Special Chapter

3.9K 133 11
                                    

"Kamusta ,mahal na prinsipe..?"salubong sa kanya ng isang lalaki na may mahabang kulay abong kasuotan.

" Mabuti naman po,"tugon niya. Lalo lamang siya namangha ng makita ang papalapit sa kanila. Matitingkad ang mga kasuotan nito sa iba't-ibang kulay!

Nakakamangha!

Tila mga bahaghari ang mga ito.

"Kami ang mga Anda ng bawat distrito,base sa nakikita mong kulay ng amin kasuotan," untag ng Anda na Sumalubong sa kanya.

Ito ang Anda ng kinabibilangan ng kasintahan niya.

"Isang karangalan na makilala ka,mahal na Prinsipe..ang lalaking itinakda sa prinsesa ng mga abong lobo," muli nitong paglalahad.

Yumukod ang lahat sa kanya. Hindi siya makapaniwala na tinuturing nga siya prinsipe ng mga ito!

"Isang karangalan din sakin na makilala kayo. Lalo na ang makatuntong sa mundong pinagmulan ni Prinsesa Rosede," saad niya.

Tumango ang lahat at nginitian siya ng Anda ng mga abong lobo.

"Kung gayun,ililibot kita sa buong distrito na kinabibilangan mo,mahal na Prinsipe.." anito.

Malugod na tumango siya at yumukod sa ibang mga Anda na naroroon.

"Alagaan mo ng mabuti ang prinsesa natin,mahal na Prinsipe.." magiliw na habilin sa kanya ng Reyna.

Nahihiyang tumango siya rito. Kung titingnan napakabata pa nito at tila kapatid lang ito ng kasintahan.

"Pangako po yan hanggang sa kabilang buhay," tugon niya.

Natawa ito. "Grabe ka naman..don't worry. Maswerte tayo na itinakda tayo sa kanila. Kasi bukod na may forever ka na,forever din ang lifespan mo," anito sabay ngisi sa kanya.

Namamanghang napaawang ang mga labi niya.

"I mean..hindi ka tatanda at habang nabubuhay sila ,ganun din buhay natin sa kanila.."

Namamanghang naunawaan niya ang tinutukoy ng Reyna. Nakakabilib nga malaman ang ganun kapalaran niya bilang itinakda sa isang lobo.

"Siyangapala,ito ang aming singsing ng Hari. Simbolo ng pagmamahalan niyo at ito din ang magbubuklod sa inyo habam-buhay," lahad sa kanya ng dalawang singsing na may matingkad na kulay abo.

Namamanghang kinuha niya iyun at pinakatitigan.

"Maraming salamat,mahal na Reyna..hindi ko lamang po ipapangako na aalagaan at mamahalin ang inyong prinsesa. Buong buhay ko po siya paluluguran sa kabila ng pagsakripisyo niya para sakin,salamat din po sa pagtanggap na..sa ako at ang mundo natin ang pinili niya," matapat niyang sabi sa Reyna.

"Masaya kami na pinili ng prinsesa kung saan siya masaya. Ikaw ang happiness niya ang kanyang buhay.."

Isang malugod na ngiti ang ipinukol niya sa Reyna.

Patawid na siya sa kabilang mundo ng may isang bulto ang naghihintay sa kanya. Isang kulay gintong maskara ang tumatakip sa buo nitong mukha tanging mga mata lamang nito ang makikita.

A deep brown eyes na halos magkulay ginto na rin ang kulay.

Agad na yumukod ang Anda na siyang naghatid sa kanya sa lagusan. Yumukod na rin at gumanti din ang may gintong maskara.

"Mag-iingat kayo ng mahal na Prinsesa at alam namin na hindi mo siya pababayaan sa mundong pinili niya," anang ng Anda.

"Mamuhay kayo ng mapayapa at masagana kasama ang inyong magiging supling,mahal na prinsipe..."

Thank you so much!!!

🎉 Du hast TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED) fertig gelesen 🎉
TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt