4 - Night 3

61 9 0
                                    

[Night 3]

"Hindi... HINDIIIIII! HINDI 'TO TOTOO!!! CINDYYY!!! GUMISING KA!"

Nawindang ang ilan sa mga naiwan sa loob ng mansyon nang marinig ang isa pang sigaw na galing naman sa kaibigang si Rex. Nagmamadaling napatakbo ang mga ito at napasunod sa iba pang mga kaibigang nauna nang tumingin kung ano ang meron sa labas. Dali-dali pang tinungga ni Laira at Risha ang inuming tubig dahil sa pagmamadaling kumain para mabilis na makasunod at malaman ang pangyayari sa labas.

"Teka ano bang—"

Hindi na naituloy ni Laira ang sasabihin nang matunghayan ang sitwasyon ng mga kaibigan lalo na si Cindy. Napatakip ito sa kanyang bibig at bumakas ang takot sa kanyang mukha. Pinanood niya kung paano mahirapan si Rex na hawakan ang kasintahang isang malamig ng bangkay sa kanyang harapan.

Nakamulat pa ang mga mata nito at bahagyang nakaawang ang bibig habang naliligo sa sariling dugo at punong-puno ng mga piraso ng bubog ang kanyang katawan hanggang mukha. Hindi magawang hawakan ni Rex ang mukha ng kasintahan dahil sa mga bubog na nakabaon sa ulo't pisngi nito.

Napuno ng malakas na hagulgol at paghihinagpis ang senaryo sa labas ng mansyon mula kay Rex dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ng kasintahan. Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang malaking bintana sa labas sa bandang gilid ng mansyon kung saan kitang-kita ang mga natira pang mga bubog na naiwang nakakabit pa sa bintana. Isang malaking misteryo sa lahat ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng kaibigan.

Samantala, hindi man magawang tignan nang matagal ni Ciara ang kalagayan ng walang buhay na kaibigan, nahagip ng kanyang mata ang isang tuyong rosas na malapit sa kamay nitong nakalayalay sa lupa na natatakpan ng mga tuyong dahon. Napakunot ang kanyang noo sa pagtatakha ngunit isinantabi na lamang nito ang nakita at nanatiling tahimik sa gitna ng malungkot na senaryo na nakapinta sa mukha ng bawat isa.

"SINONG GUMAWA NITO?!" Nanginginig at puno ng galit ang mga matang sigaw ni Rex nang makatayo at humarap sa mga kaibigang nakikiramay sa pagkawala ni Cindy.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng lahat, bahagya pang napaatras ang mga ito at ang ibang mga nakayuko ay biglang nag-angat ng kanilang mga ulo. Agad namang nakabawi ang iba sa pananahimik mula sa kalunos-lunos na pangyayari at dinepensahan ang mga sarili.

"Bro, kumalma ka—"

"@&#&%%! PAANO AKO KAKALMA HA?! PATAY NA SI CINDY ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! TUMAWA?! G*** KA PALA EH!" Singhal ni Rex sa kaibigang si Noel dahilan para maputol ang sinasabi nito.

Agad naman umawat sina Prince at Marco dahil akmang susugurin ni Rex si Noel.

"Hindi naman sa ganon—"

"SINONG PUMATAY SA KANYA?!"

Muling natigil sa pagsasalita si Noel nang muling magwala ang kaibigan. Napasalampak ito sa mga tuyong dahon na naipon na sa lupa habang humahagulgol pa rin ito ng iyak.

Nagkatinginan naman ang bawat isa dahil sa winika ng kaibigang si Rex.

"Wala naman sigurong makagagawa sa'tin nito 'di ba? Magakakaibigan tayo rito." Malungkot na wika ni Ciara at may panghihinayang na tinapunan ng tingin ang bawat isa.

"Kung sakaling isa nga sa'tin ang may kagagawan nito... Sino?" Seryosong tanong ni Nico at sinuri nang mabuti ang bawat isa.

White Rose ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu