"I will send you an email later tonight. I need to settle my schedule, sweetie."

"Thank you so much, Liam!" Napatayo pa siya para yakapin ang kaibigan.

Maiyak-iyak siya dahil ilang beses nilang pinag-usapan ng mommy niya ang tungkol sa bagay nito. She's hesitant to ask a favor to Liam about it. Nilakasan niya lang ang loob at kinapalan ang mukha para maging maayos ang takbo ng buhay niya sa mga darating na buwan.

ANG UNANG umagang pagduduwal ay nasundan nang nasundan kalaunan. Ayesha thought that it was just because of the foods she eats, but it wasn't.

May mga araw na gusto niya ay nakahiga lang, manonood ng movies at kumain. Kung hindi pa siya pipilitin ng mommy niya na lumabas ay hindi niya nga talaga gagawin.

"What's happening to you? Are you sick?" Her mother asked. It's a lazy Saturday afternoon.

Sinulyapan niya ito, nananantiya ang tingin sa kanya. Ang mga mata ng mommy niya ay may kislap na kahit papano. Hindi katulad ng mga unang linggo simula nang mawala ang daddy niya. Seeing her mother do her best to get over with that painful day of their lives, motivate her to do the same.

Paunti-unti ay natatanggap niya na wala na nga talaga ang daddy niya. Handa niyang kalimutan ang mga paglilihim ng mga ito sa kanya, sa katunayan ay nagpatawad na ang puso niya tungkol sa bagay na 'yon. Pinatawad niya na rin ang sarili niya sa mga araw na masyadong siyang naging kompyansa na ayos lang ang daddy niya, na wala talagang problema, pero meron pala.

She learned her lesson. Not because someone tells you that they are okay, it doesn't mean they really are. Na minsan sinasabi lang ng mga ito 'yon sayo para hindi ka mag-alala. Na minsan naglilihim ang mga taong mahal mo dahil para rin naman sayo.

It takes time to heal. It takes time to understand everything that happens against your will. It takes time to finally admitting that life isn't always about happiness. Palaging kaakibat ng saya ang lungkot.

"Not really, kinda lazy day today, mom."

"Lazy day? You've been staying in your room for how many days now? Weeks? Mas pinipili mo pang magkulong dito kesa lumabas, anak?"

Napilitan na itong lumapit at umupo sa gilid ng kanyang kama. Inayos niya ang higa, nawala na ang atensyon sa pinapanood. Sa gilid niya ay mga pagkain na hindi niya alam na nakakadami na pala siya! Sobra-sobra na ang ginagawa niyang pag spoiled sa sarili niya nitong mga nakalipas na araw.

"You wanna go to Mall today, mom? Are you bored here?"

"No, I'm worried to you. Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Anak, ha, kinukutuban ako dyan sa mga ikinikilos mo."

Kinunutan niya lang ng noo ang mommy niya, sabay kain ng hiniwang mga prutas na naghahalo na ang asim at tamis. Binudburan niya pa ang mga 'yon ng asin hanggang sa makuha niya ang gustong lasa.

"Kinukutuban? What, mommy?"

Umayos ito ng upo, paharap na sa kanya, parang handa na siyang komprontahin sa bagay na hindi niya masyado maintindihan.

"Umamin ka sakin, Ayesha."

"Ano po ang aaminin ko?"

Halos masapo nito ang noo. Her mother made her feel like she's a slow girl or... maybe too innocent?

"Hindi naman ako magagalit anak kung may inililihim ka sakin." Kung bakit ay naalala niya ang tungkol sa kanila ni Clane at ang ginawa nila nung nasa Hawaii sila! "Mas maganda kung ilalabas mo 'yan, handa akong pakinggan ka. I will support you, I will guide you."

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon