Ito kasing si Diane eh, inimbitahan pa si Matthew sa dinner. Sa halip na makapag-bonding kami eh, may asungot tuloy.
“Kayo na lang, ayaw kong kumain,” sabi ko nang pasakay na kami sa elevator papuntang deck. Diretso swimming kasi ang gusto ng mga babaeng 'to. Sana naman ay hindi na makisawsaw 'yung lalaking 'yon. Ma-contaminate pa 'yung tubig sa kababuyan niya. Mahal ang tubig ngayon! Bakit ba galit na galit ka sa kaniya? Parang wala kayong pinagsamahan ah. Wala naman talaga. Pinagsaluhan siguro, oo.
“Hindi puwede,” hila niya sa akin papasok ng elevator, “Minsan na nga lang tayo magkasama-sama dahil sa sobrang busy, aayaw ka pa,” sabi ni Madame Cara.
Yeah, right. Minsan na nga lang, may extra pa.
“Fine.” Tsk. Nandito na ako eh. Umakyat na ang elevator, may magagawa pa ba ako?
“Nandito na pala si Mr. Mondragon,” sabi ni Iris. Agad naman kaming napalingon.
“Excited?” bulong ko.
“Chill ka lang, mumsh. Puso mo,” natatawang sabi ni Cara.
“Let's have a seat,” tawag ni Iris.
Naupo ako, at dahil lima kami ay tatlong upuan ang nasa kabilang side ng long table. Doon ako pumuwesto sa side ng table na may dalawang upuan lang para sana makatabi ko ang nakapulupot sa braso kong si Cara.
“Ba't ka diyan?” may halong pagkagulat, pagtataka, at pagkairita na tanong ko kay Cara na katabi na nina Diane at Iris sa kabila.
Napatingin silang lahat sa akin. Agad rin namang nalipat ang tingin ko kay Matthew na nasa tabi ko.
“Ayaw mo ba akong makatabi, babe?” Then, he flashed his so, freaking fine smile. The fuck?
“Stop calling me babe,” I said as I called the waiter to serve the dishes.
I just sat down. Nandoon na siya eh, may magagawa ba ako? Na naman? Wala nga akong magawa, 'di ba? Lagi na lang nasa kanila ang desisyon, hays.
“Why? It's our endearment. You use to call me that too. Especially, when—”
“Shut the fuck up,” I said, firmly and irritated. He chuckled. They all did, actually.
Sige, pagtawanan niyo ako. Kutusan ko kayo sa fallopian tubes eh, makikita niyo.
“So, Mr. Mondragon....”
“Please, I'd be glad if you call me Matthew.”
Nag-umpisa na kaming kumain at mag-kuwentuhan. Sila lang pala. Wala akong ganang makisali. Wala akong ganang kumain.
“Matthew, we've heard that you have the position in your company. Is it true that your father are planning to give you his post?” Iris asked.
“Oh, that? I haven't think of it. Now, I am still adjusting to my new job as the company's President.”
“I think you're really good in business. Look at you, it's just five years since you'd graduate and you already have that presidency, soon to be the CEO,” manghang-mangha na sabi ni Diane.
“Well, I'm flattered. Ayaw ko nga sanang tanggapin 'yung position kaso mapilit si dad. He thought, I deserved it. Preparation na rin para sa future namin ng napakaganda kong girlfriend,” Matt confidently proclaimed, smiling to them.
Ugg? Ipagmayabang mo pa 'yang babae mo. Harap-harapan pa talaga, huh? Landi mo! I nearly groaned.
“And who is this lucky woman you are talking about?” Cara asked.
YOU ARE READING
Escaping Strings
Romance= Tempted Series 1 = No strings attach, But you happen to change it. All the strings attach, I don't think I can handle it. Martina Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 11, 2018 - July...
