12 - Night 7

40 7 0
                                    

[Night 7]

"Alam niyo, imbis na ipilit natin kung paano natin lalabanan ang mga multong iyon, bakit hindi nalang tayo magpokus para humanap ng posibleng dahilan kung paano natin mapipigilan ang lahat ng ito. Parang yung sa mga napapanood natin sa horror movies na kailangang ilibing nang maayos yung kalansay o kaya sunugin yung puno." Paliwanag ni Nico.

"Hindi naman tayo mga mangmang para hindi maanalisa ang lahat ng pangyayari rito." Buwelta ni Ion.

"Ano namang konek ng puno dun?" Kunot noong tanong ni Blane, sinadyang balewalain ang sinabi ni Ion para malihis ang usapan.

"Example lang! Baka kasi ganon din 'to, parang yung pelikula na Engkanto ng Shake, Rattle and Roll." Katwiran ni Nico.

Tahimik namang nakikinig ang iba pa habang inaabsorba ang mga konklusyon na nailahad ni Nico.

"May point si Nico." Sang-ayon ni Laira.

"Ang tanong ngayon, ano kayang bagay ang magiging katapusan ng mga dimunyung 'yon? Any idea?" Wika ni Risha.

"YUNG ROSE!" Mabilis na tugon ni Allan, lahat ng atensyon ay mabilis ding nalipat sa kaniya.

"Yeah? E 'di ba, patay na lahat? Pwede pa ba 'yon?" Kunot noong baling ni Jeyd sa lahat.

Kibit-balikat namang sinagot ito ni Marco.

"Hindi pa rin natin sigurado." Aniya.

Bagsak ang kanilang mga balikat at muli silang natahimik dahil hanggang ngayon ay para silang bulag na pilit nangangapa sa dilim para humanap ng liwanag.

"Ciara?"
Agad namang naagaw nito ang atensyon ni Ciara.

"Hmm?" Baling niya kay Nico.

"Wala ka bang ideya? May alam ka sa mga pangyayari tungkol kina Myra at Myrna pati sa puting rosas nila. Baka sakaling alam mo rin... Kung ano ang kahinaan nila."

Naalarma naman ang lahat at agad na itinuon ang paningin kay Ciara, umaasang alam din nito kung paano matatapos ang lahat ng nakatatakot na pangyayari sa kanila sa loob ng mansyon.

"Oo nga pala. May alam si Ciara rito! Imposibleng hindi niya alam kung ano ang kahinaang ng mga demonyong 'yon!" Diin ni Ion kay Ciara.

Nanatiling nakatuon ang kanilang buong atensyon kay Ciara habang hinihintay ang isasagot nito. Hindi agad siya nakasagot dahil pinilit nitong inaalala kung may nabanggit bang solusyon ayon sa nabasa niyang talaarawan.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Balak mo bang itago sa'min para ikaw lang ang matira rito?! T@$%4&!" Dagdag pa ni Ion.

Hindi na rin umimik pa ang ilan, nangangamba sa maaaring isagot ng kaibigan. Tila ba unti-unting umaayon ang kanilang isip na maaaring tama ang binitawang mga salita ni Ion. Ang lahat ay hindi makapaniwala at nanghihingi ng katotohanan sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Nabahala naman si Ciara dahil nakikita niya sa mga mata ng mga ito na naguguluhan sila sa nangyayari. Umiiling na tinignan niya ang mga ito.

"S-sandali! Mali ang iniisip niyo." Depensa niya sa mga mapanuring mga mata sa kaniya.

"Totoong may nalalaman ako sa kanila. Pero... 'Yon lang ang alam ko dahil hindi ko naman binasa ang lahat ng nasa diary." Patuloy niya.

Napaismid nalang si Ion nang marinig ang sinabi ni Ciara, masama ang mukhang tinalikuran niya ang mga ito habang yakap ang dalawang braso. Napabuntong hininga naman ang iba at tila nawala ang bigat sa kanilang loob dahil ang pagkakaibigang kanilang matagal nang iniingatan ay hindi mauuwi sa masakit na pagtataksil.

White Rose ✔Where stories live. Discover now