Chapter 17: THE THREE WOMEN

235 16 0
                                    

Ginising ng nakakasilaw na liwanag mula sa sikat ng araw si Odessa. Bumangon siya sa higaang gawa sa mga bungkos na dahon ng iba't-ibang klase ng halaman at ipinagpatong-patong para maging napakalambot na higaan. Pilit na inaalala ni Odessa ang mga pangyayari at kung nasaan siya naroroon ngayon.

"Ang anak ko!" Ang sabi niya ng biglang maalala ang nangyari sabay hawak sa ibabang bahagi ng tiyan.

Napansin ni Odessa na iba ang suot nitong damit. Isang maluwang na kulay abong bestida na yari sa mga hibla na likha ng mga uod sa mga puno ng Pasi o katumbas ng puno ng Mullberry sa Sansinukop.

Hindi maalis-alis ang takot sa isipan ni Odessa ang maaaring kinahinatnan ng sanggol sa sinapupunan ng gamitin niya ang kapangyarihan. Bago siya hinimatay ay nakita niya ang pagdaloy ng dugo mula sa sinapupunan.

"Diyos ko, huwag po sana ninyong pahihintulutang mangyari ang nasa aking isipan..." Ang mahinang sambit nito habang hinihimas ang bahaging puson.

Kailangang malaman ni Odessa ang kinahinatnan ng pinagbubuntis niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa sanggol na dala-dala sa kanyang sinapupunan. Pinakiramdaman ni Odessa ang mumunting pintig ng puso na nagmumula sa sinapupunan. Umaasa na sana ay maramdaman lamang ang mga mumuntig pintig ng puso nito at iyon ay sapat na para mapanatag siya.

Walang maramdaman si Odessa na lalong nagbigay nga pag-aalala at takot. Makailang ulit na inililipat-lipat ang kamay sa tiyan may maramdaman lamang na magbibigay ng pag-asa na buhay pa ang sanggol na ipinagbubuntis niya. Ipinikit ni Odessa ang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha sa mamula-mula nitong pisngi. Umaasa na sana bigyan siyang pagkakataong maging ina sa sanggol na nasa sinapupunan.

Hindi naman siya binigo ng kanyang panalangin dahil sa pagkakataong ito ay naramdaman niya ang mahinang pintig ng puso ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Nakahinga ng maluwag si Odessa at saka ngumiti.

"Ang anak ko!" Ang tanging nasambit niya at lalong dumaloy ang mga luha sa mga mata dahil sa kaligayahang hindi maipaliwanag ng mga sandaling iyon. Buhay at ligtas ang kanyang anak. Iyon ay sapat ng dahilan para maging masaya at mapanatag ang kanyang kalooban.

Ilang minuto rin si Odessa sa ganoong posisyon, ninanamnam ang bawat sandali na nararamdaman ang mga tibok ng puso ng anak.

"Patawarin mo si nanay anak, kung muntikan ng malagay sa kapahamakan ang iyong buhay ng dahil sa paggamit ko sa aking kapangyarihan. Hinding-hindi ko na papayagan na maulit pang muli na manganib ang buhay mo. Pangako yan anak, pangako." Ang pabulong na wika ni Odessa habang hinihimas ang ibabang bahagi ng tiyan.

"Odessa!"

Mula sa pintuan ay iniluwa nito si Sakaya na halos maiyak pagkakita kay Odessa.

"Sakaya!" Ang natutuwang tugon ni Odessa pagkakita sa kaibigan.

Kaagad na niyakap ni Sakaya si Odessa dahil sa kagalakan.

"Natutuwa ako na maayos na ang kalagayan mo Odessa."

"Salamat Sakaya, salamat sa pag-aalala mo." Ang sabi ni Odessa kasabay ng pag-alis sa pagkakayakap kay Sakaya na naupo sa kanyang tabi.

"Yung bata..." Ang muling tanong ni Sakaya saka hinawakan ang bahaging puson ng kaibigan.

"Buhay siya, buhay ang anak ko." Ang mabilis na tugon ni Odessa kahit hindi pa natatapos si Sakaya sa sasabihin nito.

Tumango si Sakaya sa tinuran ni Odessa. "Oo Odessa, yun nga ang sinabi ng manggagamot na tumingin sa'yo habang wala kang malay. Sabi ng manggagamot, iniligtas ng kakayahan mong makapaghilom ang sanggol sa iyong sinapupunan. Kaya natutuwa ako na buhay at ligtas ang magiging anak mo." Ang kwento ni Sakaya.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Where stories live. Discover now