10 - Night 6

43 8 0
                                    

[Night 6]

"S-s... Si... Si Noel... Nakatanggap siya ng white rose..." Puno ng takot at pag-aalalang wika ni Skye.

Agad na nanlaki ang mga mata nina Ciara, Laira, Blane, Risha, at Jeyd na kasalukuyang nakapalibot kay Skye. Agad na napahawak si Jeyd sa gilid ng sofa nang biglang manlambot ang kanyang mga tuhod.

"Oh my gad..." Bulalas ni Blane.

Hindi naman nakapagsalita sina Allan, Nico, Ion at Marco na nasa kanilang likuran nang marinig ang sinabi ni Skye.

"Kagabi lang si Prince... Ngayon naman si Noel na. Mukhang mamatay nga talaga tayong lahat dito..." Nawawalan ng pag-asang wika ni Allan saka napabuntong hininga.

"Guys... Kung ito na ang huli... Mahal na mahal ko kayong lahat..." Emosyonal na sabi naman ni Blane dahil doon, nahawa na rin ang iba pa at nagsimula na ring maiyak.

"Mahal na mahal ko rin kayo." Pag-iyak ni Risha at nagyakapan ang mga ito.

"Guys, ano ba?! 'Wag nga kayong ganyan! Makaaalis tayo rito ng buhay, okay? 'Wag ganito..."  Naiiyak na ring pigil ni Nico sa mga kaibigang nagpapahayag na ng kanilang mga pagmamahal bilang pagpapaalala at pagpaalam bago pa man mahuli ang lahat.

"Kung mawawalan tayo ng pag-asa, siguradong mamamatay tayong lahat dito! Kailangan nating umisip ng paraan para makalabas dito... At higit sa lahat... Kailangan nating manatiling buhay." Saad ni Marco na nagpagising sa puso ng lahat at magsimulang sumilay muli ang pag-asa na sandaling kanilang sinukuan.

"Guys, mangako tayo sa isa't isa na walang bibitaw. Makakaalis tayong lahat dito ng buhay! Walang mamamatay, okay?!" Pursigidong wika ni Blane at iniharap sa kanila ang kanyang kamay.

Maluha-luhang napangiti ang lahat dahil naramdaman nila ang init sa kanilang mga puso. Sunod-sunod nilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa kanilang harapan sa nakalahad na kamay ni Blane. Hindi rin nagtagal ay isa-isa na rin silang kumalas.

"Sana nga... Sana nga malampasan din natin 'to..." Pagbabakasakali ni Laira.

"Hindi 'sana'. Malalampasan natin 'to... Tiwala lang." Tuluyang umusbong at tumatag ang kanilang pag-asa nang banggitin ito sa kanila ni Noel.

Hindi nila akalaing magagawa pa nitong kumalma sa kabila ng banta sa kanyang buhay. Ang mga salitang ito ang humaplos sa kanilang mga puso. Kung sa sitwasyon niya ay nagagawa niya pang maging matapang, dapat higit na mas matapang pa ang mga kaibigan niya kaysa sa kanya, pero lumabas na baligtad ang kanilang inaasahan.

Sa pagkakataong iyon, mas naging determinado ang lahat at nag-uumpisa na ring magbaga ang kanilang mga damdamin para harapin ang kanilang mabigat at nakatatakot na problema, ang kamatayan. Isa-isang naglapitan na ang mga ito kay Noel at sunod-sunod nila itong kinulong sa kanilang yakap.



* * *

"Anong plano?" Seryosong tanong ni Nico habang nakadekwatro at nakahalukipkip pa ang mga braso. Maigi niyang pinasadahan ng tingin ang bawat isa na nakapangalumbaba at kanya-kanyang tungo para umisip ng magiging plano ng lahat sa araw na iyon.

"Main goal: Makalabas sa Mansyong 'to." Wika ni Marco nang hindi nalilihis ang tingin na nasa kawalan pa rin.

"Tss. Yeah." Sarkastikang tikhim ni Jeyd.

"Wait, Ciarah. Hindi ba sabi mo, ang mga pinapatay ni Myra at Myrna ay yung nakatanggap o nanguha ng mga white rose, tama ba?" Kunot noong tanong ni Skye.

"Oo, 'yon ang nakasulat sa nabasa kong diary."

"Eh bakit si Aira? Hindi siya nakatanggap ng white rose, hindi rin natin nakitang may hawak siyang ganon. Bakit pati siya... Pinatay?"

White Rose ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon