Chapter 11: UNEXPECTED SITUATION

285 17 8
                                    

Makailang ulit na sinubukang matulog ni Fr. Mexo sa matigas na higaan na mula sa bahagi ng gumuhong pader pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Marahil kagaya ng karamihan ay dala pa rin ng trauma na naranasan nila sa delubyong dala ng napakalakas na lindol at tsunami kani-kanina lamang. Makailang ulit na rin siyang nagpalit-palit ng posisyon sa pagkakahiga kaya minabuti na lamang niyang bumangon na muna at tumulong sa mga sundalo sa pag-aalaga ng mga taong sugatan sa delubyo.

Marahan ay bumangon si Fr. Mexo mula sa pagkakahiga. Damang-dama niya ang matinding pananakit ng buong katawan at masama ang pakiramdam na tila lalagnatin. Minabuti muna niyang mag-alay ng dasal hawak ang krusupiyo na nakasabit sa kanyang leeg. Sa kanyang kamay ay nakapulupot ang kulay itim na rosaryo na minana pa sa kanyang ina na nabigay ng inspirasyon kaya siya naging pari.

Pagkatapos magdasal ay tinungo niya muna ang kinaroroonan ni Margaux upang tingnan ang kalagayan ng bata. Mahimbing na natutulog ang batang babae tanda na umepekto na ang antibiotic na pinainom sa kanya ng isang babaeng sundalo. Nainjectionan na rin siya ng anti-tetanus vaccine kaya umaasa sila na tuloy-tuloy na ang paggaling nito. Sa tabi ni Margaux ay si Demetria na nakaupo at yakap-yakap ang tuhod na tila malalim ang iniisip. Pero ng marinig siya nito ay kaagad na iniangat ng babaeng Sangre ang ulo at tumingin ito sa kanya. Ngumiti si Demetria at itinango ang ulo pagkakita kay Fr. Mexo. Sinuklian din ng ngiti ng pari si Demetria at tuluyan ng tumungo ito sa isang malaking tent na itinayo ng mga sundalo pagkatapos ng delubyo. Dito dinadala ang mga taong matindi ang pinsalang natamo sa delubyong dala ng lindol at daluyong.

Malamig-lamig ang paligid at nagsisimula na ring dalhin ng hangin ang masangsang na amoy ng mga nabubulok na katawan ng mga patay na hayop at tao na nakahilera sa gitna ng daan. May mga sundalo ang maya't-maya ay hinahakot ang mga bangkay para mailibing sa iisang hukay na paglilibingan. Nakiusap si Fr. Mexo kay Lt. Samartino na mabasbasan ang mga ito bago man lamang sila mailibing, pero hindi siya pinayagan ng opisyal ng militar sa di malaman na dahilan. Pero ng muli niya itong tanungin bago ang hapunan kanina ay nabanggit nito na ayaw niyang maantala ang biyahe nila bukas papunta sa La Vista sa Quezon City. Ayon sa Opisyal, may mga bumagsak na gusali diumano sa may Bonifacio Global City kaya kailangan rin sila roon para tumulong sa mga taong namatay at nasugatan.

Habang binabagtas ni Fr. Mexo ang kahabaan ng kalsada papunta sa nakatayong tent ay napansin niya si Sagaway sa isang malaking puno na nagmamasid sa mga nangyayari. Napansin niyang tumingin si Sagaway sa kanya ng marinig nito ang kanyang mga yabag sa konkretong kalsada. Sa isang banda ay nakamasid rin ang mga taong-lobo kasama si Ceasar malapit sa dalampasigan ng Manila bay.

Mula ng matapos ang delubyo ng haponh iyon ay halos nakakaranas pa rin sila ng mahigit sa dalawampung malalakas na pagyanig sa paligid na nagbibigay pa rin ng matinding takot sa mga taong nakaligtas sa delubyo. Alam ni Fr. Mexo na mayroong mas matinding pagsubok ang darating sa kanila at kailangan nilang paghandaan kung ano man ang darating pa sa kanila. Sa pagkakataong iyon ay kwinestiyon niya ang Diyos sa mga nangyayari sa kanila. Ganoon na ba ang kasamaan ng tao para iparanas ng Diyos ang lahat ng matitinding paghihirap? Ganoon na ba ang galit Niya na mas gugustuhin pa ng tao na mamatay na lamang kaysa maranasan ang parusang ibinibigay ng Nito sa kanila? Ito na ba ang katapusan ng tao sa mundong inilaan ng Diyos para sa kanila?

Napaiyak si Fr. Mexo at natigilan sa pagpasok sa tent ng marinig ang mga daing ng mga taong sugatan at nahihirapan na kasalukuyang ginagamot ng mga doktor na mga militar. May mga inilalabas na wala ng buhay sa tent na hindi na kinaya ang hirap at sakit sa mga pinsalang natamo. Hindi kayang tingnan ito ni Fr. Mexo. Matapang siya kahit sa pakikipaglaban, pero hindi sa ganitong eksena.

"Diyos ko...tama na po, kaawaan niyo po kami." ang mahinang wika ng pari at huminga ng malalim.

Mula sa pintuan ng tent, akma sa kanyang pagpasok ay isang batang lalake ang wala ng buhay na inilalabas mula rito. Tumambad kay Fr. Mexo ang napisak nitong kaliwang mata at putol na kanang kamay.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن