Chappie 35

3.5K 63 3
                                    

Nakahawak na ako sa braso niya. Siya ang naglagay nung kamay ko sa braso niya ha! Pagpasok namin sa pinto pa lang nakatingin na agad yung usherette.

“Tristan, yung mask at wings niyo?” Tanong nung usherette. She looks really gorgeous.

“Ako ang president ng council. I should stand out.” Whoa, kakaibang president!

“You and your bride look good together. Enjoy the night.” Mukha naman siyang sincere sa pagsabi niya nun.

“Find your groom. He’s probably out there.” Umupo kami sa malapit sa mga pagkain as I suggested. 

Picture here. Picture there. Pose there. Pose everywhere. Kapagod ah. Pinagod ako ng photographer na yun. Baka may balak siyang gawin akong model,hahah. Assuming much.

Iniwan ako ni Tristan kasi kinausap siya ng teacher niya at nung principal ata.

May tumabi sakin na gwapong lalaki. “Hey Miss, is gorgeous your name?” Hah, I like the line, huh.

“Nope.” Tapos smile.

“Then what is it?”

“Secret.”

“Nice name, huh. I’m..”

“She’s my date.” Katakot naman si Tristan. Bigla na lang sumusulpot.

“Joke lang ‘tol. Sige alis na nga ako.” Hahahaha. Umalis din siya without hesitation. Masyado namang takot ang mga tao kay Tristan. Siguro terror siya pag nasa skul. Hm, mabisita nga minsan. Nah, wag na. Baka palayasin niya lang ako eh.

“Hindi naman siya maeengkanto eh. Bibigyan ko na lang siya ng asin at bawang.” Biro ko.

“Ang lakas ng kamandag mo.”

“Hindi naman ako ahas. Mukha ba akong ahasssssss?”

“Eh di ang tindi ng rabies mo?”

“I’m a bitch? Aw aw?”

“No, your spell is powerful. You captivate people.” Tapos nag-smile siya. Yung pinaka-rare na smile niya. Yung tipong endangered smile. Kailangang magreproduce yang smile niyang yan. Pano kaya?

“So are you under my spell?” Binibiro ko na lang siya.

“I’ve always been.” Sows! Natawa na lang din ako. “Alis muna ako. May opening remarks kasi ako. I’ll be back. Tarayan mo na lang kung sino ang lalapit sayo. Mag-ingat ka sa mga lalaki dito.”

“Yes, master!” Hay, ano naman kaya gagawin ko ngayong mag-isa ako?

“Are you Tristan’s date?” Grupo ng mga babae ang lumapit sakin. Wala naman silang dalang kamatis or something kaya siguro naman safe ako. Pero mga fans kaya to ni Tristan?

“Yes.”

“Who are you? From what school?”

“Hey, are you his pianist friend?”

“You’re his pianist friend?” Sunod-sunod ah.

“You’re really pretty.” Nakakasawa din pala kung paulit-ulit mong maririnig ang mga compliment na ganito. Nasobrahan ata ang ayos sakin nina ate.

“Ah, thanks.”

“I thought he’ll bring Valerie. Are you his girlfriend?”

“You look kinder than Valerie.” Hindi naman ako pinapasalita ng mga ‘to eh.

“Valerie’s nice. We’re friends with Tristan. And no, I’m not his girlfriend.”

“Then why did he bring you?” Tatarayan ko na ba o ano? Or uupakan ko na? Sasapatusin ko?

“I don’t know either.” Actually hindi ko din alam eh. Bakit nga ba ako at hindi ang iba?

Sabi niya dati pagkakaguluhan si Valerie pag siya ang sinama niya. Pero ako yung gusto niyang yayain last year. Wala pa naman si Valerie nung time na yun. Bakit nga ba ako? Kasi hindi siya mahihirapan na makisalamuha kung ako ang kasama niya kasi alam niyang pababayaan ko lang siyang isayaw kahit sino? Hmm, that could be the reason.

“I think he likes you. He rarely talks with girls and he’s different when he’s around you.” Ayan na naman sa different different pag kasama ako thingy. Ano nga naman ba ang meron?

“We’re friends since childhood. We’re really close since our parents are also good friends.” Napapasabak naman ako nito sa english eh. Psh. Pero practice na din ‘to.

After some more questions na irrelevant naman talaga, umalis na din sila. Nakakapagod naman yon. Hindi pa nagsisimula ang program kaya hindi pa akong pwedeng kumain. Huhu. Ginutom na nga ako ng mga bruhang nag-ayos sakin eh tapos hindi pa ako makakakain? Grabe talaga!

TRISTAN!

“Hey, ayos ka lang? Need anything?” Whoa!

“Savior ka talaga! Gutom na ako. Hindi ako pinakain nina ate.”

“Hindi ka talaga magaling sa pag-diet.”

“I don’t care. Ano naman sa pagda-diet na yan? Hindi ko yan kailangan. Hindi naman ako sumasayaw. Kunan mo na nga ako ng pagkain.” For sure, susumbatan lang ako nitong lalaking to about sa pag-utos ko sa kanya.

“Yes, your highness.” Aba? Ang bait naman.

Kumuha lang siya ng mga pastries na alam niyang paborito ko. Puro mga chocolate-coated at matatamis. Pero konti lang ang kinuha niya. Magsisimula na din daw kasi.

Nag-start na ang program and all. Ang ganda ng opening remarks ni Tristan. Actually, yung mga sinabi ko lang naman sa kanya ang ginamit niya sa speech niya eh. Wala talagang originality.

Excerpt lang mula sa maikli niyang speech.

“…You may all look pretty and handsome tonight, you may be the most beautiful bride and the most stunning groom but remember that it isn’t the way you look tonight that should matter because you are you and how you look shouldn’t change the things you have in you. Inner things matter above all. This promenade is not about being beautiful and gaining attention but rather enjoying this event that defines a part of high school life. Let us all enjoy the night as it reveals surprises for all of us.” **Claps claps**

Oh diba? Bongga noh?

Natutuwa talaga ako na ginamit niya ang mga sinabi ko. Masyadong happy! Naglakad na siya papuntang table namin. For some unknown reason, ako lang ang nakaupo sa table namin. Hindi man niya pinareserve tong table diba? Or baka natakot na ang mga tao na umupo katabi ako.

“Para kang baliw.” Tch.

“Sinabi ko yun. ^___^”

“Alin?”

“Yung nasa speech mo!”

“Nabasa ko lang yun sa internet.”

“Exact words ko yun e.”

“Mali lang pagkakadinig mo.”

“Fine.”

“Thanks.”

“Saan?”

“For being with me tonight.”

Nagplay sa background ang A Thousand Year. Funny thing is that the first line reflected what’s happening to me.

Heart beats fast…

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now