“Iris, tama na, please,” mariing saway ni Cara.
“Akala ko ba, mahal mo ang pinsan ko?” tanong naman ni Diane na umiiyak din. “Bakit mo siya niloko? Bakit mo binuntis ang babaeng iyon? A–Ang kapal ng mukha mo!” Susugurin din sana siya nito ngunit agad itong hinarang ni Jacob.
Niyakap ito ng pinsan niya at pinaupo sa upuan sa kabilang side saka pinatahan. Si Iris naman, hinila ni Chezca at Cara paupo sa upuan malapit kina Jacob at Diane. Masama pa rin ng tingin nito sa kaniya na nagpabuntong hininga sa kaniya. Napaupo siyang muli at naiyak. Bakla man tingnan pero hindi niya na makayanan. Si Martina na ang pinag-uusapan, hindi niya kayang mawala ang babaeng pinakamamahal niya.
“I am sincerely apologizing for causing trouble and hurting your friend, your twin,” sabi niya sa kanila bago muling nagtakip ng mukha dahil sa luhang nadaloy sa pisngi niya. “Oo kasalanan ko, gago ako! Tanga! Hindi ako nag-iisip ng tama. Hindi ko dapat na hinayaang makalapit pa sa amin ang babaeng iyon, pero wala akong ginawa.”
“Too late to say those things. Nangyari na, Matt. Hindi na maitatama ang mga pagkakamali mo,” mariing saad ni Iris.
Dumating ang boyfriend nito at inilayo ito sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ni Zayn kay Chezca, ngunit bago umalis, tinapik muna nito ang balikat ng kaibigan.
“She will be fine,” ngiti nito sa kaniya. “Babalik din kami. I just need to calm my baby,” tukoy nito sa babaeng inaakbayan niya.
“Thanks, man,” sabi niya na tinanguan ng kaibigan bago tuluyang umalis.
“Dude, don't worry too much,” sabi naman ni Adrian. “They will be alright. Just call me when you need me, but now, I have to go.”
Adrian asked for a fist bump and he accepted it before letting his friend have his way. Naiwan siya sa waiting area kasama sina Jacob, Diane, at Cara na hindi mapakali. Pauli-uli ito at mukhang hindi na talaga makapaghintay sa kung anumang balita sa kaibigan. Kaya naman agad itong lumapit sa doctor na galing sa silid kung nasaan si Martina.
“Doc, how is my best friend?!” tensed na salubong nito.
“Seriously, nauna pa siya sa akin?” tanong niya sa sarili niya bago napailing. Mukhang mas may karapatan na talaga ngayon ang mga kaibigan niya nang dahil sa nangyari ngayon. Hindi ko naman talaga sinasadya. I am hurt too!
“She is fine now, ma'am, but....” Huminto ito at yumuko saka bumuntong hininga.
Muli nitong hinarap si Cara bago inilibot ang paningin, “Where are the other family of the patient?”
“I am her cousin,” sagot ni Diane.
“I'm her twin, doc. What happened to my twin? How is she? How's the baby? Tell me they're alright, please,” she begged as she landed in front of the doctor, teary-eyed.
“I am so sorry, ma'am—”
“Why are you sorry?!” Hindi niya mapigilang sumingit.
May karapatan pa rin naman ako, hindi ba?
“What happened to my—”
“Oh, please, Matthew, back off!” tulak sa kaniya ni Iris.
“Iris!” saway nina Jacob at Kean sa dalaga.
Muli siyang hinila ng boyfriend niya palayo kay Matthew at pinagsabihang makinig sa doctor. Wala naman itong nagawa kung hindi ang sumunod.
“Dr. Ona, what happened to my daughter?” umiiyak naman na tanong ng ina ni Martina habang patakbo itong lumalapit sa doktor.
Agad naman siyang inalo ng asawa bago muling ulitin ang tanong. Ang lahat ay kabado, natatakot sa sasabihin nito, ngunit kailangan nilang malaman ang kalagayan nito sa ayaw at sa gusto.
YOU ARE READING
Escaping Strings
Romance= Tempted Series 1 = No strings attach, But you happen to change it. All the strings attach, I don't think I can handle it. Martina Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 11, 2018 - July...
Chapter 44: Miscarriage
Start from the beginning
