Final Chapter

3K 125 13
                                    

First of all. Thank you so so much sa pagsusubaybay niyo sa series na ito! Kung hindi dahil sa inyo di ko ito matatapos 😂😂😂 .

Of course,sa magandang pangalan na nagpahiram kay ROSEDE,hey..hope you like it😅😅😅.

Thank you sa inyo lahat. Anyway,nasa Dreame na po ang ibang akda ko. If interested,CallmeAngge po ang account name ko dun. Thank you😍😍😍

Love lots to all my readers💓💓💓

Hindi man nakakahiya siya gusto niya maiyak habang pinagmamasdan ang unting-unting paglapit sa kanya ng kanyang napakagandang bride. Beach wedding ang tema ng kanilang kasal at exclusive lang para sa malalapit na kakilala ang imbitado at isa na dun ang maid of honor nila na si Samantha. Bestman naman niya si Zei na hindi mo aakalain libo na ang agwat sa edad niya. Bride's maid naman ang anak nitong si Valerie.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib ng tuluyan ng makalapit sa kanya ang mapapangasawa niya.

Napakaganda nito sa simpleng wedding gown nito na kulay abo na didisenyuhan ng bulaklak na gawa sa sinulid na mas matingkad na kulay abo. Desinyo ng kanyang Tita Lynda.

"Hi.."

"Hi.." madamdamin niyang tugon.

Natawa ito ng makita ang panginginig ng kanyang mga daliri ng abutin nito ang kamay niya na nababalutan ng gwantes.

"You're trembling," may panunudyo nitong sabi na kinapahiya niya.

"Yeah,hindi talaga nakakarelax kapag ikakasal ka na," tugon niya.

Natawa ito ng mahina na siyang nakatulong para kumalma siya. Hawak na niya ang babaeng kukumpleto sa buhay niya. Ang makakasama niya sa habam-buhay.

Puno ng pagmamahal na nginitian niya ang dalaga bago sila sabay humarap sa naghihintay na pari.

Sa rest house na din iyun ginanap ang reception madilim na ang paligid pero masigla pa rin dahil sa ingay ng mga bisita nila.

"Mr.Mrs.Cestal.. Ibigay na namin sa inyo ang wedding gift namin!" untag sa kanila ni Valerie.

"Mukhang mamahalin yan ah," nakangisi tugon ni Rosede rito.

"Well,walang kasinghalaga ang gift namin sa inyo mag-asawa..ahm,nandun kasi may dalampasigan sunod kayo sakin," anyaya nito sa kanila.

"Hindi kaya yate ang gift nila satin?" bulong sa kanya ng asawa.

Natawa siya rito. "Ang pagkakaalam ko mayaman pa sila sa mayaman pero wala naman ako nakitang yate.." tugon niya.

"Oo nga pala..sa malayo pa lang kita muna," namamangha nitong sabi.

Natanaw nila si Zei na nakaharap sa karagatan. Nakalapit na rito si Valerie. Nakaalalay sa kanya si Vincent dahil medyo naaapakan niya ang laylayan ng suot niyang gown.

"Muli,binabati namin kayo,mahal na prinsesa at mahal na prinsipe.." agad bungad sa kanila ni Zei.

"Maraming salamat,Zei.."sabay nilang tugon mag-asawa.

" Nandito na ang wedding gift namin sa inyo,"nakangisi turan ng dating panginoon habang nakaakbay sa nakangiting si Valerie.

"Mahal namin prinsesa.."

Marahas na napapihit siya paharap sa pinagmulan ng pamilyar na boses na iyun.

"Ina!!!! Ama!!!" mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata niya ng makita ang kanyang mga magulang.

Ikinulong siya ng yakap ng Hari at ng Reyna.

"Wow..napakaganda ng prinsesa ko ah! " naluluhang sabi ng Reyna habang hinahaplos nito ang mga luha sa pisngi niya.

"Ina..s-sobrang namiss kita.." umiiyak niyang sabi.

Puno ng pagmamahal na niyakap siya muli ng Reyna. "Ikaw din,prinsesa ko..sobrang namiss kita!"

"Salamat..alagaan mong mabuti ang prinsesa natin,mahal na prinsipe," untag ng Hari sa asawa niya.

Niyakap naman niya ang Hari.

"Yan ang gagawin ko habang nabubuhay ako,mahal na Hari," matapat na tugon ni Vincent sa Hari.

"Napakasaya ko po na nakatawid po kayo rito," namamangha saad niya.

"Hindi man kami magtatagal,gusto lang namin mapasaya ka sa araw ng kasal mo," tugon ng Reyna na akbay-akbay na ng Hari.

Mula sa malayo may natanaw siya bulto na nakatanaw din sa kanila. Yumukod ito ng makita na tinanaw niya ito.

"Sino po ang kasama niyo?" usisa niya.

"Siya ang naghatid samin rito gayundin noong una akong pumunta rito," tugon ng Hari.

Muli niya tinanaw ang bultong iyun. Natatakpan ng suot nitong kapa na itim ang buo nitong anyo pero sa tama ng liwanag ng buwan ang pagkislap ng kulay ginto sa kasuotan nito.

Nilingon niya si Zei na nakangisi sa kanya. "Gwapo din siguro yun," aniya na kinatawa nito.

Nakita niya ang pagtanaw din ni Valerie sa kinaroroonan ng bultong iyun. Kita niya sa mga mata ng kaibigan ang kagustuhan nitong lapitan iyun. Kita rin ang pagngungulila sa mga mata nito.

"Oras na para kami ay bumalik sa mundong-Colai.." Pukaw sa kanya ng ina.

Agad na niyakap niya muli ang mga magulang niya. Isang yakap na hindi niya alam kung kailan niya ulit mararamdaman.

Tinanaw nila ang unting-unti pag-alis ng Hari at Reyna. Naiwan sila roon.

"Hinding-hindi ko makakalimutan na nakilala kita kahit sa kabilang buhay ko," anas nito.

"Mahal na mahal kita,mahal kong Prinsipe.."

Puno ng pagmamahal na nagsanib ang kanilang mga labi. Isang pagmamahal na kahit magkaiba man ang pinagmulan pinagbuklod naman ng iisang damdamin. Ang walang hanggan na pag-ibig.

The end.

Muli,salamat sa lahat!

Next series 8 : Khay Conching Alberto.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now