The Unwanted Love (MAdV) - 16

93.3K 1.8K 90
                                    

Correction from last chapter: Brown eyes si Emerald 😌
9 August 2018

"Ed! Sorry na-late ako!" Humahangos na umupo si Emerald sa katapat na silya ni Ed. Ibinaba niya ang dalang bag sa isa pang upuan at inilapag ang portfolio sa lamesa.

"It's okay, Emerald. Hinga ka muna." Natatawang saad ng lalaki. Nagtawag ito ng waiter upang humingi ng tubig. Agad kinalkal ni Emerald ang bag at kinuha ang kanyang panyo. "Si Sophia kasi iyak ng iyak, hindi ko maiwan, natraffic pati sila Mommy." Nakanguso niyang saad bago pinunasan ang mukha. Pawis na pawis siya. Tinakbo lang naman niya mula sa parking lot patungo roon sa coffee shop.

"It's okay, really. Sanay naman akong maghintay." Napatingin siya sa lalaki at napahinto sa pagpupunas ng mukha. May laman ang mga salitang iyon, hindi siya tanga. It has been more than half a year since Ed told her that he wanted to be her special someone.

"Sabi ko naman sa iyo, matagal pa eh." Biro niya pabalik. Dinadala niya na lamang sa biro ang sagot sa lalaki dahil hindi niya kayang busted-in ito ng ganoon ganoon nalang. Pero she's trying her best. Ed is a good man with good intention. She would have been directionless if it had not been for him. Ed has been there for her for the whole year. Siya lang talaga ang walang nararamdaman.

Tumitig lang ang lalaki sa kanyang mga mata. It did not spark any feelings. Mabuti na lamang at dumating na ang waiter na may dalang tubig. Save by the bell. Kinuha niya iyon at agad na nilagok. Nang maubos ang tubig ay nakangiting ibinaba niya ang baso sa lamesa.

"Everything is ready for the big day!" She said cheerfully. Binuklat niya ang dalang portfolio at iponakita kay Ed ang mga last minute changes na ipapakita nila sa exhibit. Last October, her first exhibit came to life. Sa tulong ng lalaki ay nagkatotoo ang pangarap niyang magkaroon ng exhibit sa isang art gallery. Since then, Ed has been helping her with her exhibits. At ngayon, ito na ata ang pinakamalaking event sa kanyang career. All thanks to Ed.

"I want to change my main piece and replace it with this one." Turo ni Emerald sa isang larawan. Tinitigan iyon ng lalaki at tumango tango. "Perfect choice." Tugon ng lalaki. Ngumiti siya at pinagdaop ang mga palad. This exhibit will feature her paintings and photographs. Sobrang excited niya dahil ito ang unang pagkakataon na maipapakita niya sa publiko ang kanyang love for photography.

"Great! Let's order?" Tanong niya sa lalaki at hinila mula sa kamay nito ang kanyang porfolio. "Tss. Bossy." Komento nito at umiling iling pa nga bago tinawag ang waiter.

"MOMMY, I'm home!", sigaw ni Emerald nang tuluyang makauwi sa kanilang bahay sa Maynila. Naroon ngayon ang kanyang mga magulang dahil kailangan niya ng magbabantay kay Sophia. Sobrang busy na niya sa mga susunod na araw kaya kailangan na nito ng kasama sa bahay. Mag-uumpisa na kasi ang pag-hahanda sa gallery at gusto niyang maging hands on sa preparasyon.

"Mom?!" Sigaw niya muli. Ibinaba niya ang bag sa couch at lumapit sa tokador. Hinubad niya isa-isa ang kanyang mga alahas at inilagay iyon sa isang bowl kung saan niya rin iyon kinukuha bago siya umalis.

Marahil ay nasa roof deck ang mga ito at nag-su-swimming. Hinubad niya ang kanyang sapatos at sinuot ang kanyang pink slip on.

Isang condominium ang nakuha nilang bahay. Kakalipat lang nila noong magsimula siyang magkaroon ng exhibit. Napapagod kasi ang kanyang daddy na ihatid sundo siya sa tuwing kailangan niyang pumunta ng maynila.

Akmang magtutungo siya sa kusina upang kumuha ng maiinom ng tumunog ang door bell. Agad siyang nagtungo roon at binuksan ang pinto.

"Ms. Fortman?", nakangiting saad ng lalaki. Naka-corporate suit ito at may hawak na briefcase. Nginitian niya ito. "Yes? How can I help you?" Baka ito ang lalaki na nag-aayos ng papers ni Sophia. Hindi niya kasi kilala ang isa sa mga ito dahil madalas ay ang kanyang mga magulang ang nakaka-usap nito.

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]Where stories live. Discover now