Chappie 80--(edited version)

3.2K 80 15
                                    

A/N: Hey yo! I know you've been waiting for quite some time now for the next chapter so here I am posting the update. I would like to inform you that these past few days had been really stressing. Well, college life is never easy and there are many people whose very unpleasant attitudes you have to deal with. The stress is not yet over but I want to post this already 'cause you've been waiting and many theories have been forming in your mind. Wahahahahah!

Anyway, I really wanna thank YOU all for reading and appreciating this kind of story. Sa mga nagsisilabasan na mga silent readers na talagang nagmemessage at nagpopost and everything, thank you. And of course, sa mga walang sawang sumusuporta, salamat talaga. 

So, eto na ang Chappie 80! =)

____________________

Saturday na! Woohoo! Pupunta na kami kay lola Jas! Yehey! Maaga akong gumising para magluto ng pagkain na kakainin namin at dadalhin namin kay lola Jas.

Gumawa din ako ng tsaa. Bumili lang ako sa may palengke tapos pinakuluan ko. Nilagay ko sa flask yung tsaa para hindi agad lumamig. Paborito ni lola Jas ang tsaa eh. Kaso limot ko na yung paggawa nung tinuro niya sakin.

Nagluto ako ng adobong may pinya, chicken curry, adobong sitaw, rellenong bangus at chopsuey. Gusto ko kasing maraming iluto para kay lola Jas. Tapos ang dessert naman ay pudding at leche flan. Paborito din yun ni lola eh.

Mga alas 5 ng umaga daw ako susunduin ni Tristan. Alas kwatro na ng umaga. Tulog pa nga si Kiara eh. Nag-iwan ako ng pagkain para sakanya.

Naligo na ako at nagbihis na rin. 4:30 na nung matapos akong makaayos ng sarili ko. May 30 minutes pa kaya magbebrekafast na muna ako.

Kumuha ako ng konting leche flan. Napansin kong may box ng cake sa may freezer. Kaso baka kay Kiara yun. Bawal makialam ng hindi sakin.

Saktong alas singko, umalis na ako ng dorm at nag-iwasn na lang ako ng note kay Kiara. Hindi ko kasi siya nasabihan na aalis ako.

Hindi pa kasi kami nag-uusap simula nung makita ko sila sa ecopark. Hindi ako galit sakanya. Wala lang talagang time para makapg-usap kami. Gabi na kasi siya umuuwi sa dorm dahil sa praktis niya tapos ako naman laging maaga umalis ng dorm para sa praktis din.

Si Crystal? Ayun, ni isang text o tawag wala man lang. Si Ian naman hindi makatingin sakin. Hay, bahala nga sila. Kapag talaga may boyfriend na ang kaibigan mo, madalas ilalaglag ka na lang sa ere.

Tsk. Wag ma badtrip Mimi. Masaya ang lakad na ‘to! Enjoy!

“Wow, 5 am sharp ka.” Sabi ni Tristan habang nakatingin sa relo niya.

“Syempre. Tara!” Sumakay na ako sa kotse niyang bagong-bago.

“Kumain ka na ba?” Tanong niya.

“Oo na. Ikaw? May dala akong pagkain. Anong gusto mo?”

“Kumain na din ako. Sige na pasok na.” Hindi niya ako pinagbuksan ng kotse. Pero kaya ko naman kasi. Duh! Ano yan, mala-prinsesa? Ayoko ngang pinagbubuksan ako ng kotse. Haha.

“Bakit di mo pa pinapaandar? Tara na! Baka malate tayo.” Nakatingin lang kasi siya sakin na parang walang balak i-start yung kotse.

“Seatbelt mo.”

“Ayoko mag seatbelt.”

“Mag seat belt ka.”

“Ayoko. Feeling ko hindi ako makagalaw pag may seatbelt.”

“Pano kung maaksidente ka? Wag na makulit. Mag seatbelt ka na nga!”

“Ayoko nga!” Walang effect ang pagpupumilit kong ayoko magseatbelt. Siya na kasi mismo yung lumapit para ilagay yung seatbelt. Sobrang lapit nga nung mukha niya eh kaya parang umusok ang mukha ko sa init. Kaya naman binuksan ko ang bintana.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon