Chappie 61

3.5K 70 9
                                    

A/N: And this is another update for ate ECE na nagrequest ng dalawang update for her 21st(?) bday! Haha, di ko po alam kung pang-ilan mo nang birthday sa wednesday! May you have more blessings to come and hope to meet you someday! =)))

Anyway, mabuti at meron ng kuryente samin ngayon. Pero mamaya for sure, brown out na naman kaya lulubusin ko na ang internet habang may kuryente pa. 

Anyway again, salamat sa mga sumusuporta sa kwentong ito. Si Darren po pala sa kwentong ito ay tunay na tao. Hihihi. Gwapo siya, mayaman, matalino at magaling kumanta! Super! Darren din ang name niya sa tunay na buhay. Pero taken na siya unlike sa story na 'to. Inspiration ko lang siya at hindi ko siya crush. Haha. Idol ko yun! Memorable yung experience na ako yung tumugtog ng piano tapos siya yung kumanta for an important event in our university. Ohohoho. =)))

Sana ako ulit ang piliin nila na magpiano for that event next year! 

Alright, magbasa na kayo ng update na 'to! Mahal na mahal ko kayo mga kaibigan! Happy reading! 

Oh, happy UOD month to all of you! Hhahaha.

______________________________________

Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Ano bang problema niya? Pero dahil nga inaantok na talaga ako, wala na akong magawa kundi hayaan siya. Kung nasa katinuan naman ako sasabunutan ko na yan. Pero wala eh. Knock out na ako.

“Malalaman mo din ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Sana malaman mo na. **blah blah blah**” Wala na akong naintindihan sa iba pa niyang sinabi.

Ang alam ko na lang, kinaumagahan, ako na lang ang tao sa kwarto. Shame! Late na ako!

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko sila sa kusina. Ang aga naman gumising ni Stacey. Tumingin ako sa orasan at 6 pa lang pala.

“Gising ka na?” Tanong ni Stacey.

“Hindi tuloy, Stacey. Nananaginip ka lang. Ikaw ang tulog.”

“Just asking.” Nagpout siya. Haha. Nakakagigil naman. “Eat ka na. Nagluto si kuya ng pancakes.”

“Wala naman kasing ibang alam na lutuin.” Nilait ko para naman kumpleto na ang araw ko. Haha.

“Wag kang kakain.” Aba, galit na si sungit.

“Eh di wag. Problema ba yun? Duh.” Tinarayan ko na. Mukhang masama ang gising niya eh.

“Nag-aaway na naman kayo.” Galit na din si Stacey.

“Hindi ako ang nagsimula.” Sabi ni Tristan. Kapal ng mukha diba? Siya ang unang nagtaray eh! Pero kasalanan ko naman talaga. Haha.

“Bakla ka kasi. Parang lagi kang may period.” Nag walk-out na ako at naligo. Sa skul nalang ako kakain. Kawawa naman ako. Mama, help me! Ahuhuhu.

Maganda na sana gising ko eh. Badtrip naman tong si Tristan. Walang ibang alam gawin sa mundo kundi magtaray at magsungit. Kawawa lang talaga ang magiging girlfriend niya. Pramis!

Dahil half-day lang ang rehearsal ngayon, relaks ang buhay ko. Kumatok si Stacey sa kwarto ko at hinila ako papunta sa kusina. Wala na yung masungit.

“Ate, wag kang magpapagutom. Kain ka na. Tinirhan kita oh.” Tinuro niya yung plato na may dalawang pancake. Aww, niyakap ko bigla si Stacey. Napakamalambing naman kasi ng batang ‘to. Masyado akong natuwa sa ginawa niya.

“Salamat baby.” Sana kapatid ko na lang si Stacey.

Sinamahan niya akong kumain. Nakaligo na siya and everything. Ready na sumama samin.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now