“She is now stable. We still have to run some more tests to ensure her safety,” he said.
Para naman silang nabunutan ng tinik sa narinig, pero hindi nakaligtas sa paningin ni Matthew ang hindi magandang expression sa mukha ng doktor nang para bang may gusto pa itong sabihin na hindi maganda.
“Doc, what is it?” Lumapit pa siya rito, “What really happened? The... The baby? H–How's my baby?”
“I'm sorry, Mr. Mondragon, we did everything, but we lost the baby,” malungkot na pahayag nito.
Napaupo siya sa sahig nang dahil sa narinig. He could hear how the doctor continuously apologizes for what happened, as well as the people's cry and rants — blaming him, pero habang tumatagal, para siyang nabibingi. Para siyang namamanhid. Wala siyang maramdaman, hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang doktor. Hindi niya marinig ang mga sigaw ni Iris sa kaniya. Hindi niya maramdaman ang mga kamay ni Jacob na humahatak sa kaniya patayo. Natauhan na lang siya nang yakapin siya ng kaniyang ina at punasan ang mga luha niya.
“At least, one of them were saved. Martina is safe, son,” her mother said while caressing both of his cheeks.
“Ma, I didn't mean it. I love Martina, she is my everything,” sabi niya sa ina habang nakapikit dahil sa walang tigil na luhang nagmumula sa mga mata niya.
“I know. Now, hush.” Niyakap siya nitong muli, “Inilipat na siya ng room. You should be on her side.”
“She might not want to see me,” nag-aalalang saad niya.
“You have the rights to be with her, you can't give up.”
Napatingin siya sa mga mata ng ina. Makahulugan siya nitong nginitian na nagbigay buhay at lakas ng loob sa kaniya.
“Not now, son, not after everything you've done with and for her.”
Pumasok siya sa silid kung nasaan ang dalaga. Mga matang galit at mga matang malulungkot ang sumalubong sa pagpasok niya. Nilapitan niya ang mga magulang nito. Nakaupo ang ina ng natutulog na si Martina sa tabi niya habang hawak-hawak ang kamay, habang ang ama naman nito ay nakatayo at nakaakbay sa gilid ng asawa.
“Mom, dad, please, hear me out. I am begging you, hear me out, forgive me,” nakayukong pakiusap niya sa mga ito.
Humalik ang ina nito sa ulo ng anak niya bago tumayo para harapin siya. Ngumiti lang ito nang malungkot at niyakap siya. Nagulat pa siya noong una pero ginantihan niya ito at hindi napigilang umiyak.
“I am really, really sorry.”
Umiling ang ina nito bago humiwalay sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at pinatingin siya rito.
“You should talk, sweety, the two of you. If there is a person you should give your explanation to, it's her,” tukoy nito kay Martina.
“I am disappointed, Matthew,” sabi naman ng ama nito.
“It's my fault. I am so sorry.” Naiyak siyang muli at yumuko.
“No,” hawak nito sa balikat niya.
Nilingon niya ang ama ni Martina. Walang bahid ng galit ang mukha nito kung hindi ay disappointment.
“Talk to our daughter, but please, talk to your other woman.”
“Wala po kaming—”
Umiling ang lalaki tanda na hindi na niya kailangan pang magpaliwanag. Tumahimik na lang siya at nilingon ang dalaga.
“It hurts that we lost our first grandchild, but it's His will. We can do nothing about that,” sabi pa ni Martin.
“We'll be going first, son,” paalam ng ama ni Martina, “Irene needs rest.”
YOU ARE READING
Escaping Strings
Romance= Tempted Series 1 = No strings attach, But you happen to change it. All the strings attach, I don't think I can handle it. Martina Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 11, 2018 - July...
Chapter 44: Miscarriage
Start from the beginning
