Napalunok ako sa kaba.

Tumama ang mata ko sa lalaking tulog pa din at nakapwesto sa tabi ng kama ko. Nasa bandang kaliwa ko siya. Kahit nakapiring ang kanyang mata at iba ang kanyang suot ay agad ko siyang nakilala. May number din sa headboard ng kama niya.

Number 1 ang kanya.

"Alpha..." tawag ko.

Dalawa silang nasa magkabilang gilid ko. Mas pinili kong tawagin si Alpha kesa kay Ichiro na nasa kanan ko naman. Rinig na rinig ko kasi ang hilik ni Ichiro mula sa pwesto ko. Hopeless kung siya ang gigisingin ko. Tulog mantika 'yan. Mapapaos lang ako.

"Alpha, wake up!"

"Later..." ungot niya.

Ugh!

"Alpha, wake up. Come on. Hey!" Lumalakas na ang boses ko. Hindi ako makaalis ng bed. Nakatali ang mga paa at kamay namin sa magkabilaang dulo ng kama. Paano kami makakatayo neto?

"Wake up----" natigilan ako.

Si Alpha ang tinatawag ko pero ang lalaking nasa kabilang kama ang narinig kong gumalaw. Nilingon ko agad siya. May number 7 sa headboard ng kama niya. He's also wearing a black tuxedo like the rest of the guys here. Gulo gulo ang kanyang buhok at nakasalubong ang noo kahit tulog.

"Ang ingay naman." reklamo niya, tulog pa ang diwa. Sa sobrang tahimik ay narinig ko ang boses niya kahit sobrang hina non at dalawang malalaking kama pa ang nasa pagitan namin.

"Gunner!" tawag ko.

Bakit ba hindi sila nagigising?!

"Gunner, hey! Wake up!"

Gumalaw na siya.

"Java, get out of my room. Doon ka kay Ichiro." ungot niya saka tumalikod ng pagkakahiga.

Gagu. Ano raw?

Tulog pa ata 'to. Pero atleast malapit na magising!

"Gunner!"

"Java, let me sleep. Please."

"It's not the right time to sleep! Wake up!"

Hindi na siya umimik. Hindi na rin gumalaw. Tulog na ata siya ulit. Tsk. Bahala na. Mabwisit na siya kung mabbwisit siya.

"Gunner. Hey. Yoohoo. Psst. GUNNER, WAKE UP!" I screamed.

"Fuck." and he cussed.

There you go. Gising na siya. Sigurado ako. Gunner. That rebel. He's the cursing machine in our group.

Inis niyang tinanggal ang piring sa mata at bumangon sa pagkakahiga. Inis niya kong hinanap. Nagtama ang mata namin. Magsasalita na sana siya para siguro bulyawan ako pero agad ding natigilan. Napakurap siya sa napansin. Inikot din ng mata niya ang paligid---- at isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya pagkatapos non.

"Putangina?"

Ganon. Ganon kalutong. If you hear that word, expect that its from Gunner's lips.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now