15 - Night 7 Part 4

41 7 0
                                    

[Night 7 Part 4]

Patuloy lamang sa pagtakbo sina Laira, Blane, Ciara at Risha sa madilim na kagubatan. Hindi nila alintana kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa kahit katiting na liwanag lamang ang kanilang nakikita mula sa buwan. Malayo na ang kanilang narating, ang pagod ay unti-unti na nilang nararamdaman at kinakapos na rin ang kanilang mga hininga dahil sa matagal na pagtakbo.

"S--ssandali... Hindi ko na... Kaya." Hinihingal na huminto sa pagtakbo si Laira dahilan para mapatigil din ang tatlo niyang kasama. Habol nila ang kanilang mga hininga nang mapahinto sandali.

"T-teka, nasaan yung iba?!" Gulat na wika ni Blane nang hindi na mahanap ng kanyang mga mata ang apat pang kasamahan.

Nabaling ang atensyon ng tatlo kay Blane, muling bumalot ang takot at kaba sa bawat isa. Agad na nabalisa ang apat saka inilibot ang paningin sa kanilang paligid, maingat nilang pinagmamasdan ang gubat ngunit hindi nila mamataan ang iba pang mga kasama. Mas lalong binalot ng kaba si Risha dahil batid niyang ano mang oras, susunduin na siya ng kamatayan.

"Saan sila nagpunta?!" Kinakabahang bulalas muli ni Blane at hindi na mapakali na panay ang lingon sa kaliwa't kanan.

"Hanapin natin sila. Hindi tayo pwedeng magkahiwa-hiwalay." Pahayag ni Ciara habang sinusuyod ng kanyang paningin ang madilim na kagubatan.

"Bumalik tayo-"

"T-teka! Pag bumalik tayo, b-baka... Baka... Patayin na ako!" Nanginginig sa takot na wika ni Risha.

Nag-aalala ang mga matang nagkatinginan ang tatlo. Naaawa nilang binalingan ng tingin ang kaibigan. Dahil sa pagiging hindi sigurado kung patuloy pa rin ang epekto ng mga rosas, mas lalong binabalot ng kaba at takot ang kanilang mga sistema sa katotohanang pilit silang nangangapa ng liwanag sa dilim at oras na rin ang kanilang kanilang kalaban sa pagdating ng kamatayan. Ngunit oras din ang kanilang pag-asa upang maabutan ang liwanag sa madilim na pagsapit ng buong gabi, liwanag na magpapanatili sa kanilang buhay.

"Risha, nandito kami. Hindi namin hahayaan 'yon. Poprotektahan kita, kahit ikamatay ko pa!" Pagpapagaan ng loob ni Blane saka niyakap ito.

"Ay, ako rin ah! Syempre!" Sang-ayon ni Laira.

"Tsaka na kay Laira pa naman ang mga bulaklak. Malalaman natin kung... May epekto pa rin yun." Dagdag ni Ciara. Lumuluhang napatango si Risha at unti-unti na ring naglaho ang kaba at takot na kanyang nararamdaman. Gayunpaman, hindi pa rin niya maitatanggi na hindi pa rin siya kampante sa mga maaaring mangyari. Batid niyang sa oras na makaharap na niya ang kamatayan, wala nang sinuman ang makapipigil pa rito. Ang malaman niyang handa ang mga ito na itaya ang kanilang buhay alang-alang para sa kaniyang kaligtasan ay tunay na nagpagaan ng kanyang loob at naging malaki ang naitulong nito para maibsan ang takot niya na harapin ang kamatayan.

"Ahhmm... Guys..." Nag-aalangan at mahinang wika ni Laira. Nagtatakang napalingon ang tatlo sa kanya. Nakayuko ito at nag-aalangan pang mag-angat ng kanyang ulo para magtama ang paningin nilang lahat.

"B-bakit? May... Problema ba?" Tanong ni Blane. Muling binalot ng kaba ang tatlo nang hindi agad makasagot ang kaibigan. Hindi nila inalis ang kanilang paningin sa nakayukong si Laira habang hinihintay ang sasabihin nito, hanggang sa dahan-dahan itong nag-angat ng paningin sa tatlo na mayroong bahid ng pag-aalala at tila pagkakasala sa kanyang mga mata.

"Laira...?" Marahang hinawakan ni Ciara ang balikat ng kaibigan habang hindi inaalis ang mga mata sa paningin nito. Muli itong napayuko, naramdaman ni Ciara ang mahinang panginginig ng kamay ni Laira.

"Sorry guys... Naiwala ko yung mga white rose. Hindi ko na alam kung nasaan- siguro- siguro... Nabitawan ko yun nung tumakbo tayo dahil sa sobrang takot! Sorry talaga..."

White Rose ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon