Chapter 44: Miscarriage

Comenzar desde el principio
                                        

“Take a good care to our daughter,” sabi ng ina nito, “You should talk.”

“We will.”

Tumabi siya sa dalaga at agad na hinalikan ang kamay. Isa-isa nang nagsialisan ang mga magulang nila hanggang sa silang magkakaibigan na lang ang natira. Galit na galit pa rin si Iris sa kaniya ngunit nagtitimpi na ito ngayon. Tulad ng sabi ni Zayn, bumalik nga sila ni Chezca nang bihis na. Pinauwi ng mga ito ang mga kaibigan upang makapagbihis din at hindi naman na sila pa kumontra.

But him. Hindi siya pumayag. Ayaw niya itong iwanan. Kailangan nilang mag-usap. Gusto niyang siya ang unang makikita ng dalaga sa mga oras na magkamalay ito. Wala naman nang nagawa ang magkasintahan kaya sinamahan na lang nila si Matthew na nagmumukmok sa tabi ng natutulog na dalaga.

Gabi na ngunit hindi pa rin ito nagigising. Nagutom si Chezca kaya naman nagpaalam silang muli para bumili ng makakain nilang tatlo. May pumasok na nurse para i-monitor ang lagay nito. May mga laboratory tests pa raw kasing ginawa kanina at ngayong gabi malalaman. Ayaw man niyang iwan ang dalaga, kailangan niyang gawin. Tumatawag kasi sa phone niya ang babaeng may kagagawan ng lahat. Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo niya nang makita ang pangalan nito sa screen ng phone niya. Lumabas siya para kausapin ang babae. Hinding-hindi siya makapapayag na hindi nito mapagbabayaran ang nagawa nito. Pinatay niya ang anak ko. Mananagot siya. Pagsisisihan niya! Parang gusto niyang ipasok ang kamay niya sa phone niya para sakalin ang babae nang nakalolokong tawa nito ang sumalubong sa kaniya.

Mapapatay ko talaga siya.

“You killed my child!”

“Really? Wala na pala kayong anak,” tumawa pa ito nang nakaiinis. “If that's the case, panagutan mo ang anak natin.”

Martina's POV

“You're awake.”

“Doc, what happened? Is my baby safe? Okay naman siya, 'di ba? You saved my baby, did you? Tell me, my baby is fine, please.” Sinubukan kong umupo pero pinigilan niya ako.

Safe ang baby ko, safe siya, hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mawala ang anak ko, hindi puwede. Paano na lang ako? Kailangan ko ang anak ko!

“You should calm first, please,”he begged.

“Just tell me, what happened?”

I am trying my hardest to contain my tears from falling. I am glad, I succeeded, but his next words make my world doomed in a blink. My tears fell completely.

“We did everything, Miss Fortalejo.” No! “But we lost the baby.”

I shook my head. No, it is not true. Umupo ako kahit ayaw niya akong payagan.

“No, doc, you are kidding.”

“I am sorry.”

Napahagulgol ako sa iyak. Hindi ko matanggap. Anak ko 'yon, for God's sake! Nawalan ako ng anak! Putang babaeng iyon! Kasalanan niya ito! Kasalanan nila ni Matthew ito — Ang lalandi nila, mga makakati!!! Pinatay nila ang anak ko, parang pinatay na rin nila ako! Magbabayad sila. Pagsisisihan nila ito. Mga hayop sila.

“No, don't cry, Miss Fortalejo, it's not good for the baby,” sabi niya na nagpatigil ng mundo kong magulo.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa mata ko, pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kunot-noo ko siyang pinakatitigan. A–Anong ibig niyang sabihin? Wala na akong baby, hindi ba?

“What... What do you mean, doc?” naguguluhang tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha ko na wala namang pinagbago dahil umaagos pa rin ito nang umaagos. “A–Akala ko ba....” Akala ko ba.... “I thought I miscarried the baby? You said we lost it?”

“Yes,” he confirmed before smiling, “But there is good news.”

“Please, don't be a pinata, ayoko ng pabitin dahil baka mahambalos kita,” sabi ko na nagpatawa sa kaniya.

Ewan ko ba kung saan ko nakuha ang joke na 'yan. Iyak na ako nang iyak, nakuha ko pa talagang magbiro — pero hindi talaga ako nagbibiro. Hahambalusin ko talaga siya kung patuloy niya akong bibitinin.

“Stop crying, Miss Fortalejo. Yes, you miscarried the baby,” he said carefully. “But the good news is, you had twins!” masayang sabi niya na nagpahinto ng pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung mas maiiyak ba ako or ngingiti or tatae na lang sa tuwa — Hindi ko alam!

“Re–Really?”

So, ayon nga, naiyak ako sa tuwa.

“We run some tests for there is this strange heartbeat inside of you after losing the other, but really, it is a wonderful thing that the other survived. So, please, don't stress yourself no more or you'll lose it too.”

Kung ano-ano pang sinabi niya pero hindi na nag-sink in sa utak ko. My mind's too occupied by the thought of I still have a life inside of me, inside my womb, my baby.

Too bad, it should be twins, but still, thank God, he saved the other. I am so blessed and grateful dahil hindi niya pinabayaan ang anak ko. I am sooo, so happy! Aalagaan ko ito, ilalayo sa gulo.

Ilalayo ko siya rito.

“Doc,” I called him.

“Yes?”

“Please, don't tell anyone that I had twins.”

“What?”

Mukhang naguluhan pa siya at nagtaka kaya ipinaliwanag ko ang gusto kong mangyari at naintindihan naman niya. Ayaw kong malaman ng kahit na sino na may kambal ang anak ko. Ayaw kong malaman nila na may natira pa sa sinapupunan ko. With that, madali akong makakatakas. Buo na ang desisyon ko, lalayo ako, for good. Hahayaan ko na si Matthew sa babae niya. May anak daw sila, eh, 'di magsaya sila. Magsama sila! Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko. Isa pa, sasaktan lang nila ako nang paulit-ulit kung mag-i-stay ako rito. Ayaw kong madamay ang anak ko. Mas mabuti nang magpakalayo-layo ako. Sa ganoong paraan, mas tatahimik ang buhay ko, kasama ang anak ko.

I have a lot in my pocket, kahit hindi ako magtrabaho, may pera ako. Kahit wala si Matt, mabubuhay ko ang anak ko. Hindi ko siya kailangan. Sabi na eh, pare-pareho lang sila, mga manloloko. Hinding-hindi na talaga ako magpapaloko sa kahit na sino.

Huli na ito, Matt.

Ayoko na.

Mahal na mahal kita, pero ginago mo ako.

Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita.

Salamat na lang. Salamat sa kaniya, naramdaman ko ang muling sumaya. Naramdaman kong maging ina na naghahanap ng kung ano-anong weird na pagkain. Salamat na lang din sa tulong niya, may anak ako na magbibigay kulay sa naging black and white kong buhay. Salamat kasi ipinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako — kahit hindi ko alam kung totoo.

Salamat sa kaniya.

Thanks to you, my babe.

Escaping StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora