9 - Night 5 Part 2

58 7 0
                                    

[Night 5 Part 2]

"OH MY GHAD! SI PRINCE?!" Magkakasabay na sigaw nina Laira, Blane, Skye at Ciara.

"Sht!" Bulalas naman nila Ion, Nico, Noel, Allan at Marco at napasabunot sa kanilang sariling buhok.

Hindi magkamayaw ang lahat kung saan uumpisahang hanapin ang kaibigan. Akmang hahakbang na paalis ang ilang mga kaibigan nilang lalaki nang mabilis na humarang ang isang mahabang sofa sa kanilang daraanan dahilan para matigil sila at mapahiyaw ang ilan sa mga babae. Nangangatal at hindi na matigil sa malakas na pag-iyak si Risha dahil sa sobrang takot.

Sumapit na ang dilim, ni isa sa kanila ay hindi na nakapagsindi ng mga flashlight para sa kaunting liwanag ng lahat dahil sa sobrang pangangatal ng kanilang mga kamay. Maigi nilang inililibot ang kanilang paningin sa kabila ng madilim na paligid, pinakikiramdaman ng bawat isa ang nangyayari ganoon din ang kanilang mga katabi.

Mas lumakas ang kaba sa kanilang mga dibdib nang marinig ang isang sigaw sa hindi kalayuan. Mas lalong nataranta ang lahat, sa pagkakataong iyon, nagawa na nilang buksan ang sari-sariling flashlights at pilit na hinahanap kung saan nanggaling ang sigaw na nakilala nilang si Prince.

"Prince! Nasan ka?!"

Sinimulan nilang tawagin ang pangalan ng kaibigan para malaman ang kinalalagyan nito sa oras na sumigaw ito pabalik. Hindi naman sila binigo nito dahil muli silang nakarinig ng malakas na sigaw para itong nakaramdam ng matinding sakit sa katawan.

Mas lalong nabahala ang lahat dahil sa tindi ng sigaw ng kaibigan. Mabilis silang nagkanya-kanya ng takbo habang sinasabayan ng kanilang tibok ng puso na triple pa ang bilis kaysa sa kanilang pagtakbo. Nahanap nila ang sigaw, natagpuan nila ang kaibigan sa maliit na kapilya ng mansyon na nakapako sa malaking krus sa bandang gitna ng kapilya. Ngunit hindi pako ang nakalagay sa kanyang mga paa at magkabilang kamay, kundi mga kutsilyo.

Nanghihinang napapadaing sa matinding sakit si Prince habang nakaposisyon sa malaking krus tulad ng rebulto ni Hesu Kristo sa mga simbahang katoliko. Ang makita nila ang kaibigang nasa ganitong sitwasyon ay sobrang nagpakirot sa kanilang mga puso. Humahangos nilang tinungo ang kinalalagyan ni Prince para tulungan itong makababa mula sa krus. Nagkakaisa ang kanilang mga puso sa nararamdamang awa at sakit dahil sa kalagayan ng kaibigan ngayon.

Ngunit hindi pa man nakakalahati ng lahat ang maluwang na daan sa gitna ng kapilya, awtomatikong napatigil at napasigaw ang mga nahuling patungo sa kaibigan dahil sa biglaang pagtilapon ng mga nauna sa kabilang sulok ng kapilya para tulungan si Prince. Napadaing sa sakit sina Marco, Nico, Noel at Ion nang malakas na tumama ang kanilang likuran sa matigas na pader dahil sa pagtilapon nila sa hindi malamang dahilan.

Pinilit magmulat ng mga mata si Prince para silipin ang mga kaibigan na nag-iiyakan na sa kanyang harapan. Hindi niya akalaing makikita niya ang mga ito para tulungan siya. Sumilay ang kanyang ngiti sa kabila ng matinding sakit na kanyang nararamdaman.

"G-guyss.... Tulong..." Nahihirapang wika niya.

Agad namang napalingon sa kanya ang mga kaibigang hindi na magkanda-ugaga kung ano ang gagawin at kung sino ang tutulungan sa kanila. Bahagya silang napangiti nang makita si Prince pero mas nanaig pa rin ang awa sa kanilang mga mukha dahil kitang-kita sa mukha nito ang sakit at hirap ng kanyang kalagayan.

"Prince!"  Masiglang wika ni Skye.

Agad niya itong nilapitan para matulungan pero nakatatatlong hakbang pa lamang siya nang agad siyang maestatwa sa sumunod na nangyari. Lumakas ang daloy ng kanyang mga luha at dahan-dahan siyang napaluhod, lumakas na rin ang hagulgol ng iba pa. Hindi nila alam kung saan sumulpot ang isa pang kutsilyo na tumarak sa puso ng kaibigan.

White Rose ✔Where stories live. Discover now