1 - Night 1

182 9 0
                                    

[Night 1]

Madaling binalot ng dilim ang buong paligid, mas tumahimik na rin ang lansangan dahil karamihan sa mga tao'y naroon na sa kanilang mga tahanan at naghahanda na para magpahinga. Ngunit hindi niya alintana ang dilim at nakatatakot na pakiramdam dala ng malamig at tahimik na gabi. Mag-isa niyang tinatahak ang daan na mayroong karampatang liwanag na binibigay ng mga poste, hindi nababahiran ng takot ang kanyang mukha o pakiramdam sa kung ano mang panganib na kanyang makasasalubong sa gabing iyon dahil batid niyang wala ng iba pang panganib ang kanyang kinatatakutan.

Nang marating niya ang dulong kalye, namataan niya ang tatlong bata na hindi natitinag ng madilim na paligid sa paglalaro.

"Mga bata, bakit narito pa kayo sa labas? Gabi na, hindi ba kayo natatakot?" Aniya ng makalapit sa mga ito, sabay-sabay na napaangat ng tingin ang tatlo sa kanya.

"Bakit naman po kami matatakot? Marami naman po kami eh." Sagot ng isang batang lalaki.

"Kahit na marami pa kayo, wala kayong magagawa kung panganib na ang kaharap niyo. Magsi-uwi na kayo." Utos niya, hindi naman natinag ang tatlo

"Pero naglalaro pa po kami, Ate. Mamaya nalang po." Reklamo ng isa pang batang lalaki.

Maingat siyang napaupo para mapantayan ang mga ito saka tinapunan ng tingin ang bawat isa.
"Gusto niyo bang makarinig ng kwento?"

"Talaga po?! Ano pong kwento?" Nagliliwanag ang mga matang tanong ng nag-iisang batang babae. Nginitian niya ito na ginantihan din ng bata.

"Tungkol sa aming magkakaibigan. Na tulad niyo, mahilig maglaro sa gabi at dahil don, hindi namin inaasahan kung anong panganib ang naghihintay sa'min sa huli."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Huwaaaaaaaaah! Basang basa na yung outfit kooooo! Nasan na ba tayo?! Saket na ng paa kooooo!" Atungal ni Aira, ang pinakareklamador sa grupo ng ghounters.

"Noel, sigurado ka bang tama pa 'tong dinadaanan naten?" Tanong naman ni Ciara ang dating pinakatahimik sa grupo na ngayo'y nakikipagsabayan na rin sa kadaldalan ng bawat isa.

"Syempre naman! Ako pa! Sa gwapo kong 'to, mamamali ng daan? Tss." Sagot ni Noel, ang pinaka-ggss sa lahat. Sinasakyan na lamang ito ng kanyang mga kaibigan dahil kitang-kita naman na salungat ito sa kanyang paniniwalang habulin siya ng mga babae.

Kalagitnaan ng gabi at bumuhos ang malakas na ulan habang tinatahak ng labin-limang magkakaibigan ang masukal na kagubatan papunta sa kanilang gap (ghounters adventure place) ang haunted hospital ng Purok Santos kung saan talamak ang balitang marami raw ang nagpapakita at nagpaparamdam na hindi matahimik na mga kaluluwang namatay sa ospital na iyon.

Nabuo ang ghounters sa pangunguna ni Ion Pablo, na mahal na mahal ang ang mundo ng katatakutan. Ang orihinal na bilang ng grupo ay siyam,Sina Ion Pablo, Ciara Corpuz, Skye Mendosa, Risha Martin, Blane Ordilla, Jeyd Oli, Laira Bautista, Nico Antroso at Prince Evalista. Nadagdag naman sa grupo ang anim pa at ito'y sina Marco Perillo, Cindy Vermudez, Noel Grande, Rex Santiago, Aira Garcia at Allan Fontanillo.

Si Noel ang nangunguna sa gap ng grupo sa gabing iyon dahil siya lamang ang nakakaalam ng daan papunta sa Purok Santos. Si Noel din ang pinakakwela sa grupo pero madalas puro kahanginan ang lumalabas sa bibig nito.

"Mukha pa bang shortcut 'to? Kanina pa tayo palakad lakad!" Dagdag ni Allan, isa sa mga pinakamalakas ang appeal sa mga babae pero hindi maipagkakailang prinsipe rin ito ng kahanginan.

"Sigurado ka bang malapit na tayo?" Naiinis na tanong ni Laira kay Noel, ang pinakamainitin ang ulo sa magkakaibigan. Madalas itong nakasimangot at magkasalubong ang mga kilay kaya naman ang laging impresyon sa kanya ng tao ay mataray. Pero isa rin siya sa pinakasiraulo sa lahat.

White Rose ✔Where stories live. Discover now