Special Chapter 1 of 5

76.7K 1.1K 65
                                    

TCRMIL #1: Special Chapter 1 of 5
(Happy 900K my loves! Thank you for all your love!)
Please check out this series book two as well! :) Title: The Club: Ruthless Men in Love #2 (A Beautiful Beast). The book will be about Gabe and Cassy's love story! Thank youuuu! <3

MALUNGKOT na ibinaba ni Emerald ang hawak-hawak. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang panig ng sink at napayuko. She sighed. She stared at the red single line. Negative. Again.

"B-baby?", ani tinig ng isang lalaki mula sa labas ng pintuan ng banyo. Napakagat sa kanyang labi si Emerald. They had been married again for more than two years and still failed to conceive. Napatingin siya sa nakasarang pintuan kung saan sa kabilang panig noon ay naghihintay ang lalaking mahal.

In the past half a year, they had been seeing a doctor that could help them with their problem. Mula sa exercise, oras ng pagtulog at hanggang sa kanilang kinakain ay restriktado na para lamang tumaas ang chances nila na magka-anak. Even Marcus has to reduce his working time just to make sure that he is in a perfectly good health.

"B-baby? Can you let me in?", ani muli ni Marcus mula sa kabilang panig ng pintuan. Napabuntong hininga si Emerald. They said it might take about half a year before they could finally conceive ngunit lagpas-lagpas na ay hindi pa rin talaga. Inilapag niya ang pregnancy test kit sa ibabaw ng sink at nagtungo sa pintuan upang buksan iyon.

Nang makita ang lalaki ay agad niyang isinubsob ang mukha sa dibdib nito at yumakap diro ng mahigpit. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga ng lalaki bago ito yumakap pabalik sa kanya. "I am sorry, baby.", bulong nito at humalik sa tuktok ng kanyang ulo. "I'm sorry..."

Pumikit si Emerald ng mahigpit at pinigil ang mga luha. No. No. Hindi dapat ito nag-sosorry. Walang may gusto nito. Umiling-iling siya at yumakap pa ng mahigpit sa lalaki. Nagsimula na ang pagtulo ng kanyang mga luha. If it is anyone's fault... it is hers. Marcus already accepted the fact that they would not be able to have the child of their own. Siya lamang itong makulit.

Noong nakausap niya kasi ang nakakatandang pinsan nito na si Nathan ay nalaman niyang may pag-asa pa sila dahil hindi naman totally infertile ang lalaki. Kaya hayon at pinilit niya ito na pumunta sa doctor na makakatulong sa kanila...

"I shouldn't have drag you into this." Ani Emerald. She knew it. Alam niya na sa nakaraang tatlong buwan ay tila basahan niyang inilalampaso sa sahig ang dignidad ng lalaki. "I'm so selfish..." She knows that every negative result is far harder for him to swallow.

"Shh. Don't cry..." Naramdaman niya ang paghaplos ng kamay ng lalaki sa kanyang buhok. "I wanted to try it too." He defended. "You made me realize that I should not just sit in a corner and accept my fate." Nag-angat ng tingin ang dalaga, namumugto ang mga mata at namumula ang mga pisngi.

"I know... but I can't take it when you blame yourself." Aniya at pumalahaw muli ng iyak. "I don't want you to blame yourself! Ako at ikaw. Tayo, Marcus. Tayo parati." Napangiti ang lalaki at bahagyang tumango. Emerald insisted that every decision, consequences, and every successes and failures should be shared by both of them. That's how a marriage should work, she said.

"Stop crying... talo mo pa si Fia sa tuwing umiiyak ka.", pagbibiro ng lalaki at pinunasan ang basang pisngi ng babae gamit ang hinlalaki. "Tignan mo, mugto na iyong mga mata mo." Imbis na sumagot ay ngumuso lamang ito at umirap saka sumadal na lamang muli sa dibdib ng lalaki.

May ilang minuto rin marahil silang nasa ganoong pwesto. Tahimik na nakatayo sa tapat ng pintuan, magkayakap. They both love the serenity in each other's arm.

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن