The Unwanted Love (MAdV) - 5

105K 2.2K 67
                                    

Sorry for the typos from prev chapters and this huhuh. Di ko pa siya ma-edit. Ang daming pending ni Author. huhuh. Thank you for reading guys! Love love. :)

Date Posted: 22 July 2018

Unedited

Hindi na hinintay ni Emerald ang reaksyon ni Marcus. Bagkus ay isinara niya ang pinto at bumaba na ng attic. Hinayaan niya ang lalaki na isipin ang lahat ng sinabi niya. Hindi niya ito kinikibo noong mga nakaraang linggo dahil alam niya na iyon ang sasabihin niya sa oras na magsalita siya. She is so damn serious. Gusto niya ng divorce. Yes. Divorce. Pwede silang mag-divorce. Hindi naman kasi sila sa Pilipinas ikinasal.

Emerald nervously knock on Marcus' door. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang dala-dalang balita. Gusto niyang umiyak. Natatakot siya sa maaaring maging reaksyon nito. Isa pang katok nang marinig niya ang pagbukas ng lock at tuluyang pag-awang ng pinto.

A sleepy Marcus was on the other side of the door. Gulo-gulo ang buhok nito at halatang nabulahaw niya ito. Wala itong suot na pantaas at tanging towel lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Shit. Nandoon ba si Angelus? Ang huling narinig niya ay sinusubukan ng dalawa na ayusin ang relasyon matapos ang... matapos ang katangahan niya.

His soft features hardened when he realized who's the person on the other side of the door. "Emerald." Saad ng lalaki. Sa tinig nito ay hindi ito natutuwang makita siya. "Let me in, Marcus." Bulong ni Emerald. Kinakabahan siya. No. Natatakot siya.

Kaninang umaga ay natagpuan niya ang sariling nasusuka. Masakit din ang ulo niya at ang bigat ng pakiramdam niya. Sinubukan niyang bilangin nag araw nang huli siyang dinatnan at noon ay napagtanto niyang wala pa siyang dalaw!

Agad siyang umalis ng bahay matapos mag-agahan upang bumili ng home pregnancy test. Sa takot ay hindi niya iyon iniuwi sa bahay bagkus ay sa banyo sa isang grocery store niya iyon ginamit. Sa sobrang pagkalito at pagkatakot ay natagpuan niya ang sarili sa harapan ng condo unit ni Marcus. Hindi niya kayang sabihin iyon sa kanyang mga magulang. Hindi niya kayang saktan ang kanyan mama. Ano na lamang ang mararamdaman nito kapag nalamang nabuntis siya sa ganoon edad at walang asawa!

Not that it is a bad thing, but her mother is very conservative. And she wanted to respect her beliefs. Sobrang buting ina ng kanyang mama. She loves her parents so much.

Binuksan ni Marcus ang pinto at dali-daling pumasok si Emerald doon. Sigurado na siya na wala roon si Angelus dahil pinatuloy siya ng lalaki.

"What are you doing here?" Tanong ng lalaki ng maisara nito ang pinto. Napahigpit ang hawak ni Emerald sa bag kung nasaan ang ebidensiya sa pasabog na balita.

Naramadaman ni Emerald ang sarili na pabalik-balik na naglakad sa kahabaan ng sala ng lalaki. "Emerald, for fuck's sake. What are you doing here?" He said with his authoritative voice.

"I am pregnant!" she blurted without even thinking. Kinabahan siya sa tinig nito at nablanko na ang isip niya.

"What?!" His voice was louder. Nakapamaywang ito at nanlalaki ang maga mata. Nanginginig ang mga kamay na inilabas ni Emerald ang pregnancy test kit at ini-abot iyon kay Marcus. Hindi iyon tinanggap ng huli at may disgustong tinignan pa ito. Napahigpit ang hawak niya sa kit at binawi ang braso. "I am pregnant, Marcus." Bulong niya. Muling nag-unahan ang luha sa kanyang mga mata. Natatakot siya. Hindi siya handa para sa senaryong iyon. For fuck's sake! She just turnwed twenty-one and just had a job she wanted!

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora