Chapter 12

3K 167 15
                                    

He can't sleep. Malalim na ang gabi at hindi pa rin siya makatulog dahil hindi mawala sa isip niya ang napanaginipan.

Pero...tila naman totoo nangyari. Hindi niya alam pero naramdaman niya ang pagdampi sa balat at labi niya ang mainit na labi nito..ni Dra. Graciano.

He remember on his dreams na kumalma siya. He's having a bad dream and suddenly a beautiful face of Dra. Graciano appeared. Panaginip lang ba yun o totoo?

Marahas na napabuga siya ng hangin at ibinaling ang paningin sa bukas ng balkonahe niya. Kanina umaga nakita niya nasa may balkonahe ang roba niya at iyun ang nakita niyang suot ng doktora sa panaginip niya!

Crazy..is he going to crazy now? Gaya ng sinabi ng doktora ng nakaraan kung sino sa kanila ang mababaliw!

At mukhang siya ata yun!

Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng kandungan niya. Natigilan siya ng makita na may kung anong anino na gumagalaw sa may balkonahe niya. Gustuhin man niya alamin hindi naman niya magawa dahil sa kondisyon niya. Ugali na niya na panatilihin bukas ang balkonahe niya dahil mas gusto niya ang liwanag ng buwan kaysa buksan niya ang lampshade ng silid niya.

Muli gumalaw ang aninong iyun. Alam niyang wala pang sinuman ang nagtangka na pasukin ng masasamang tao ang lugar nila. Inabot niya ang kanyang celpon sakali man na kailanganin niyang tumawag agad na may sasaklolo sa kanya.

Marahas siyang napabaling sa balkonahe at tumigil ata ang pagtibok ng puso niya ng makita ang isang hindi pangkaraniwan nilalang na nakatayo sa balkonahe niya. Nakatitig sa kanya ang dalawang malalaking mga mata nito. Kahit na natatakpan nito ang liwanag ng buwan kitang-kita pa rin niya ang kulay abo nitong mga mata. Ang makapal na balahibo nito na kulay abo din at nakakamangha na kumikinang iyun sa ilalim ng liwanag ng buwan.

But those grey eyes is looks so familiar to him!

Pero..anong ginagawa ng...

Napalunok siya ng humakbang papasok sa silid niya ang malaking nilalang na iyun. Napahigpit ang hawak niya sa celpon. Isang pindot lang siguradong may papasok sa silid niya para saklolohan siya!

Pero hindi naman niya magawa ikilos ang sarili dahil tila nahipnotismo siya ng mga mata nito.

Kakatwa pa roon hindi siya makaramdam ng...panganib at..takot mula rito.

Pero hindi ba dapat mangamba siya rito dahil siguradong sasaktan siya nito!

"Stay..there," usal niya na pinakikiramdaman ang nilalang na iyun.

Malakas at mabilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Nanatili naman nakatayo ito sa may paanan ng kama niya. Unti-unti nakakalma siya at hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman niya habang magkapagkit ang kanilang mga mata.

"Hindi mo ako sasaktan..?" saad niya halos pabulong na lamang iyun.

Napakurap-kurap siya ng makita ang bahagyang pag-iling nito.

"D-did you understand me?" maang niyang tanong rito.

Muling nagreak ang malaking nilalang. Isang hindi makapaniwalang tawa ang kumawala sa mga labi niya.

"Seryoso?!"natatawa niyang turan. Bigla nawaglit ang kaba at pangamba niya na papausbong kani-kanina lamang.

Natigilan siya ng matanto ang naging reaksyon niya. Matagal na ng huli siyang tumawa!

Napailing sya at muli sumeryuso. " Dapat ako matakot sayo pero..bakit wala akong maramdaman ganun?"wika niya.

Marahas siya napabuga ng hangin. "Saan ka galing? Paano ka napunta dito? May nag-aalaga ba sayo?"sunod-sunod niyang tanong rito.

Nanatiling nakatitig sa kanya ang mga abo nito mata hanggang sa gumalaw ito at dumapa ng pwesto sa sahig sa may paanan ng kama niya.

Hindi niya napigilan ang matuwa at mapangiti.

"Gusto mo...rito?" tanong niya rito.

Tinitigan niya ito."Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng isang tulad mo?" aniya sa namamanghang tono.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kaso...bakit nakikita ko siya sayo?" anas niya na mataman na nakatitig sa mga mata nito.

Mula ng makita niya ang Doktora iyun ang dami ng nabago sa kanya at mga weird na nangyayari sa kanya. Ngayon ,ito naman! Bigla na lang may sumulpot na isang malaking nilalang na ito.

"Hindi ko alam kung ano ka..pero pwede ba kitang pangalanan ?"

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.

"Rosede," wika niya.

Baliw ka na,Vincent!

Wala naman nakakaalam kundi siya lamang at ang pambihirang nilalang na nasa silid niya.

Sa tagal na naninirahan siya sa lugar na ito ngayon lang sumulpot ang tulad nito gayundin na bigla na lamang dumating sa buhay niya ang doktorang iyun.

Marami mga bago na nangyayari sa kanya. Ang mga hindi pamilyar na emosyon na nararamdaman niya lahat ng iyun ay mula ng makilala niya ang doktoranh iyun.

Gustuhin man niya abutin ang malaking nilalang hindi naman niya magawa at tila ba naintindihan iyun nito dahil tumayo ito at maingat at marahan na lumapit sa kanya.

Namamanghang nakasunod ang mga mata niya rito.

"Gusto mong...hawakan kita?"marahan at nanantiya niyang saad rito.

Bumaba ang sa may kandungan niya ang mabalahibo nitong ulo na kinasinghap niya.

Napakurap-kurap siya. Ang mga braso na nakataas sa ere ay unti-unti bumaba at humaplos sa balahibo nito.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

This is so unbelievable.

Ramdam na ramdam niya sa kanyang kandungan ang init nito at tila nagbibigay iyun ng kakuntentuhan at init sa malamig niyang mundo.

Nakapikit ang mga mata nito. Namamanghang pinagmamasdan pa rin niya ito habang masuyong hinahaplos ang balahibo nito na kasinglambot ng bulak.

"Okay lang ba sayo na pangalanan kitang Rosede,hmm?"

Bumaling ang mukha nito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Your eyes..katulad ng mga mata niya,"saad niya na tila nahihipnotismo sa mga mata nitong malalaki.

Marahas siyang bumuga ng hangin. "But you know what? Kahit na annoying ang doktora iyun..she's not giving up on me at..iyun ang nagustuhan ko sa kanya,i mean..that kind of person na hinahangaan ko,"pagsasalita niya habang nakatitig sa mga mata nito at tila naman ito nakikinig na animo'y naiintindihan siya nito.

Muli siya nagpakawala ng hangin. "Sana...hindi siya sumuko sakin. I know I'm being a rude to her..but i like her,"matapat niyang saad.

Yes,isang pambihirang nilalang lang pala ang masasabihan niya ng saloobin niya.

"That's a secret,okay?"untag niya rito.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now