Chapter 16: LA VISTA VILLAGE

279 18 5
                                    

Dahan-dahang bumaba mula sa himpapawid si Odessa sa nagyeyelong dagat. Ang karaniwang kulay pulang Bagauisan na lumulukob sa kanya ay kapansin-pansin ang kulay bughaw nitong kulay. Ginamit ni Odessa ang kapangyarihan ng ibong Bagauisan na ang kapangyarihan ay kabaligtaran ng apoy, ang yelo.

Pagkalapag ng mga paa ni Odessa sa nagyeyelong tubig ay saka mabilis na nilapitan sina diyos na Danum at Sakaya na kasalukuyang inaasikaso ang kalagayan ng dragong si Orleo. Sa isang iglap ay nawala na ang paglukob ng ibong Bagauisan sa katauhan ni Odessa at masaya itong makitang ligtas sina Sakaya at diyos na Danum.

Pagkakita sa kanya ng dalawang kaibigan ay malugod nila itong sinalubong upang pasalamatan siya sa pagliligtas sa kanila.

"Odessa!" Ang halos sabay na sigaw nina Sakaya at Danum habang patakbong papalapit ang dalawa sa kanya.

"Salamat, Odessa. Salamat sa pagliligtas mo sa aming buhay!" Ang taos-pusong pasasalamat ni Sakaya sa kaibigan at kaagad na yumakap ito sa kanya.

Gusto mang makisali ni Danum para yumakap sa dalawang kaibigan ay minabuti na lamang nitong ngumiti at pagmasdan ang dalawa. Alam niyang hindi magiging komportable sina Odessa at Sakaya kapag nakisali pa siya sa yakapan ng dalawa.

"Salamat, kaibigang Odessa. Salamat dahil hindi mo hinayaang lamunin kami ng kumukulong putik. Alam mo namang apoy ang kahinaan ko bilang diyos ng tubig." Ang pasasalamat ni Danum sa kaibigan.

Tumingin naman si Odessa sa kaibigan at ngumiti ito kay Danum habang nakayakap kay Sakaya.

"Katungkukan kong tulungan at iligtas kayo, kaibigan ko kayong dalawa. Dahil kung ako rin ang nasa panganib iyon din ang tiyak na gagawin ninyo sa akin." Ang tugon ni Odessa kay Danum.

Biglang nawala ang ngiti ni Sakaya at mabilis na inalis ang pagkakayakap sa kaibigan. Nabalot ng pag-aalala ang mukha nito at tumingin sa kay Odessa.

"Ba...bakit, Sakaya?" Ang tanong ni Odessa ng makita ang reaksiyon ng mukha ng kaibigan sa kanya

"Aang sasanggol sa sinapupunan mo?" Ang naging tugon ni Sakaya. "Delikado sa'yo na gamitin ang iyong kapangyarihan baka may mangyaring masama sa sanggol." Ang nababahalang wika ni Sakaya.

Nanlamig ang buong katawan ni Odessa pagkarinig nito sa kaibigan. Hindi niya naisip na makakasama pala sa batang dinadala sa sinapupunan ang paggamit ng kanyang kapangyarihan. Tumingin siya kay Danum na bakas rin sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya. Iyon na rin ang naging hudyat ng biglang pananakit na kanyang puson at halos mapaupo ito sa sobrang sakit.

"Aahhh!!!" Ang sigaw ni Odessa na pilit nilalabanan ang matinding sakit.

"Odessa!!!" Ang sigaw ni Sakaya sa kanya na napahawak sa katawan ng kaibigan.

Halos matarantang umalalay naman si Danum Kay Odessa at iniupo ito sa nagyeyelong tubig.

"Aang a...anak ko...hmmmppp!!!" Ang namimilipit sa sakit na si Odessa.

"Bakit mo pa kasi ginamit ang kapangyarihan mo, alam mo naman puwedeng makasama sa magiging anak mo?" Ang wika ni Sakaya sa kaibigan.

"Ang anak ko..." Ang naiiyak na sa sakit na nararamdaman ni Odessa. Bigla siyang kinabahan pa ng maramdamang may malagkit na likido sa kanyang pang-ibabang kasuotan. Bigla siyang natigilan ng maamoy ang pamilyar na amoy ng malagkit na likido. Mabilis niyang kinapa ang malagkit na likido dahil na rin sa pangambang dulot ng paggamit ng kapangyarihan ng Bagauisan. Lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso ng makapa nito ang likidong kinatatakutan niyang makita. Marahan ay iniangat nito ang kanyang kamay at huminga ng malalim.

Mula sa kanyang mga daliri ay ang sariwang dugo na nagpapahiwatig na may masamang nangyari sa sanggol na dinadala sa sinapupunan. Napasigaw ng malakas si Odessa pagkakita sa dugo sa kanyang mga daliri at kasabay nito ang pagkawala ng kanyang malay.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Where stories live. Discover now