feeling ko din ʅ(–ᵌ–)ʃ

- they used missing posters and made it viral. perks nila ay magaganda at pogi silang lahat so nagkagulo mga fans kuno nila at kinalat lahat ng post. after it went viral, they made this broadcast. its definitely one of their public stunts

- effort nmn ng prank. broadcasted ganern

- paging august. august delmitor, kung nanonood ka din ng live broadcast ngayon----- bakit ka nanonood?!!! joke pre. gusto lang namin sabihin na meron ng real life dollhouse. pwede ka na makipagteacup party kay barbie. sisikat ka. tnx. lab, pirs

- grabe dami na viewers

- im watching camera 41. ako lang ba?

- ako din hihihi

- and guys look. kanina pa gising si alpha O.O

- hala oo nga. wtf

- nakatalikod lang siyaaaaaa omg

- gwapo nmn bby

- akala niya siguro nasa bahay lang siya kaya chill lang kahit nakidnap na HAHAHAHAHAHAHAHA

- bakit ayaw magsalita ni alpha?!

▬▬▬▬▬▬▬
 


 
MAHINANG napamura si Gunner. Hindi niya matanggal ang posas sa kamay ko. Nagtataka siyang napatanong sa sarili.  "Bakit 'yong sakin marupok pagkakagawa? Bakit sa inyo iba?"

"Baka malakas ka lang talaga." Sagot ko, umiling siya

"Hindi. Sigurado ako, mahinang bakal lang ang nakatali sa'kin kanina." Aniya saka bumangon. Pumunta siya sa kama na sa tabi ko. Kay Ichiro. Sinubukan niyang tanggalin. Tumunog ang bakal na nakatali kay Ichiro dahil kay Gunner. Napakagat ng labi si Gunner saka nilaksan ng pwersa ang paghila.

Natanggal!

Ibinaba niya ang kamay ni Ichiro. Naaninag ko ang Number 9 sa likod ng kamay niya. Malalaki ang tattoo. Sinakop nun ang likod ng kamay namin.

"That's... weird." bulong ni Gunner pagktapos niyang kalasin ang kay Ichiro. Hingal niyang sabi saka ako nilingon ulit. 'Yong akin ay hindi niya maalis. Napapaisip na siya. Inalog alog niya si Ichiro ngayon.

"Ichiro, gago, bangon. Kakatayin na tayo tulog ka pa din." Saway niya kay Ichiro saka tinampal ang pisngi.

Humilik lang 'yong isa. Ay nako talaga. Hopeless talaga ang lokong 'to. "Psst. Ichiro, gising. Mahiya ka kay Java. Nanonood oh. Tsk!" Halos iuntog na ni Gunner si Ichiro sa unan. Wala pa din. Napipikon na si Gunner sa nangyayari.

Bumalik ulit siya sa'kin. Halos mamula na ang pulso ko sa ginagawa niya.  Sinubukan ulit niya tanggalin ang bakal. Hindi pa rin niya matanggal. Sinubukan niya ang nasa paanan ko pero ganun din.

Ayaw talaga.

"Subukan mo 'yong kay Alpha." Sabi ko.

Napalingon siya kay Alpha na nasa kabilang gilid ko naman. Tumango si Gunner. Tumuntong siya sa kama ni Alpha. Tahimik ko silang pinanood.

▬▬▬▬▬▬▬

▶️  Live Comments

- ahhhhh

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now