Chappie 85

3.2K 92 17
                                    

A/N: Okay fellas! Here is the update. Sorry naman kung natagalan. Exams ko kasi so syempre, priorities first, okie? And hindi pa po ending yung previous chapter.. Marami kasing nagtatanong kung ending na ba yun,.. Hindi pa po.. Okie? =) 

Happy reading!

____________________________________________

“Aayusin ko ang lahat, Mimi.”

“Wag na. Aalis na ako sa January. Sa London na ako mag-aaral.” Mukhang gulat na gulat siya.

“Aalis ka?”

“Si sir Dave ang nagsabi na dun daw ako nababagay. Kaya wag mo na ayusin ang nangyayari. Kung para tayo sa isa’t isa, mangyayari at mangyayari din naman yan. Pero kung hindi, tanggapin na lang siguro natin.” Napakasakit sabihin nun.

May kotseng dumaan sa gilid. Tumigil yung kotse tapos lumabas si Nick.

“Magsisimula na yung party. Hinahanap ka na Tristan.”

“Sige. Ikaw na bahala kay Mimi.” Tumingin sakin si Tristan tapos ngumiti nang konti. Alam kong pilit yung ngiting yun.

“Wag kang mag-alala.” Nag shake hands silang dalawa tapos tumakbo na si Tristan pabalik dun sa hotel. Naiwan ako kasama si Nick.

“Tara na, Mimi.”

Pagkapasok ko sa kotse, umiyak na ako nang umiyak. I don’t know for how long basta nagising na lang ako na nasa kwarto na ako.

~~

Puspusan na ang practice ng mga tao para sa pageant night. Nagpapraktis din ako pero hindi masyado.

Ilang araw na mula nung ma-engage si Tristan kay JC. Hindi kami nagpapansinan ni Tristan o ni Valerie. Alam naman namin na hindi muna maganda na mag-usap usap kami. Wala rin naman kasi kaming pag-uusapan pa. Nangyari na. ano pa ba ang kailangang sabihin? Wala na.

Two days from now yung pageant pero heto, palaboy-laboy ako sa rooftop. Uupo, matutulog, magbabasa tapos matutulog ulit.

Wala naman kaming pasok kasi busy nga sa preparations.

“Mimi.” Si ate Winx. “Ano ginagawa mo dito?”

“Nagpapahangin lang po. Upo ka sa tabi ko.” Umupo siya tapos sinandal ko yung ulo ko sakanya.

“Nabalitaan ko ang nangyari.”

“Engaged na sila.”

“Hindi pa sila kasal.”

“Malapit na.”

“Naniniwala ka ba sa tadhana?”

“Tao lang naman ang gumagawa nyan.”

“Exactly. Gumagawa ng paraan si Tristan.”

“Ibang usapan naman yung kay Tristan. Pamilya niya ang nakataya kung hindi siya magpapakasal.”

“Lahat ng bagay patas sa tadhana. Tao ang gumagawa ng tadhana nila. Hindi mo pa alam ang kayang gawin ng isang lalaki para sa taong mahal nila.”

Tahimik lang ako.

“Naalala ko noon, merong isang simpleng babae dito sa university. Simple lang siya pero talented talaga siya kaya nagustuhan siya ng kapwa niya estudyante. Nung una, ayaw nung babae pero nahulog din ang loob niya. Hindi naging madali ang relasyon nila dahil maraming kontra pero ipinaglaban nila pareho. Mas marami nga lang na sakripisyo yung lalaki.”

“Ano ending ng story nila?”

“Sa sobrang pagod nung babae, nagpakamatay siya.”

“Si Twinkle ba yan?”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon