Chapter 5: Him?

417 17 0
                                        

Bakit gan'on? Bakit ang sakit? Bakit parang mas lalong humirap? Bakit feeling ko mas magiging complicated? Ang hirap, ang hirap magpakatanga. Ang hirap magbulag-bulagan lalo na kung kitang-kita mo naman na may ginawa siya. Ang hirap maging mabait. Nasasaktan ako. Mahal k— teka nga! Anong drama 'to, Martina Fortalejo? Anong pinagsasabi mo riyan? Saan ka nasasaktan? Saan ka nahihirapan? Takte ka talaga, landi mo! The precious alter ego of mine scolded. Lagi naman, tss.

Hindi ako nasasaktan, okay? Okay na ako. Infatuation lang 'to, Dios mío. Utot lang 'yan. Isang napakalakas na flatulence lang 'yan na hindi ko nailabas kaya napunta sa kaloob-looban ng katawan ko. Nakakaloka naman 'tong mundo ko. Oo, mahal ko si Vince — No, minahal ko siya at tapos na 'yon! Oh, eh, anong drama 'yan? May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Wala, naiyak lang ako kasi ang sakit pala noong mga nangyari. Naalala ko lang 'yung mga kagaguhan niya noon. Plus, the spice of an alcohol. Hahaha! Leche, may tama na ako at tama na talaga dahil naloloka na ako. Kung ano-ano nang lumalabas at pumapasok sa isip ko. At bakit naman daw ako umiinom ngayon? Kasi tanga ka, gaga, magpapaloko ka na naman diyan sa Rafael Vincent na 'yan! Tae ka talaga, Martina. Grabe, eh, sa nalulungkot ako eh, kaya ako umiinom. Ang sakit. Oo, ang sakit, sakit. Walang taong gugustuhing makita ang mahal nilang may kasamang iba. Hindi lang basta kasama… hubo't hubad pa. Well, mahal noon, kahibangan na lang ngayon. Moved on na ako, friends na nga kami oh. Ang sakit lang talagang isipin na hinayaan ko ang isang tao na gamitin ako noon. Hindi na mauulit 'yon ngayon. I won't let him, any of them! Sila ang gagamitin ko and as you see, I am already having my revenge to guys like him. Jerks, tsk. Ah, basta, trip ko uminom ng alak ngayon. Angal?

I sighed.

“Tapos na 'yon, Martina. Tama na!” I mumbled.

“Are you okay?”

'Wag mo kasing kausapin ang sarili mo, sis! May kasama ka oh. Nakakahiya ka talaga kahit kailan. Abnormal na talaga ako.

“Hmm?” balik tanong ko kay Mr. Hottie Stranger.

Nakalimutan ko 'yung name niyang nakasulat sa ID niya. Hindi ko naman kasi tinitigan… basta Maganern! Tapos mukhang kaapilyido niya 'yung isa naming beshy. Mukha lang… hindi ako sigurado. Nakalimutan ko eh, hehe.

“Bakit naisipan mong uminom?” he asked, staring at his drink.

We're sitting on the floor of my living room, facing the coffee table. Ang couch naman ay ang nagsisilbing sandalan namin.

“Trip ko lang. Why? Do I have to bear some achings or whatsoever just to give you enough reason to drink?” Sinubukan kong tumawa sa harap niya pero napatingin lang siya sa akin nang para bang hindi siya satisfied sa dinahilan ko.

Bakit ba feeling ko lahat ng gagawin ko ay dapat na ipagpapaalam ko pa sa kaniya? At ano na naman ang iniisip niya? Hindi siya naniniwala? Hindi ko naman kailangan ang paniniwala niya. Who is he anyway?

“Who is he?” he asked too without blinking an eye.

Ako naman itong napatulala nang dahil sa tanong niya saka napakurap nang tatlong beses. Ano na naman ang sinasabi niya? Anong sino siya? May kasama ba kami rito?

“Who is who?” I asked back and chuckled.

I am trying to lighten the air between us but he just cleared his throat and look away. Couldn't he just give me a smile? Lagi naman siyang nakangiti kapag kasama ako, bakit hindi niya ako mabigyan ng ngiti ngayon?

Escaping StringsWhere stories live. Discover now