Chapter 6

66 1 0
                                    

Andrea's POV

Andito na ko sa school. 2nd day na ngayon. Kasama ko si James at Elaine ngayon.

"Mandy !!!"

"Ohayo gozaimasu Angel And Camille." me

"wow ! Marunong ka pa lang mag-japanese!" Camille

"hindi na lang. Kaya nga sya nagsalita ng japanese eh" Angel

"che!" Cams

May lumapit na tatlong gwapong lalaki sakin. Hindi pala sakin, kay James pala. Assuming ko lang. Haha

"yo, James" sabi nung isang guy na gwapo. wahaha. Pare-pareho pa la silang gwapo.

"Bakit kayo andito ?" James

Wala man lang pabati tong James na to.

"Dito na kami mag-aaral. Nga pala, dun ako titira sa inyo. Nasabi na ni mama kay tita. Habang itong mga to.." tinuro nya yung dalawa pa nyang kasama "lumipat ng bahay. Malapit lang naman sa bahay nyo" sabi ni guy2. Anong sabe nya ? Sa bahay namin-- este bahay pala nila James sila titira ? May isa pang gwapo sa bahay. haha

"Nice !" sabi ni James tapos nag hi-five sila.

"Nga pala, Sino naman tong mga binibining to ?" sabi ni Guy3

"Eto nga pala si Andrea, girlfriend ko. Eto naman si Elaine kapatid nya at eto naman sila Angel and Camille, kaibigan nya." James

Weeeeeh..... Girlfriend daw oh. Wahaha.

"wala na kayo ni--"

"mamaya ko na lang i-eexplain." sabi ni James. Eto namang si Elaine kinakalabit ako.

"mamaya ko na lang i-eexplain" pabulong kog sabi sakanya.

"Ako nga pala si Daniel at ito naman si Rain.." tinuro naman nya yung lalaking katabi nya" at si Francis" tinuro nya yung nasa dulo.

"Nice to meet you !" Sabi nila at sabay sabay silang nagbow.

"nice to meet you rin" sabi namin. Pagkatapos nun, pumasok na kami sa classroom. Si Daniel pala ay 2nd year katulad ni Elaine kaya sabay na silang umalis. Si Rain at Francis ay 3rd year rin and what a coincidence, pare-parehas pa kami ng section. Nagulat nga sila ng makita si Trisha na may kasamang ibang lalaki.

*

Mabilis lumipas ang oras at uwian na namin. Niyaya namin sila Angel, Cams, Rain and Francis sa bahay, sa bahay nila James. haha. Sakto namang wala sila tita at tito kaya kami-kami lang ang nandun kasama si manang.

Dinumog kami ng mga kaibigan ni James ng mga tanong. Kung pano daw naging kami, kung bakit wala na sila ni Trisha... Basta madami. Si James na ang nag-explain dahil sya naman ang nakaisip nito eh.

"aahhhhh..... biruin mo yun pare, babae pa ang nakipagbreak sayo. hahahaha" sabi ni Francis at nakitawa na rin sila Daniel at Rain. Tumigil sila sa pagtawa dahil sinamaan sila ng tingin ni James.

"so ano ng plano nyo ?" tanong ni Angel

"magpapanggap na lang muna kami ni Andrea na kami na hangga't hindi pa ko nakakamove-on at nakahanap ng iba." James

"eh baka naman......" sabi ni Cams at nagtinginan silang lahat at nag ngitian.

"MAGKA DEVELOPAN KAYO NYAN!!" sabay sabay nilang sabi. Bigla naman uminit yung pisngi ko.

Everything Is Better with You~ (on-hold)Where stories live. Discover now