Chapter Thirty Four

Start from the beginning
                                    

"Ano bang ginagawa mo dito?! Are you stalking me?!" Galit kong sabi sa kanya pagkalayo namin doon. Hindi naman kami gaanong malayo sa kanila at tanaw ko pa rin naman sila.

"Stlaking you? Ano ka chicks? Sabi ko nga, hindi ba't nakita lang kita kaya bumaba ako sa sasakyan ko. Assuming ka naman masyado, porket gusto kita dapat iistalk na kita?" Sarkastikong sabi niya sa akin. Nainis naman ako lalo sa sagot n'ya. Hambog na 'to!

"At ano ang karapatan mong halikan ako sa pisngi?! You're just nobody to me, Nicollo!" Inis kong sabi sa kanya. Mas lalo naman siyang ngumisi at gusto ko siyang sapukin sa pagngisi niyang iyon.

"Nice, you have said my name. Ang sarap pala sa tenga kapag iyong babaeng gusto mo ang nagsasabi sa pangalan mo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Don't tell me na kinikilig ako sa sinabi ng unggoy na 'to?! Aghh. Bwisit.

"Ewan ko sa'yo!" Inis kong sabi sa kanya at akmang tatalikod na ng bigla ay hapitin niya ako sa bewang kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Naamoy ko naman iyong panlalaki niyang pabango and it suddenly turned me on.

"Date me." Seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya at nakatingin lang din ako ng diretso sa mga mata niya.

"Date me or I'll kiss you, now." Ngumisi siya pagkasabi niya noon. Agad naman akong naalarma sa sinabi niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya mas lalo akong naalarma at agad na nagsalita.

"O—Okay fine! I'll date with you!" Agad na sagot ko. Lumayo naman siya sa akin at tsaka ako binitiwan.

"I'll just text you kung saan tayo magkikita at h'wag mo ng itanong kung saan ko nakuha ang number mo. I always have my ways, sweety." Saad niya at walang sabi-sabing hinalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. He—He just kissed me! He fvcking kissed me!

"Bye, sweety!" Nakangisi niyang sabi at tsaka siya sumakay sa sasakyan niya.

"Asshole." Inis kong sabi sa sarili ko ng umalis na siya. Bumalik agad ako sa pwesto nila Axcel at Thalia.

"Let's go." Seryosong sabi ni Axcel at tsaka siya naunang maglakad pabalik sa sasakyan niya. Agad akong napatingin kay Thalia.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"I—I don't know." Sagot lang niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at tsaka kami sumunod sa kanya. Sa may likod ako sumakay habang si Thalia naman ay pinasakay ko sa tabi ni Axcel. Tahimik lang kaming sumakay at walang nagsasalita sa aming tatlo. Pero nagsalita din si Thalia at kinakausap si Axcel. Minsan ay kakausapin ako ni Thalia pero tanging oo, hindi at tango lang ang isinasagot ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan kung sino ang nag-text. Unknown number iyon pero kilalang-kilala ko kung sino iyon.

+639353180000

Dammit, I already missed your lips.

Agad na umakyat ang dugo ang ulo ko sa inis dahil sa text ng hambog na iyon! Bwisit, saan na naman ba niya nakuha ang personal number ko? I hit reply.

Bwisit ka! H'wag kang magpapakita sa akin! Papatayin kita! Inis kong reply sa kanya pero wala pang ilang segundo ay nag-reply ulit siya.

Sa sarap ba? Sure why not. Hehe.

Mas lalo akong nainis sa text niyang iyon. Wala ba siyang alam kung hindi mga kagaguhan sa buhay? Arggh. That arse is getting on my nerves. Hindi ko na lang siya nireplayan kahit na alam kong nagtetext pa siya dahil panay ang vibrate ng phone ko.

Ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan ni Axcel sa harap ng mataas na gate. Along the road lang naman kasi ang bahay ni na Thalia kaya saglit lang namin siyang inihatid.

"Thank you sa dinner, guys. Bye Axcel, see you na lang this coming weekend." Sabi ni Thalia sabay halik sa pisngi ni Axcel. Lumingon naman siya sa akin at tsaka ngumiti.

"Bye. Ingat kayo." Iyon lang at tsaka siya bumaba sa sasakyan. Nanatili lang akong nakaupo at halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw.

"H'wag mo akong pagmukahing driver mo!" Iritable niyang sigaw. Sumimangot lamang ako at agad na bumaba sa sasakyan niya para sumakay sa may tabi niya. Saglit ko siyang sinulyapan at nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya. His lips formed a straight line and I could say that he is really mad. I just don't know why.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin at wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Wala rin naman kasi akong sasabihin sa kanya kaya tuhamik lang ako.

"Sa bahay mo ako ihatid." Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa labas ng kalsada. Sa loob ng isang oras ay walang nag-sasalita sa aming dalawa. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin ay hindi ko alam ang sasabihin ko.

I sighed and manage to say my goodbye to him. "Ingat ka sa biyahe, bye." Mahinahon kong sabi sa kanya at akmang bababa na ng bigla siyang magsalita.

"Who is that damn guy, Heena?"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now