Chapter 31

2.9K 127 5
                                    

"Ang ganda talaga rito," usal ni Tita Lynda ng alalayan niya ito makaupo sa may buhanginan na nalalatagan ng kulay abong sapin. Napangiti siya ng panuorin nila ang banayad na paghampas ng mga alon sa pampang.

"Naalala ko noon palagi kami nagbabakasyon rito para icelebrate ang kaarawan namin lahat,ako,ang mga magulang ni Vincent,si Vincent at ang yumaong kong asawa," may bahid ng lungkot at pangungulila nitong saad.

Hinagod niya ang likuran ng ginang. "Sigurado ako masaya sila ngayon kung saan man sila naroroon," simpatya niya sa ginang.

Bigla niya namiss ang kanyang mga magulang at ang kinabibilangan distrito. Pero hindi niya pinagsisihan na pinili niya manatili rito kasama ang lalaking itinakda sa kanya at si Tita Lynda.

"Hay...kailan ba ang balik ni Vincent? Hindi niya nabanggit kung ilang araw ang business trip niya sa ibang bansa?"bigla tanong ng ginang sa kanya.

Agad na naramdaman niya ang sobrang pagkamiss ng kasintahan.

" Dalawang araw,Tita...susunod po siya agad rito,"tugon niya.

Ano na kaya ginagawa ni Mate dun?

Sigurado naman siya na hindi ito papabayaan ng Hari.

Baka hindi na yun bumalik dito ah!

Napailing siya sa kanegatibuhan ng wolf niya.

"Dapat hindi niyo na ko sinama rito makakasira lang ako ng moment niyong dalawa," untag sa kanya ng ginang.

Tumawa siya ng mahina. "Okay lang,Tita..hindi naman kami papayag na iwan kayo sa bahay ng mag-isa kahit na may mga tao roon saka mas makakainam sa inyo na makalanghap ng sariwang hangin. Remember,it's my recommend as your consultant doctor," strikta niyang turan sa huling sinabi.

Napangiwi ang ginang. "Oo na..mahirap din na may papamangkinin na doktora eh noh," anito na kinatawa niya.

Dinantay niya ang ulo sa balikat nito.

"May tatanungin sana ako kung hindi man nakakasira ng moment," anito.

Ipinikit niya ang mga mata na may ngiti sa mga labi. Alam na niya kung ano ang tatanungin nito.

"Hmm?"

"Inaya ka na ba niyang magpakasal?"

Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ang araw sa dulong walang hanggan na karagatan.

"Tsk! Napakabagal naman ng batang yun!"

Natawa siya tinuran ng ginang. Umayos siya ng pagkakaupo.

"Don't worry,Tita..Ikaw ang unang-una tao na makakaalam niyan kapag nagpropose na siya," nakangiti niyang untag sa ginang.

Umaliwalas ang mukha ng ginang. "O sige..basta kapag ikakasal na kayo. Ako ang bahala sa design ng wedding gown mo! Alam mo ba noong dalaga pa ako nagtake ako ng fashion designer hindi ko lamang napursue dahil mas natuon ang atensyon ko sa Tito mo," magiliw na pagkukwento ng ginang sa kanya.

Malakas ang hampas ng mga alon sa pampang at sa batuhan habang mag-isang naglalakad sa dalampasigan si Prinsesa Rosede. Napakaaliwalas nang liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan.

Hinawi niya sa kabilang balikat ang kanyang kulay abong buhok. Malamig ang hangin-dagat pero sa kaso niya wala lamang iyun.

Kamusta na kaya siya?

"I miss you,Prinsipe ko.."

"I miss you,too..prinsesa ko," tugon ng pamilyar na boses na iyun.

Marahas na napalingon ang prinsesa ng marinig ang boses na iyun.

"Vincent!"

Ngumisi ito sa kanya at dinipa ang mga braso nito.

"Where's my welcome hug,my beautiful princess?!"

Mabilis na tinakbo niya ang pagitan nila ng binata at dinamba ito ng mahigpit na yakap. Malakas na tumawa ang binata ng pareho silang nabuwal sa buhanginan.

"Hindi ko naramdaman na nandito ka na?!" namamanghang saad niya habang nasa ibabaw siya nito.

"Sobrang namiss mo kasi ko kaya ganun," tudyo nito sa kanya.

Nakangiti na sinakop niya ang mga labi nito na sobrang namiss din niya.

Pinagsaluhan nila ang mainit at puno ng pananabik ang isang halik saksi ang dagat at ang buwan.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now