Chappie 13

3.9K 79 6
                                    

Bakit ba kasi nandito tong babaeng to? Sayang di ko man lang narinig yung sagot niya. Kaso baka nagbibiro lang si Tristan. Pero hindi naman siya mukhang nagbibiro eh. Pero meron nga bang nagkakagusto sa tulad kong…ewan..?


“Kain ka.” Sabi ni Tristan. Ouch. Bakit ako nasasaktan na magkasama sila?


Ano ba MIMI! Umayos ka nga dyan!


“Ok ka lang?” Tanong ni Valerie.


“Oo naman! May sakit kasi ako kaya medyo matamlay ako. Musta ka na pala? Kayo na ba ulit? Ayiiiiie! Kinikilig naman ako!” Plastic. Ang plastic ko!! Pero bakit?!


“Ok naman ako. Naka home schooling ako ngayon pero pag Monday hanggang Thursday nasa EMAU ako nagbaballet.” She paused then nag glance siya kay Tristan. “Hindi ko rin alam kung kami na ulit.”


Another OUCH! Hindi niya alam kung sila na ulit? Ibig sabihin.. may chance?!


Pero bakit ba kasi ako nasasaktan?! Ano naman ngayon diba? ARGH!!


“Baka nakakalimutan niyong nandito ako.” Nawalan na ako ng ganang kumain.


Ahh, baka kasi may sakit ako kaya ganito,haha! OO! TAMA! May sakit lang ako!


“Ice cream oh.” Nilagay ni ate Kaila yung isang gallon ng ice cream sa mesa. Mukhang yummy yun ah..kaya…nakailang baso ako ng ice cream. Medyo sumakit pa nga yung tiyan ko.


“Yan kasi ang daming kinain.” Sabi ni Tristan nung nahalata nyang hindi na ako gumagalaw sa upuan ko. Nasusuka akong parang ewan. Hay. Makauwi nga. Hindi na rin naman ako nahihilo eh.


“Uwi na ako, tol. Ang dami ko pang lilinisin.”


“May sakit ka. Magpahinga ka na lang kaya.”


“Ayoko nga! Sino ka ba para diktahan ako ha?” Nakapamewang na ako at taas kilay.


“Kung maglilinis ka, di kita palalabasin ng bahay ko!” Hinarangan niya yung pinto. Aba. Gusto ko ng umalis sa bahay na to. Parang napaka uncomfortable na eh. Hindi ko nga alam kung bakit.


“Sige na, di na ko maglilinis. Matutulog na lang ako.” A BIG FAT LIE! “Bye Valerie.” Lumabas na ako ng main door nila. Medyo ilang steps pa bago ko marating yung gate.


“Agustin!” Lilingon pa ba ako? Nakakatamad na lumingon eh. Pero sige na nga.


“A..no?” Sana pala hindi na lang ako lumingon. Si Valerie at siya ay..magkaholding hands.


“Punta ka dito sa Friday.” Tumango na lang ako at di na nagtanong pa. Dire-diretso na ako sa paglakad palabas.


“Oh bakit?” Tanong ni kuya Adie, yung guard. Sa guard house kasi ako dumaan.


“May lagnat po ako,hehe. Take care, kuya Adie!”


Binilisan ko na ang paglakad pauwi ng bahay. Naabutan ko si ate nakaupo sa sofa at nagbabasa ng Kerygma.


“Oh anong nangyari sayo?” Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya yung noo ko. Inaapoy na ako ng lagnat. “Ang taas ng lagnat mo ah! Saan ka ba galing?” Tumayo si ate. Kukuha ata siya ng malamig na tubig at twalya kaso pinigilan ko.


“Ate, ganito ba ang mararamdaman mo kapag may sakit ka at kumain ka ng maraming ice cream?” Naluluha na ako.

And I don’t know why.


“Bakit ka kumain ng ice cream? Naku naman Bettina!”


Ice cream. Hindi na kita kakainin kapag may lagnat ako! I swear!


Hindi ko na matandaan ang mga nangyari kasi nakatulog na ako pagkatapos akong painumin ni ate ng Paracetamol.


Pagkagising ko, 12 na ng gabi. Ang init ng pakiramdam ko kaya lumabas ako ng kwarto. Umupo ako sa sala namin at nagmuni muni.


Ice cream nga ba talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito? Hay.

Kinuha ko yung photo album na nakalagay sa ilalim ng mesa. Nakita ko yung picture naming tatlo nina Valerie at ni Tristan. Sila pa nung kinuha tong picture kaya ang sweet nila dito. Nakangiti dito ng sobra si Tristan habang naka akbay siya kay Valerie.


Naramdaman ko na naman na sumama ang pakiramdam ko. Hindi pa ba ako natutunawan sa kinain kong ice cream?! Ano ba kasing nangyayari sakin ha? Ano naman tong luhang namumuo sa mga mata ko?!


AISH naman! Makatulog na nga. Bumalik ako sa kwarto ko. Hindi na ako makatulog ulit kaya cellphone ko naman ang pinagkaabalahan ko. Tiningnan ko kung kanino galing ang mga messages.


May get well soon at yung mga kalahi pa nun na klaseng message. May galing din kay Crystal na may pinadala daw sa kanyang letter si Nick. Naku naman, may gusto pa rin ba sakin yung nilalang na yun?! Kainis naman!


Meron ding galing kay..Valerie..?


Binasa ko naman agad kasi baka urgent diba?


>ei, tnnong ko si Tristan kng my chnce ba ult kmi. Sb nya d nya alm. Ano s tngin mo? Mrn nga kya?


At eto na naman yung ‘ice cream effect’. Hay, itulog mo na nga yan Mimi!


Bukas na bukas din, pupunta ako sa clinic sa school para itanong kung ganito ba ang epekto ng pagkain ng ice cream nang may lagnat ka at syempre para itanong na din ang pwedeng gamot.

Gusto ko namang gumaling agad noh!


Pag okay na ako, rereplyan ko si Valerie pero sa ngayon, hindi ko pa kaya.

Ganito talaga siguro ang ice cream effect.

I learned my lesson.

==READ, COMMENT, LIKE, VOTE, SPREAD THE STORY! THANKSIE! <3 Love yah <3

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن