Chapter 4

3.1K 162 16
                                    

Para kay Vincent Cestal,ang kababata lang si Samantha ang pinakamagandang babae sa paningin niya pero nahigitan iyun ng babae na nasa harapan niya.

Her wavy shoulder-length hair na nakukulayan ng kulay abo na sa tingin niya ay natural na kulay ng buhok nito. It's look good on her. Bumagay sa malaporselana nitong kutis ng balat. Ultimo ang kulay ng mga mata nito ay kulay abo din!

She's..too beautiful woman.No,hindi sapat ang salitang maganda sa taglay nitong kagandahan!

But she's a doctor,Vincent.

Agad na pinukulan niya ito ng malamig na tingin ng makabawi mula sa pagkakamangha niya rito.

"She's here to convince you,Vincent..and please,magtulungan tayo," pagmamakaawa ng tiyahin niya. Pinatili niya ang malamig na tingin sa babae na nakatitig pa rin sa kanya. Disbelief draw all over her beautiful face.

That's enough,Vincent. Masyado mo na siya pinupuri!

"Hindi ko na kailangan pang magpaopera pa,tanggap ko na hanggang ganito na lang ako na habam-buhay na nakaupo sa wheelchair," malamig niyang saad.

"Pero may pag-asa ka pang makalakad,Vincent. Ikaw lang ito ayaw,"seryoso sabi ng kanyang Tita Lynda.

"Siguro nga,Tita..nakadepende sa ikakabit na bakal para makalakad? I'm not a robot!"pagtaas ng tono niya sa huling salita na sinabi niya.

Kita niya ang pagpipigil ng tiyahin na ipakita ang inis nito sa kanya marahil dahil sa babaeng nakakunot na ang nuo.

Bumaling siya muli sa babaeng doktora. " I don't need you,Dra.Graciano..you can leave now,pasensya na sa pag-aabala sayo ni Tita Lynda.."malamig niya pagtataboy rito.

Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo nito.

"No,Vincent..hindi mo lang alam kung gaano ko hinintay ang araw na makausap si Dra.Graciano," kontra ng Tita Lynda niya.

Napatiimbagang siya sa kakulitan ng tiyahin. "Hindi ako magpapa-opera," mariin niyang sabi.

"Umalis ka na,hindi ko kailangan ng kahit sinong doktor para pagalingin ako," mariin niyang sabi sa babaeng doktora.

"Vincent!" galit na suway ng Tita Lynda niya sa kanya.

"Leave now.." matiim na saad niya rito.

"Vincent! Don't be so rude to her! Pinapahiya mo ako sa kanya!" mangiyak-ngiyak sa inis na saad ng Tita Lynda niya sa kanya na hindi niya pinansin.

"Iwan niyo na ko,gusto ko ng magpahinga,"aniya sabay pihit niya sa magkabilang gulong ng wheelchair paharap muli sa balkonahe ng silid niya.

"Kung ayos lang sayo ang kalagayan mong yan pero hindi ang mga tao na nais kang gumaling pa gaya ng Tita Lynda mo. Kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko para tulungan...ka," sabi nito na kinatigil niya sa pagtalikod rito.

Malamig ang anyo na nilingon niya ito. "Hindi ka Diyos para maibalik mo ako sa dati..na nakakalakad. Huwag mo na akong paasahin pa dahiL kahit may iba pang paraan para makalakad ako hindi na maibabalik pa ang dating ako,"mariin niyang sagot rito.

" Masyado kang ipokrito,"sabi nito na kinatalim ng mga mata niya rito. Malakas na pagsinghap naman mula sa Tita Lynda niya ang naging reaksyon nito sa sinabi ng doktora.

Mariin niya naikuyom ang mga palad.

"Wala kang karapatan na sabihan akong ipokrito,Dra.Graciano..hindi mo ako kilala at kung ano ang pinagdadaanan ko! Umalis ka na!" malakas na sigaw niya rito.

Nanlalaki ang mga mata ng Tita Lynda niya sa inasal niyang iyun pero seryoso at hindi man lang naapektuhan ang doktora sa galit niya kaya naman lalo siya nakaramdam ng pagkairita.

"Out! Get out ! I don't fucking need you here! Don't waste your time here dahil hindi ko kailangan ng tulad mo na wala naman magagawa pa para ibalik ako sa dati! Sino ang ipokrito satin,ha? Ako ba na alam ko na kahit kailan habam-buhay na nakadepende sa ikakabit na bakal sa mga binti ko para makalakad o Ikaw! Na magawa lang ang trabaho kaya kung ano-ano lang ipapakabit niyo sa mga pasyente niyo masabi niyo lang ng may pag-asa pa! Puwes,hindi ako! Kaya umalis ka na!"

"Tama na,Vincent!" malakas na saway sa kanya ng Tita Lynda niya na pahiyang-pahiya sa harapan ng doktora.

Humihingal siya sa galit pero ganun na lang siya natigilan ng makitang ngumisi ang babaeng doktora.

"Well,sorry na lang pero hindi ako basta sumusuko sa mga katulad mo na daig pa ang bata na nagtatantrums. Isang injection lang ng pampatulog ang katapat ng katigasan ng ulo mo,Mr.Cestal,"saad nito na may ngisi pa rin sa mga labi.

Lalo nakaramdam ng galit si Vincent sa sinabi ng doktora. Parang bata na nagtatantrums?!

"Huwag ka ng magalit mapapagod ka lang," pukaw nito sa kanya at sa sinabi nitong iyun pagkairita na ang humalinhin sa galit niya kanina .

Matalim ang mga mata na tinitigan niya ito. Nginisihan naman siya nito.

"Mrs.Cestal..gusto ko makita ang last record niya. I'm willing to help you," sabi nito na hindi inaalis ang paningin sa kanya.

Tiimbagang siya nakipaglaban ng titigan rito.

"I'm looking forward to be your personal doctor,Mr.Vincent Cestal.." nakangiti nitong turan sa kanya.

Sa hindi niya alam na kadahilanan Bigla na lamang nagbago ang tibok ng puso niya at unting-unti napapalitan ng pagkamangha ang nararamdaman niyang pagkairita at galit na bumabalot sa kanya.

Damn hell!

She's not good to him!

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant