Chapter 30

2.8K 120 1
                                    

"Okay na ko,Vincent..bumalik na kayo sa tagaytay..gusto ko magkaroon kayo ng oras sa isa't-isa ni Rosede,"anang ng Tita Lynda niya.

Marahas na bumuga hangin si Vincent. Inayos niya ang kumot nito.

" It's alright,Tita..kakalabas mo lang kahapon sa hospital at kailangan masiguro ko muna na dapat ka ng iwan dito mag-isa,"pag-iling niya sa kagustuhan nitong mangyari.

"Pasensya na sa inyo,naudlot tuloy ang bonding niyo ni Rosede..nahihiya ako sa kanya," anang ng Tita Lynda niya.

"Okay lang sa kanya,Tita Lynda..sabi nga niya kapag okay ka na daw saka ka niya sisermunan," aniya na kinatawa ng ginang.

Napangiti siya at tinitigan ang mukha ng tiyahin. Tila nabawasan agad ang edad nito.

"Vincent..ang totoo niyan. Natatakot ako.."

Hinaplos niya ang kabilang pisngi ng Tiyahin. "Huwag,Tita..nasa tabi mo lang ako. Hindi ako papayag na..ayokong isipin natin iyun,okay? Sige na pahinga ka na.." aniya.

Agad naman pumikit ang Tita Lynda niya ng makitang malalim na ang hininga nito saka lang siya lumabas ng silid nito.

Saka lang niya napagtanto. Mababago ang desisyon niya. Paano? Hindi niya pwede iwan ang Tita Lynda niya. Alam niyang natatakot ito.

Mabilis na pumasok siya sa silid niya at nadatnan niya nasa balkonahe ang kasintahan. Yumakap siya rito mula sa likuran nito. Isinubsob niya ang mukha sa mainit nitong leeg.

"She's scared.."

Hinaplos nito ang mga braso niya na nakapulupot sa harapan nito.

"Natatakot din ako para sa kanya.."nahihirapan ang kalooban niyang anas.

Paano na sila?

Pumihit paharap sa kanya ang kasintahan.

" look at me,Vincent.."

Agad na nag-angat siya ng paningin rito.

"You don't have to choice between us kung iyan ang nagpapahirap sayo ngayon," masuyo nitong sabi.

Puno ng pagmamahal na nginitian siya ng dalaga.

"I'm stay here...with you..and for Tita Lynda.." anito na kinasinghap niya.

"P-paano--"

Agad na nilapat nito ang hintuturo sa tapat ng bibig niya.

"I'm choosing you..and stay here. Mahal na mahal kita at hindi ko hahayaan na mahirapan at malungkot ka kung ako ang pipiliin mo at iwan ang nag-iisang tao na meron ka," anito.

Walang salita na niyakap niya ang dalaga. "I'm sorry..Ikaw na lang ang laging nagsasakripisyo satin dalawa,"usal niya.

Hinagod nito ang likod niya. Pinigilan niya na maging emosyunal. Mahirap sa kanya ito. Nahihiya siya sa sarili niya dahiL wala pa siya nagagawa na kahit ano para rito.

"Tama na yan,hmm..ayoko ng isipin mo pa ito. Hindi naman ako papayag na magkalayo tayo at dito..kasama si Tita Lynda. Magsasama tayo ng masaya," anito.

Mas lalo hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kasintahan.

"I love you so much..pangako,gagawin ko ang lahat-lahat para mapasaya kita at mamahalin kita araw-araw o oras-oras..I love you so much," madamdamin niyang usal.

"Mahal na mahal din kita,sapat na sakin ang makasama ka,Vincent.."

"She's choose you at masaya kami na pinili niya kung saan siya sasaya,Mahal na prinsipe," untag sa kanya ng ama ng kasintahan.

Nahihiyang tumango siya rito. "Pasensya na po ...kung..kung hindi niyo na siya makakasama," aniya na hindi makatingin ng deretso sa Hari.

"Ikaw ang kaligayahan niya at hindi namin pwede iyun ipagkait sa kanya at lalo pa nakasaad naman sa propesiya kung saan siya sasaya dun siya dapat manatili," masuyo tugon ng Hari.

"Salamat sa pag-unawa,pinapangako ko po na aalagaan at mamahalin ko ng lubusan ang inyong prinsesa,Mahal na Hari,"sinseridad niyang saad.

"Alam ko,mahal na Prinsipe.."

Isang matapat na ngiti ang ipinukol niya sa Hari.

"Pero bago ang lahat nais ko muna ipakita sayo ang mundo na pinagmulan niya..at para na rin hingin ang blessing mula sa aking mahal na Reyna,"anito.

"Handa po ako,mahal na Hari," agad na tugon niya.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now