Chappie 27

3.7K 72 2
                                    

Pauwi na kaming tatlo. Naglalakad na kami palabas ng restaurant. Naging successful ang proposal and all. Gusto pa sanang magstay ni Valerie kaso kelangan na niyang bumalik sa EMAU kinabukasan. Ako naman wala naman talagang balak na magstay pa doon. Hindi ko naman kilala yung mga bisita. Yung mga kakilala ko naman eh mga pinsan ni Valerie na mga matanda na. I mean, hindi na teenagers.

Si Tristan, ayun, as usual, tahimik lang.

“Hoy, ano problema mo?” Siniko ko si Tristan.

Inirapan niya ako. “Wala.” Tss, sungit.

“Papicture tayong tatlo!” Yaya ni Valerie.

“Ako na lang kukuha ng picture niyo.” Sabi ko. Bagay naman kasi talaga sila.

“Hindi! Wait,..kuya!” Sigaw niya dun sa photographer na may dala-dalang DSLR. Malamang, photographer siya kaya may dala talaga siyang SLR. Sows!

Tapos yun, pose ng konti, smile ng konti, labas ng dimples, TAPOS!

“Andyan na sundo ko.” Sabi ni Tristan. Nakita ko na ang beige na Starex nila. “Tara na, Agustin.”

“Pano si Valerie? May susundo ba sayo?”

“Ahh, wait. Nagtext si mama. Basahin ko lang. *basa* Shame.”

“Bakit?” Sabay kami ni Tristan.

“Nasiraan daw yung kotse. Nabangga daw kasi ng truck habang naka park sa office ni mama.” OA naman ng truck na yun.

“Oh halika na. Sabay ka na samin.” Kung maka-yaya naman ako parang pag-aari ko yung kotse ah! Haha.

Nakaupo kami ni Valerie sa likod ng driver habang si Tristan naman gustong sa katabi ni kuya driver.

Inaantok na ako. Medyo malayo pa ang bahay namin. Haaay. Pagod na rin naman akong makipag-usap kasi talagang mabigat na mata ko. Sumandal na lang ako sa bintana ng kotse.

“Oo nga pala Tristan, sa dorm ka na ba ng EMAU magsstay?” Naririnig ko na lang sila. Sige, mag-usap na lang kayong dalawa.

“Pinag-iisipan ko pa. Ayaw kasi ni mama na mag-apartment ako.”

“Si Mimi ba san magsstay?”

“Sa dorm yan. Scholar yan eh.” Parang may kumukurot sa puso ko. Parang may kung anong ‘something’. I can’t explain. Crush lang naman ang nafifil ko kay Tristan diba? Or baka naman kasi lagi lang talaga kaming magkasama kaya nadevelop na ako sa kanya? Ahy ewan! Basta ang alam ko, ayoko na nito!

Naramdaman ko na lang na may tumapik na sa mukha ko. Alam kong si papa yun.

“Baby, gising na. Nandito ka na.” Pero inaantok na talaga ako. Wala na ako sa sarili ko. Bahala na, bubuhatin na lang ako niyan ni papa.

 At naramdaman ko na lang ang paghiga sa kama ko.

This had been a tiring day. Physically. Emotionally.

Kinabukasan, tinatamad pa akong bumangon kaya nasa kama lang ako hanggang alas-dose ng tanghali.

“Sa wakas naman gising ka na.” Naamoy ko ang mga pagkain sa kusina! Yummy!

“Hi brother!” Wow, maraming cheesesticks! Ohohohoho! Si kuya nagluluto..?

 “May bisita ka.” Narinig ko si papa. Nakita ko namang pumasok si Tristan. Si kuya lang naman ang pakay nyan. For sure.

“Kagigising mo lang?”

“Tapos? Ano naman ngayon? Bakasyon naman. Tyaka nakakapagod kaya kagabi.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora