Chappie 22

4.1K 73 4
                                    

Argh! Hindi to pwede! Ano ba?!

Nakaisip na kami ni Tristan ng tutugtugin namin. But it’s just so awkward.

After nung hinawakan ko ang kamay niya and all the blushing thing, hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. It’s either tatango na lang ako sa mga sinasabi niya or magsasabi ng oo o hindi.

At ngayon, nasa kwarto niya ako at dito ako matutulog. Pano ba naman kasi sina ate Clarisse at ate Danica naka-lock na ang kwarto. Ayaw naman namin katukin yung kwarto ni ate Kaila kasi pagod na pagod na siya. Yung kwarto naman ng mama at papa niya eh syempre nakakahiyang kumatok. Hindi niya rin alam kung nasan yung mga susi para sa guest room.

Yung kay Stacey sana pwede akong matulog kaso maiistorbo ko pa siya. Iba pa naman yun pag nagising. Hindi na ulit yun makakatulog. Tyaka baka magdaldalan lang kami nun mag-umaga.

Hay, sa dinami-dami ng kwarto sa bahay na ‘to, sa kwarto ni Tristan ang bagsak ko. Sabi ko nga dun na lang ako sa may sofa sa 2nd floor living room nila kaso ayaw daw ng mama niya na may natutulog dun.

Alangan namang sa guard house ako matulog diba? Matutulog din yun sina kuya Adie. So no choice talaga!

At ngayon nga, nakaupo lang ako sa sahig at nanunuod ng Nodame Cantabile. May ginagawa pa kasi si Tristan sa laptop niya kaya ayoko munang matulog. Hindi kasi ako nakakatulog pag may ilaw. Nakakagising kasi yung ilaw e.

“Hindi ka pa rin ba nagsasawa diyan?” tanong niya.

“Hindi. Maganda kasi yung kwento eh. Ang gusto ni Nodame ay tumugtog lang. Tapos si Chiaki naman gustong ma-prove ang ability niya. Nakakarelate kasi ako kay Nodame e. Hindi naman kasi importante ang mga achievement sa mga competition. Mas mahalaga ay yung napapasaya mo yung mga tao sa ginagawa mo at syempre, masaya ka din dapat.”

“Yeah, you’re right. But with the talent you have, expect people to expect something from you. One day, sana marealize mo na ang competition ay hindi laging pampa-impress sa tao. Ang achievement ay hindi laging pang-yabang. Competitions build your character, your versatility as a musician, your interpersonal skills. Joining competitions can be fun; it all depends on your perspective.”

Kung nasa usual self ko ako, siguro magrereact ako ng ‘WOW! AMAZING!’. Wala ako sa usual self ko, honestly. I’m seeing Tristan differently. Alam kong malalim siyang tao pero bihira lang akong masampolan ng pagiging deep niya. Madalas kasi away at kulitan lang kami.

Pero I got his point. And what’s more is that, he is right with what he said. Excuse ko lang yung hindi pagsali ng competition kasi may takot ako. Yep, just like Nodame. May trauma din si Nodame at kinailangan pa siyang pilitin na sumali sa competition. Pero sumali lang naman siya sa competition dahil kay Chiaki.

Because Nodame loves Chiaki.

Kung papanuorin mo yung Nodame Cantabile, sa simula ng story ayaw ni Nodame sa competition dahil sa trauma niya nung bata pa siya. Kung titingnan, malabong makumbinsi si Nodame kasi traumatized nga siya nung walang hiyang teacher niya. Pero dahil kay Chiaki, ginusto niyang sumali.

She took the risk. Kahit na may sakit siya nun, sumali pa rin siya.

Love really changes people. What about me? Can love change me too? Hindi naman siguro love yung nararamdaman ko para kay Tristan e. Siguro admiration lang ‘to.

Pero by the looks of it, mukhang pipilitin niya akong sumali sa mga competitions. But NO, I won’t join competitions. Hindi pa ako ready. Seriously.

“Kung gusto mo na matulog, humiga ka na lang sa kama ko.”

“Pano ka?”

“May air bed sa closet ko. Wag ka lang maglalaway!”

“Excuse me, hindi po ako naglalaway! Ikaw wag kang hihilik!”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now