Chappie 52

3.3K 75 5
                                    

Tahimik lang talaga ako the whole time. Awkward naman kasi eh. Pumunta muna ako sa restroom bago umalis. Kasama ko naman si Chelsea.

“Hoy, anong nangyari sayo? Ang tahimik mo. Nakakapanibago.”

“Allergic ako sa seafood.” Bulong ko.

“Ano?! Bakit di ka nagsabi? Nangangati ka na ba?”

“Pano ko naman sasabihin? Ok lang ako. Hindi pa naman ako masyadong nangangati. Konti lang naman kinain ko. Pwede bang dumaan muna tayo sa drug store? Bibili lang ako ng anti-histamine.”

“Ok, sabihan mo si Marvin. Sa kanya yung kotse eh.” Paglabas ko, niyaya ako ni Valerie na sumakay sa kanila.

“Sige na. Ngayon lang naman eh.” Tsk, bibili nga ako ng gamot eh.

“Mamaya na lang tayo mag-usap. May importante lang kasi kaming pag-uusapan ni Chelsea eh.” Since mukhang na-gets naman ni Chelsea ang sinasabi ko, umarte din siya na may pag-uusapan nga kami.

“Oo, importante talaga yun eh. Sorry, Valerie.” Ang galing ng acting ah.

Then sumakay na kami kay Marvin. “Marvs, pwedeng dumaan ka sa drug store? Bibili lang ako ng gamot.”

“Gamot saan?” Tanong ni Darren.

“Sa allergy.”

“Allergic ka sa seafoods?” Sabay sila ni Marvin.

“Oo.”

“Bakit di ka nagsabi?”

“Eh hindi naman ako makasingit sainyo kanina eh. Bilisan mo na lang sa pagdrive. Nangangati na ako.”

“Konti lang ba kinain mo?” Tanong ni Darren.

“Oo. Pero mahina kasi resistensya ko kaya medyo grabe kung magreact ang katawan ko.”

“Marvin, bilisan mo na. Baka magkaroon ng respiratory effects ang allergy niya.” Bilib naman ako sa mga lalaking ‘to. Talagang ramdam ko na nagmamalasakit sila sakin. Nakakatuwa lang.

Tumigil si Marvin sa Mercury Drug Store. Mapagkakatiwalaan ang Mercury kasi dito siguradong ang gamot ay laging bago. (A/N: Nag-endorse? Haha)

Bumili ako ng anti-histamine tapos ininom ko agad. Sana maging ok na ako after nito. Hay.

Pagkarating namin sa school, pumunta ako sa clinic para magtanong kung effective ba yung binili kong gamot at kung makakaapekto ang allergy ko sa iba pang functions ng katawan ko.

Sabi ng nurse ok naman daw kasi konti lang ang kinain ko. Kapag lumala daw ang pakiramdam ko at namula ako, umuwi na daw ako at magpahinga.

Pero kaya ko pa naman. Tiis tiis lang. Baka pumalpak ang recording namin.

“Mimi.” Ow shoot. Si Valerie.

“Oh? Bakit?” Buti na lang malayo na ako sa clinic. Whoo.

“Magkaaway ba kayo ni Tristan?”

“Ah, oo. Halata naman ata.”

“Medyo seryoso ata pinag-awayan niyo ah.”

“Seryoso talaga. Pero ok naman yun. Lagi naman kaming nag-aaway eh. Simula pa noon. Sanay ka na dun diba?”

“Oo pero parang iba ngayon eh. Affected si Tristan.” Hah?

“Affected? Eh mukha ngang ok siya diba? Baka nagkakamali ka lang sa iniisip mo.”

“Tumatawa siya kapag kausap kami pero pag mag-isa siya, tulala siya at ang lalim ng iniisip. Tapos nung hindi ka sumama sa kotse namin, bigla siyang nalungkot na naging matamlay. Kapag tinatanong ko kung ok lang kayo, iniiba niya ang usapan.” Oh? Kung ganun, affected nga siya.

At mukhang panalo ata ako sa away namin. Kasi ako medyo ok naman ako. Tsk, hindi rin eh. Grabe yung iyak ko kagabi. Ewan, wala talaga sigurong nananalo sa mga away. Kasi kahit papano, pareho kayong nasasaktan.

“Ganun naman talaga yun.”

“Ano ba kasing pinag-awayan ninyo?”

“Mas mabuting wag ko na sabihin. Kasi masyadong sensitive ang issue eh.”

“Pero magkakaayos pa ba kayo?” Kung titingnan, mas mabuti atang hindi na lang kami magkaayos kasi si Valerie na ang pagtutuunan niya ng pansin. Pero magkaibigan pa rin naman kami eh. At the end of the day, hindi pwedeng itapon na lang ang mga pinagsamahan namin.

“Oo, sana. Sige, alis na ako. May recording pa kami. Bye. Ingat.” Then, umalis na ako. Medyo nawala na ang pangangati ko. Pero namumula pa rin ang braso ko. Buti na lang hindi napansin ni Valerie.

“Agustin.” !@#$@$*&!!!!!!

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tristan. Ano ba naman ‘to?

“Ano naman sayo?” Tinarayan ko siya. Hindi ko dapat siya kinausap eh kaso nagulat talaga ako. Lumapit siya sakin at tiningnan ang namumula kong braso.

“Bakit di mo sinabing allergic ka?” Parang galit pa siya ah. Paki niya ba?

“Pano ko sasabihin?”

“Dapat nagsabi ka lang.” Galit nga talaga siya. “Uminom ka na?”

“Oo na. Pano mo naman nalaman? Sino nagsabi sayo?”

“Nung bumaba ka sa drug store, nagduda na ako kaya tinanong ko si kuya Alex. Tyaka napansin kong namumula ka at kamot ka ng kamot.” Yeah right.

“Ok lang ako.”

“Sorry.”

“Ano?”

“Sorry kagabi.” Tama ba? Nagsorry siya?

“Bakit ka nagsosorry? Napapadalas na yan ah. Hindi ka naman ganyan.”

“Kasi lagi kang tama.”

“Hah? Sigurado ka? Teka nga lang. Naguguluhan ako sa pagsorry mo.”

“Mag-usap muna tayo. Anong oras ba recording niyo?”

“Mamaya na tayo mag-usap. Malapit na mag alas dos.”

“Sige, mamaya na lang. Umuwi ka nang maaga.”

“Matagal kaya ang recording.”

“Hintayin na lang kita.”

“Wag na baka gabi na kami matapos.”

“At pano ka uuwi? Ihahatid ka ni Darren?” Aba, hmmm, nagseselos kaya siya kay Darren? Lols, assuming ka Mimi.

“Magbibike.”

“Hihintayin kita. Magtext ka. Hindi ka pa lowbatt? May load ka pa?” Sigurista ang lolo niyo. San ka pa?

“Full charge pa ako at wala na akong load.”

“Ok. Share-an kita.”

“Nagsorry ka ba talaga sakin?”

“Ang kulit mo. Kailangan ko talagang ulit-ulitin?”

“Pero nagsorry ka. Lagi ka na lang nagsosorry sa mga ginagawa mo. Hindi mo naman yan ugali eh. Pero dahil nagsorry ka, eh di sige na. Pinapatawad na kita. Sorry din. Sinakyan ko pa yung galit mo kagabi kaya naging pangit yung away natin.”

“Kelan ba nagkaroon ng magandang away? **roll eyes** Gaano ka katagal umiyak?”

“Hindi ko namalayan. Nakatulog na ako.”

“Sorry talaga. Hindi ko alam.”

“Akala ko ba mamaya tayo mag-uusap? Mamaya na lang. Naabala ko na sila kanina nung nakatulog ako sa piano kaya ayoko na ma-late.”

“Sige. Text ka na lang. Wag mo kalimutan na magtext.” Ang saya-saya ko dahil ok na kami ulit ni Tristan. At siya pa ang unang nagsorry. Pero kasalanan namin yun pareho kasi nagpadala kami sa emosyon. Pero ang mahalaga ok na kami.

“Fajardo, da best ka talaga!” Sinuntok ko siya sa braso niya tapos..

..bigla naman niya akong niyakap.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon