Chapter 25

3.3K 142 8
                                    

Wake up,princess!

Agad na nagmulat ng mga mata si Prinsesa Rosede. Ang gwapo mukha ni Vincent ang agad na nasilayan niya na mahimbing na natutulog pero agad na dumako ang abuhin mga mata niya sa bultong na nakatayo sa nakabukas na balkonahe sa silid ng kasintahan.

"Ama..."hindi makapaniwalang tawag niya sa ama.

Agad na binalot ng katuwaan at pagkasabik ang prinsesa ng makita si Haring Yael.

"Get up and give me a big hug,my princess.."anito sa kanya.

Maingat na bumangon siya sa kama upang hindi magising ang binata. Mahigpit na niyakap nya ang ama at gusto niya umiyak dahil sobrang pinangulilaan niya na mayakap at makita muli ang ama.

"I miss you,ama..sana nandito si ina,sobrang namiss ko talaga kayo,"usal niya habang ninanamnam ang init ng yakap mula sa Hari.

Pinatakan ng halik ng ama ang ituktok ng ulo niya. She miss that gesture.

"We miss you,too,my princess..ganun din ang iyong ina.." masuyong tugon ng Hari sa kanya.

"That man is your mate," maya-maya sabi nito. Nakangiti na humiwalay siya sa pagkakayakap sa ama at tumango rito.

Tinitigan ng Hari ang natutulog pa rin na kasintahan. Humakbang palapit ang ama rito hanggang sa gilid ng kama nito.

"Kaya ka ba niyang buhayin?"may istrikto nitong sabi.

Natawa siya sa tanong ng Hari. Tinaasan naman siya ng kilay ng ama sa tinuran niya. Lumapit siya sa ama at malambing na yumakap sa kaliwang braso nito.

"He's a businessman,ama..hindi lang dito sa pilipinas,"may pagmamalaki niyang tugon sa Hari.

"Businessman,huh?"anito na tila hindi iyun sapat para rito.

Kulang na lang may hawak ng scalpel at injection si Haring Yael kung titigan niya si mate!

Napailing na lang si Prinsesa Rosede habang pinapanuod ang Hari at ang lalaking itinakda sa kanya. Nasa Hardin ang mga ito at samantala siya naman nasa may balkonahe at nakatunghay sa mga ito.

"Alam kong alam mo na kung ano kami lalo na si Rosede," saad ng Hari.

"Yes,Sir..at buong puso ko pong tinatanggap ang tunay niyang pagkatao,I love her so much more than anything in this world,Sir.." matiim at sinsero sagot ng binata na kinangiti niya.

Aww,that's so sweet of him!

"Talaga...paano kung papiliin ka? Ang mundong-Colai ang tunay niyang mundo..hindi dito. Handa ka bang iwan ang lahat-lahat para sa kanya?"deretsahan saad ng ama sa binata.

Wait! Hindi niyo pa napag-uusapan yun ah!

Hindi nakaimik ang binata na kinakabog ng dibdib niya. Naipikit niya ang mga mata ng mariin. Napamulat siya ng tumawa ang Hari.

"I know,it's going to be hard this for you.Hmm,But, It's seem to me that your love for her is not enough to choose her,eh?"may tila babala sa tono ng hari.

"Ama.."

Agad na nag-angat ng mukha sa kanya ang ama. Isang ngisi ang pinukol nito sa kanya. Alam niyang sinusubukan nito ang kasintahan.

Anyway,ano na nga pala balak mo mahal na prinsesa?

Hindi siya kaagad nakatugon sa tanong iyun ng wolf niya.

Sureness naman na ikaw ang pipiliin niya..na sumama satin.

Bago pa man siya sumang-ayon sa sinabi ng wolf niya. Napatingin siya sa paglapit ni Tita Lynda sa dalawa. Isang kaibigan ng kasintahan ang pagpapakilala ng Hari sa ginang dahil hindi maaari malaman ninuman ang tungkol sa ama. Baka mashock pa ito kapag nalaman nitong ama niya ang napakabatang hitsura ng ama na halos kaedad lang ng pamangkin nito.

"Hindi ko akalain na may napakagwapong kaibigan pala itong si Vincent! Hindi ka ba talaga artista sa inyo?" puno ng pagkamangha turan ng ginang.

Paano si Tita Lynda?

Naikuyom niya ang mga palad. Si Tita Lynda na lamang ang pamilyang naiwan kay Vincent at ganun din ang ginang.

Nakagat niya ang gilid ng pang-ibabang labi niya.

It's your choice...

Tahimik na pinapanuod niya ang pagkagiliw ng ginang sa kanyang ama na halatadong gusto-gusto naman ng huli ang pagkakamangha ng ginang rito.

"Hindi ko pa alam ang sagot..it's..Vincent's choice..not mine," usal niya.

Pero sa huli di ba ikaw din ang magdedesisyon,mahal na prinsesa?

Ipinikit niya ang mga mata at kinalma ang naguguluhan niyang isip.

Muli siya nagdilat ng mga mata at..nagtagpo ang mga mata nila ng binata.

I love him..he's my forever.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now